MEET LANCE

23 0 0
                                    

After class Mom decided to go back at our store and I headed to the list of groups for the presentation for the acquaintance party.

"Excuse me.." hawi ko sa mga nakakumpol na estudyante sa may bulletin board. Medyo may karamihan ding nagbabasa ng mga names ng nakalista.

Akala ko kaunti lang ang walang group..imposible namang absent din sila kahapon.. haaay salamat! Nakarating din sa unahan.? Nasan kaya ang name ko?
Hmmm..e 4 groups with 6 members lang naman pala ito..bakit parang pila ng Kathniel movie dito? At 90% ay babae 9% ay beki pa.. sino bang pinagkakaguluhan?

Ah eto pala ang pinagkakaguluhan nila! Talaga namang pagmay transferee lalo na at pogi pinagkakaguluhan at para bang artista..pero in fairness pogi nga naman si Tisoy!

"Hi Sari!" bati ni Tisoy

Kilala nya ko? Sino nga ba sya? Parang namumukhaan ko sya e...hmmm....titig na titig ako sa kanya..sa mahahabang pilik mata, matangos na ilong, mapupulang labi at makakapal na kilay!

"Kapal kilay? Ikaw ba yan?"
tanong kong medyo 70/30 sure

"Ako nga! Pero wag naman kapal kilay, di na tayo elementary ngayon. Lance na lang!" natutuwa nyang sabi sabay yakap sakin

"namiss kita kulot!" bulong niya

Ooopppsss...this is awkward! Naririnig kong nagbubulungan ang mga babae sa paligid at palakas na ng palakas kaya itinulak ko na ng kaunti si Lance

"Ahm.. Lance, mainit..." pagdadahilan ko
"Kelan ka pa bumalik from States? Saka bakit nandito ka? Well, obviously dito ka nag-aaral dahil nakauniform ka namin, but I thought you're staying there for good?" tuloytuloy kong tanong.

Well namiss ko din naman si Kapal Kilay..Siya nga pala ang bestfriend ko before during elementary days..actually even before elementary. Basta when we started schooling magkasama na kami at super close talaga kami. Pero nagmigrate ang family nila sa America after namin grumaduate ng elementary. At wala na kong balita mula non.

"Si Lola kasi, remember her?" biglang lumungkot ang mukha nya

"Why? What about her?" curious kong tanong

"Bulag na siya, complication of her diabetes.. ayaw naman sumunod samin kasi malamig daw don, hahaha.. so I decided to go back here and watch over her. And also to see you again. I really do miss you Sari" seryoso ang mukha nya at naniningkit ang mga matang nakatitig sakin.

"Eherm. Excuse me! Hindi lang kayo ang titingin sa bulletin kung maglalambingan sana wag dito, nakakaabala e"
boses ng lalaki from my right

"I'm sorry, sorry pero di kami naglalambingan" paliwanag ko kahit di ko pa nakikita kung sino ang kausap ko.

"Ok lang miss, kung tapos na kayong tumingin ng boyfriend mo, pwedeng kami naman?"
Nagulat ako paglingon ko, si Lito! Oo, siya nga! Mukhang galit at namumula siya at nakatingin siya hindi sakin, kundi kay Lance.

"Hindi ko siya boyfriend" sagot ko

Ano ba yon? Bakit yon ang sagot ko? Tsk! Ano bang nangyayari sakin? Sinusungitan na nga ako e bakit parang pakiramdam ko ay kailangan kong magpaliwanag?

"What's your problem man? " parang napikon si Lance sa tingin ni Lito

Di naman sumagot si Lito nagtaas lang ng baba na parang pasugod na kay Lance.

Naku! Nangangamoy away ata..

"Wait! Wait! Lance, tara na nga! Mamaya nalang ako titingin kung anong group ko!" yaya ko kay Lance at hatak ko na siya palayo kay Lito habang nakatingin pa rin ako kung susunod ba ito.

Bakit ganon na siya? Parang ibang iba sa nakita kong Lito kahapon lang. Bakit parang nawala yung gentleman, caring at simpatikong Lito na nakayakap sakin kahapon? Ngayon ay parang malaki ang galit sa mundo at mainit ang ulo? Kung babae lang siya ay iisipin kong may period siya! Hari ng sungit! Hmp! Mr. Sungit!

"Don't worry Kulot, magkagroup tayo! No need for you to go back there! Baka makita mo pa ulit yung arrogant na yon!"

Dederecho na kami ng gate para umuwi ng makarinig kami ng tawag.

"Announcement! Yung members daw nung 4 groups na naka.-post sa bulletin imi-meeting daw muna kayo ni Mrs. Torres sa gym"

We're on our way to the gym nang makita namin ulit si Lito. Siya nanaman? Bakit nandito nanaman to? Ay oo nga pala, nakapila din siya kanina don means kasama siya sa hindi nai-group yesterday. Bakit kaya? E pumasok din naman siya kahapon. Oh my! Di siya nakaattend ng PE class niya dahil sinamahan nya ko sa Clinic? Tama nga kaya ako? Nakakahiya naman! Yon nga kaya ang reason?

"Pumwesto na kayo sa group ninyo, dito ang group 1, 2, 3 and 4." Kasabay ang pagturo ni Mrs. Torres sa mga pwesto ng bawat group.

"Anong group natin?" Tanong ko kay Lance

"4" maikling sagot nya habang nakatingin sa opposite side ko.

Papalapit kasi si Lito!
Oh my! Hindi naman siguro sila mag aaway in front of our teacher?! I hope so!

Palapit siya ng palapit pero napansin kong nakangiti naman siya.

"Magkagroup pala tayo, pasensya na kanina ha. I'm sorry sa inasal ko. Pagod lang siguro sa training namin nagCOCC kasi ako e, kanina ang first training" sabay abot ang kamay para makipag shake hands kay Lance

Tinanggap naman ito ni Lance. Sabay hawak sa ulo ko

"Ok lang yon! Diba Kulot?"
"Ano ba?! Kapal kilay! Bwiset ka!" iritang sabi ko kay Lance, sabay tingin sa kamay ni Lito na naghihintay naman sa harap ko.

"Ok lang yon, pasensya na din kasi itong KAIBIGAN kong galing States ngayon lang ulit kami nagkita kaya ayan, ang kulit kulit."
Here I go again explaining myself as if he cares about the details.

"Ganon ba? So hindi mo siya boyfriend?" Tanong niya

"Hindi ah!" Mabilis kong sagot

"Ah..by the way? I'm Lito, Carlito Gomez"

"I'm Sari"

"MARIA ROSARIO KULOT SORIANO" singit ni Lance

"And I'm Lance"

"LANCELOT KAPALKILAY NI LOTLOT SMITH"

"Hahaha. Ang kulit nyo!" Tawang tawa naman itong si Lito habang hawak pa din ang kamay ko

"Ahm.. yung kamay ko" sabay bawi sa kamay ko
"Ngayon ngapala ang training ng COCC, nawala sa isip ko" bulong ko

"Gusto mo din pala magCOCC? Hayaan mo, sasamahan kita kay Sir.Perez mamaya" bulong ni Lito

"Naku! Wag na nakakahiya naman" sagot ko

"Hindi naman, kailangan ko din kasi bumalik sa HQ kasi nakalimutan ko yung list ng mga kailangang bilhing paraphernalia" pilit niya

"Ah..sige sige" natutuwang sabi ko

"Okay! Umupo na ang lahat!"
Instruction ni Mrs. Torres
"Now that you know your group and your group members, I want you to choose your leader and have him or her pick what kind of presentation you'll going to present for the coming party "
Si Lance ang tumayo as leader at ang nabunot
Dance Interpretation

...
imcxe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako at Siya at Sila ~ Autograph BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon