Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa labas ng bintana. Tinignan ko ang orasan at doon ko napagtanto na alas-otso na pala nang umaga.
Dali-dali akong napabangon mula sa pagkakahiga at nag-stretching muna saglit. Medyo masakit ‘yong katawan ko kaya napapa-aray ako.
Napatingin ako sa side table at napagtantong may nawawala sa gamit ko, pero hindi ko alam kung ano ‘yon.
I just took a deep breath and made my way inside the comfort room and took a quick bath. Habang naliligo ay panay ring naman ang phone ko ngunit hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko.
‘I bet you like my surname. Just wait and I’ll replace your surname with mine, Sabrina Cabrera.’ Natigil ako nang bigla itong pumasok sa utak ko.
“Omg, pati sa pagligo, ikaw pa rin ‘yong tanging nasa utak ko, Klyde. What are you doing to me ba?” nakikilig kong sambit habang panay sa pag-ngiti.
Hanggang sa matapos ‘yong pagligo ko ay hindi na nawala ‘yong malapad kong ngiti habang iniisip si Klyde. Kakaiba talaga ‘yong dating niya sa’kin. The way my heart beats for him, I knew he’s the one, char.
“Good morning, Sab!”
“Ay Klyde!” sigaw ko at napatalon sa gulat nang makita ‘yong kaibigan kong si Shawn na nakaupo sa may single sofa, “Este ano, Shawn, ikaw pala.”
He stared at me as if I made something wrong, “And who’s Klyde, ha?” tumayo siya at pinagkrus ang dalawa niyang braso. “Oh ano na, babae? Sino ‘yong minention mong Klyde, ha?”
“Hoy gaga, may ichi-chika ako. Wait lang at ako ay magbibihis na muna.” pagpaalam ko at pumasok sa kwarto ko. Plano kong umuwi sa amin ngayon since hinihintay ako ni Mama.
I just wore a high-waist jeans and a brown sweater. Medyo malamig kasi sa place ko roon sa amin. I combed my curly hair and fixed it without using a tie.
Pagkalabas ko ay nando’n pa rin si Shawn sa puwesto niya kanina, “What brought you here nga pala? Or sadyang miss mo lang kagandahan ko?” pagbibiro ko at dumiretso sa kusina upang magluto.
“Ulol, ang hangin mo, Sab. Inborn na ‘yang pagiging mahangin mo.” pag-eepal nito at umupo sa upuan sa may kusina. “Ano ba ‘yong ikwe-kwento mo?”
“First of all, nag-breakfast ka na ba? At bakit bihis na bihis ka ata? May lakad pre?” sunod-sunurang kong tanong at kumuha ng tig-iisang pack ng hotdog at ham sa ref. “Kung need mo ng chaperon, sorry I am not available today kasi uuwi ako kay Mama.”
“Dami mong tanong, dahan-dahan uy, mahina ‘yong kalaban. Hindi pa ako kumain kasi plano ko talagang dito mag-breakfast. Bakit ako bihis na bihis? Well...” he pretended that he was thinking and then smirked, “sasama ako sa’yo eh. Miss na rin ako ni Tita, panigurado.”
Nilagay ko na sa pan ang mga lulutuin ko kaya medyo nakatalikod ako kay Shawn, “Yocc, feeler mo naman. Hindi ka nami-miss ni Mama if ever hindi mo alam.” I joked then laughed when I saw him frowned.
“Alam mo, sarap mong itapon, Sab. Sumbong kita kay Tita, mas mahal pa naman ako no’n.” ipinatong niya ang isang siko sa ibabaw ng mesa at tinignan ko nang masama, “Panget mo.”
I rolled my eyes and continued what I was doing, “Well, mas panget ka naman kaya okay lang. Anyway, paki-ready nga no’ng sliced bread para naman may ambag ka.”
He took a large round plate and placed some breads on it. Pagkatapos maluto ng mga ulam ay nilagay ko na sa kani-kanilang plato.
Umupo na rin ako sa harap ni Shawn at nagsimula na kaming kumain ng breakfast. Halos araw-araw dito kumakain ‘yang mokong na ‘yan.
YOU ARE READING
STRANGERS WITH MEMORIES (ON GOING)
RomanceSabrina Cabrera, an engineering student, never expected to fall in love again until she meets a stranger, Klyde Coriander, the guy who will make her heart beat again after a long time of dealing with pain. Will the two cans of beer be the way of the...