Ms.Curly Cute?!

30 0 0
                                    

"Sari! Wake up!"

"Mommy?"
Omg! Bakit nandito si Mommy?

"Tinawagan ko si Tita, Sari.. di ko kasi alam kung pano kita iuuwi e. Kanina ka pa walang malay..pasara na ang school.." paliwanag ng magaling kong bestfriend.

"Are you okay baby?"

Tanong ni Mommy

Omg! This is awkward! Mom, I'm not a baby anymore.

"Yes, I'm fine, but I really wanna go home." sagot ko

"Are you going with us, Andrea?"

baling ni Mom kay Rhea

"Hindi na po tita, magpapractice pa kami ng sayaw sa house ng classmate ko." Sagot niya

---

"Good morning!"

"Good morning, Mrs. Torres"

Ayos na ang eyeglasses ni Ma'am.

"Dahil sa maraming wala yesterday nang maggroup ako para sa presentation sa darating na Aquaintance Party, makikipagmerge kayo sa other sections dahil nakapagbunutan na ang mga groups yesterday at nakapagconceptualized na din ang iba para sa gagawin nila." announcement niya

ooppsssss...this is not a good news for me. Ako isasama ni Ma'am sa ibang section? 

"Later, ipapatawag nalang namin ang mga concerns sa Faculty Room. Siguro naman may idea na kayo kung kasama kayo sa mga 'yon kaya magpaiwan at maghintay ng further announcements after class. Am I clear?"

"Yes, ma'am!"

OMG! talagang this doesn't sound good! Sana naman mababait ang magiging kagroup ko. Kundi dahil sa Lito na yon! Edi sana hindi ako mahihimatay at may group na sana ako ngayon.. Malas talaga! Speaking of  Lito, of all the people sa campus bakit kaya siya pa ang nakasalubong ko kahapon? In my most embarassing moment. Nakakahiya talagang isiping nakita niya akong parang batang umiiyak kahapon tapos yung....yung pagkatulala ko sa kanya. Nakakahiya talaga! Sobra!

*plak! "Malandi ka!"

 Nang biglang may sumampal sa'kin.

Sino to? Sino siya para sampalin ako? At anong ginawa ko para sampalin niya ako? 

Tumayo ako para kumprontahin ang nasa harap ko. Inis na tiim-bagang kong hinarap kung sinoman siyang may lakas ng loob na gawin sa'kin yon sa loob ng classroom.

Nagulat ako ng makitang si Anne ang sumampal sa'kin.

Anong problema nito? Akala ko ay okay kami at ginawa ko na ang request niyang ibigay ang authograph niya sa Lito na yon! 

"Simpleng malandi ka rin eh. Akala mo kung sino kang umastang galit na galit kay Lito pero kung makadikit ka kahapon e wagas na wagas girl! At di ka pa nakuntento! Halos makipaghalikan ka na. Ewwww.. ikaw pa tong babae ang halos magkanda pilipit ang katawan na dumikit kay Lito. May lahi ka yatang ahas eh! Or better if I say na para kang higad sa kati!" walang patid na litanya ni Anne ng himutok niya.

"Wait, wait Anne! First, you have no right to just confront me and slap me on my face.. pasalamat ka at may manners ako at di kita para patulan, pero isang kanti mo pa sakin at di mo gugustuhin ang kaya kong gawin.

Second, are you accusing me of  flirting with Lito? Mukhang mali yata ang iniisip mo.. I  was hurt yesterday because I accidentally bump into someone which unfortunately is your beloved Lito. I was hurt and I can't even stand by my own.. and you think about it as flirting?

Third  and last, next time if you have any issues on me whether it is personal or about your premature jealousy, you can always talk to me and ask me not in your barbaric way but in a civil way." mahinahon pero sarcastic kong sagot sa kanya.

But wait a minute! Sabi ni konsensya
Looking at us (Lito and me) yesterday..I  really am flirting with him, not knowing he is this so-famous-oh-famous Lito.

Lalong tumitindi ang galit ko sa bwiset na yon. Malayo na ang narating ng isip ko hanggang mapansin kong may idinuduldol itong walang manners na Anne sa mukha ko.

"At ano pala to kung di ka lumalandi?"

Ano nga ba yan? Kandaduling ako sa tinuturo nya sa autograph book nya,
What the!

Who is your crush? Ms. Curly Cute (Section 1)

Aw! Looks like it refers to me.

Napangiti ako.
Crush ako ni Lito? Hahaha

"So, ngayon may pangiti ngiti ka pa? Ipaliwanag mo ang ibig sabihin nyan Rosario!" galit na galit na sabi ni Anne. At talagang mukhang napikon siya sa pagtawang ginawa ko at talagang buong pangalan ko ang ginamit.

Kahit sinigawan niya ko ay di nawala ang ngiti ko..sa di ko malamang dahilan, kung dahil ba sa nabasa ko o dahil sa reaksyon ni Anne. Kaya pala selos na selos.

"Wala ka bang sasabihin? Ipaliwanag mo to at bakit ka natatawa,.,!" Todong inis nyang sinabi

"Nakakatawa ka kasi e, galit na galit ka diyan, e bakit? Sure ka bang ako yan? At kung ako man yan, edi ipabura mo sa kanya,, alangang ako nanaman? Edi lalo kang nagselos!

Pananadya kong inisin sya, sa totoo lang nakakatawa ang nabasa ko at dahil ikinaiinis ko ang ginawa ni Anne sakin..iinisin ko din sya lalo na ngayong may alas na ko sa kanya!
At crush ako ni Lito! Ako? Ms. Curly Cute! Hahaha..

"Talagang nang-aasar ka no? E kung sabihin ko ang kasalanan mo kay Ma'am Torres?" banta ng bruha

"What it is all about? Anong dapat kong malaman ha Anne?"

Biglang lumabas si Mrs. Torres mula sa pinto sa likod ni Anne

This is not happening! I  am so dead now!

" I want to see you both in the Guidance Office now!"

"But Mom, it was an accident..and it is not my intention to keep it from you. I was too afraid to tell you. I am so sorry Mom and also to you Mrs. Torres" I apologized

"We will replace the broken eye glasses ma'am" sabi ng Mommy

Nakakahiya talaga ang nagawa ko,di ko naman talaga sinasadyang mabasag ang salamin ni Ma'am, naglalaro kasi kami ng tagutaguan at nagtago ako sa ilalim ng mesa, nagulat ako kaya paglabas ko ay nataob ko ang mesa at nadaganan nito ang salamin na nakapatong pala d2..

"No need to do that Mrs. Soriano.. Naipaayos ko na din naman kaya Ok na! Next time Sari, it is always better to be honest. Wag na sana maulit ito." Bilin ni Mrs. Torres

"Thank you po Ma'am. I promise I will never do that again. I'm sorry din Mommy, I know you're always telling me to be honest but I kept this one from you. I know I'll be grounded because of this.  I accept it! I really am sorry."
naiiyak kong sabi..

"It's okay baby, I'm happy to hear sorry from you and I know you mean it. But as you've said you'll be grounded! A week young lady!" ang pasya ng inang reyna

...
imcxe

Ako at Siya at Sila ~ Autograph BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon