KANINA pa ako nakatingin sa lalaking nakaupo sa labas ng convenience store na pinagta-trabahuan ko. I wanted to ask him kung okay lang ba siya, pero ayon sa nakikita ko, hindi. Umiiyak siya.
“Sabrina, pwede ka ng umuwi kasi nandito naman na si Freya. Late na rin masyado.” my boss said kaya tumango na lang ako at nag-ayos.
I arranged my stuffs, first. I took two cans of beer, saktong-sakto, malamig pa. Pumunta ako sa counter kung saan nakatayo si Freya, ka-trabaho at kaibigan ko.
“Gabing-gabi na at mag iinom ka pa. Dalawa pa, ang tinde.” Inirapan ko na lang si Freya nang pabiro habang nilalagay nito sa plastic ang binili ko.
Binigay ko naman agad ‘yong bayad, “Oh eto, bayad. Keep the change.” pagbibiro ko. Tawang-tawa naman siya dahil isang piso lang naman ang sukli.
“Alam ko na kung bakit ka iniiwan palagi, Sab.” seryosong saad ni Freya kaya tinaasan ko ito ng kilay. “Kaya ka iniiwan kasi paasa ka masyado.” sambit nito sabay ang isang malakas na tawa.
Name-mersonal na talaga ‘tong babaeng ‘to. Ohmy Sabrina, huwag kang magpapatalo.
“Hoy, alam ko kung bakit hindi ka pa nagkaka-jowa, Freya.” Sa utak ko ay tawang-tawa na ako sa mukha ng kaibigan ko.
“At bakit?” Tulad ng ginawa ko kanina ay tinaasan niya rin ako ng isang kilay.
“Kasi ang corny mo masyado!” Isang malakas na halakhak ang lumabas sa bibig ko kaya napasimangot naman si Freya.
“Burn!” sambit ng boss namin at nakisabay sa tawanan pero maya’t-maya ay kumalma na rin ito. “Oh siya, tama na ‘yan at uuwi ka pa Sab. Gabing-gabi na oh.”
I waved my hand at them and bid them my goodbye, “Bye, everyone. See you when I see you.”
“Sasakay po ba kayo?” bungad ng isang taxi sa harap ng store pagkalabas ko.
Iling naman ang tinugon ko, “Hindi po, manong.” Mukha pa naman itong manyak, wala akong tiwala do’n at baka saan pa ako dalhin nito.
Instead of looking for a taxi, I approached the guy I was staring at simula pa kanina. Sa table nito, may dalawang bote ng gin na wala ng mga laman. Hindi ko naman ito nakita kanina no’ng bumili or baka bumili nga ito kaso hindi ko lang napansin dahil na rin sa dami ng costumers.
He seemed problematic.
“Hoy, ito panyo.” Sabay abot ko dito ng panyo at bigla naman nitong tinanggap. “Are you okay?” I still asked even though I already knew the answer of my question. I just wanted him to be honest with his feelings.
“I’m not and no one cares. So if I were you, just leave me and go.” Wala naman akong naramdamang galit sa tono ng pananalita niya, pero may plano ata itong paduguin ang ilong ko.
I pulled a chair infront of him and stared at him. “Look oh, ikaw na nga itong dinadamayan, nagtataboy ka pa. Doon tayo sa plaza, may beer ako. Doon ka mag-drama, huwag dito. Baka pagalitan ka ng boss namin.”
Good thing at hindi naman pala matigas ang ulo nito. Nauna ako maglakad, alangan naman sumabay ako sa kaniya, sabihan pa akong ‘fc’ (feeling close). He followed me hanggang sa marating namin ang plaza.
He seemed confused when we arrived at the plaza, “Why did you bring me here? Seriously, plaza? We’re going to drink here? In front of the church?” Marunong kaya ‘to mag tagalog?
I rolled my eyes while facing him, “Atleast, hindi sa loob, duh.” I opened the cans myself and handed him the other one. “Problema mo?” Hindi naman sa chismosa ako at nangingialam ng buhay ng iba, hah? Concern lang ako sa mga tao.
YOU ARE READING
STRANGERS WITH MEMORIES (ON GOING)
RomanceSabrina Cabrera, an engineering student, never expected to fall in love again until she meets a stranger, Klyde Coriander, the guy who will make her heart beat again after a long time of dealing with pain. Will the two cans of beer be the way of the...