"Happy Valentines <3
Wishing you the best. Thank you for the warm appreciation; Made me feel flattered and special. Goodluck on your future endeavors."
*InsertNameHere
Kamusta na kaya ang taong nagsulat nito? Saan na kaya siya nagyon? Hmmmmm Ako nga pala si Leah Rivera, kakagraduate ko lang as a Nursing student.
Naaalala ko pa talaga nung 1st year college ako. Crush na crush ko ang senior nursing student na si Paolo Franciso. Mabait, matangkad, magaling kumanta, sumayaw, magpiano at sobrang linis tingnan. Sabi pa ng mga kaklase ko "Mr.Perfect" na daw kumbaga.
Valentines Day noon. At ako sobrang bitter!!! Lahat ng nakikita ko na magkasintahan ay sinasabihan ko ng mga katagang "Sus! Magbebreak din kayo!"
"Nakakairita talaga ang paligid! Puro kokornihan! Bulaklakdito, harana doon, tsokolate dito, lobo doon. Nako! At eto pa, harutan to the left and harutan to the right. PBB Teens?!!" -Padabog na sabi ni Leah
"Hay nako friend! Ang sabihin mo inggit ka lang kase walang nagbibigay sayo noh? Hahaha -Kantyaw ni Joan kay Leah
"Tumahimik ka nga! Ako inggit? Hah! Bat naman ako kukuha ng batong ipupukol sa ulo ko?!" -Pagpapaliwanag ni Leah
"Oh! Oh! Chillax ang beauty mo teh! Halika ka na nga, kumain nalang tayo para di naman tayo sawi diba? -Sabay hila ni Joan kay Leah
Leah's POV
Oo! Inaamin ko! Inggit ako, sobrang inggit sa babaeng nakakatanggap ng mapupulang rosas, tsokolate, lobo. Aba! Sa labing anim na taon ko ba namang pananatili sa mundo ay niminsan di ko pa naranasan ang mga ganyan. Sana lang si Paolo walang ka-date ngayon...
Habang kumakain nasaisip pa rin ni Leah kung nasaan si Paolo. Ang swerte naman nung babaeng ka-date nya ngayon. Haaay.
"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo ahh? Kanina pa ako usap ng usap dito". - Joan
"Wala! Naisip ko lang kase, kung anong pakiramdam ng may matanggap galing sa taong mahal mo". Leah
"Hay nako girl! Huwag kang mag-alala, makakatanggap ka rin". :) -Joan
"Nako! Kung ano mang binabalak mo huwag mong itutuloy ha? Malalagot ka sa akin!" - Leah
"Ano? Wala nga akong sinasabi, feeler ka naman masyado :P" -Joan
4:30 P.M.
"Jo, uwi na tayo nakakabagot na kase dito eh! Tapos na rin klase natin". -Leah
"Ayy teka-teka! Di mo man lang ba hahanapin si Paolo? Valentines na valentines oh, di mo sya makikita :/ " -Joan
"Anong oras na oh? Sa tingin mo makikita ko pa yun? Huwag pa-asa Teh! Halika na sabi ehh". -Leah
"Ayyyyy! Sandali may kukunin ka ba sa Locker mo? :))))) " -Joan
"Hmmm, wala naman. Nandito na lahat sa bag ko. Wala namang laman yun locker ko ngayon." -Leah
"Sigurado ka? Baka mamaya nyan may naiwan ka nanaman, check mo muna kaya." -Joan
"Wala nga sabi eh. Ang kulit mo naman. Bakit ba kase?" -LEAH
"Hmmm. Ayy girl! Palagay nalang ng gamit ko dun pleasssssssssssseeee!!! :)) " -Joan
"Sabi na nga ba! Ikaw talaga. Gusto mo lang pala makilagay dami mo pang satsat. Halika ka punta tayo dun." -Leah
"Yesss! Thank you Girl. Hihihihi." -Joan
Ang hindi alam ni Leah may sorpresang naghihintay sa kanya. . .
"Oh friend! Ayan na open na ilagay mo na." -Leah
"Ahhhhhh ehhhhhhh! Ano ba yan, kung ahas yan tinuklaw kana! Observe observe din paminsan." -Joan
"Ano ba kas-eeeeeeeeeeeeeeeee. . ." -Leah
Biglang namula si Leah. Hindi nya alam anong sasabihin. Speechless! Napapaiyak-iyak pa.
"Hooooooy! Girrrrrrrrrrl! Gaga! Bat ka naluluha diyan?" -Joan
"Joan talaga! Ikaw talaga may pakananeto noh? --Leah
"Ahhh. . . Ehh. . . Sige na nga. Oo ako.Galit ka ba? Sorry ha? Gusto ko lang naman mapasaya ka :/ Huwag ka mag-alala hindi ka niya kilala."
Matagal ng plinano ni Joan na humingi ng letter kay Paolo, para kay Leah. Sinigurado nya namang hindi malalaman ni Paolo na kay Leah mapupunta ang sulat. Last year na kase ni Paolo eh. Gagraduate na siya kaya kumilos na si Joan bago mahuli ang lahat.
"Gaga ka talaga! ( Sabay akap kay Joan ) Thank you ahhh? ;))))))))) The best ka talaga. HEHEHE :""">" -Leah
"Haaaaay salamat! Akala ko papatayin mo na ako. May pa gali-galit epek ka pa kase! Cheh!" -Joan
"Hahahah! Syempre! Yiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeee! Sobrang napasaya ako today! Halika ka na nga. Di na ako makakatulog neto :))))))" -Leah
Nakangiting umuwi ang magkaibigan. Si Leah na halos inuulit-ulit ang ang pagbabasa sa letter ni Paolo at abot langit ang ngiti nya :)). Si Joan tuwang-tuwa dahil napasaya nya ang kaibigan nya.
Pag-uwi ni Leah ay diretcho ito sa kwarto. Hindi na kumain, dahil hindi pa rin sya mkaGet over sa letter ni Paolo. Tinago nya ito sa wallet niya. Para araw-araw niya raw makita..
Isang buwan nalang at gagraduate na si Paolo. Nakakalungkot naman, hindi na siya makikita ni Leah.
Makalipas ang ilang araw. . .
Nakita ni Leah si Paolo.
"Haru Jasko patawarin!!! Ang gwapo niya talaga, parang anghel" :) -Leah
Sabay akap pa sa notebook at nakangiting nakatitig dito!
"Pak! Ayan nag-iimagine ka na naman best nu? Sulitin mo na yan, abay ga-graduate na yan oh! Paano na? Di mo sya makikita?" -Joan
Napabuntong hininga nalang si Leah. Dahil nararamdaman niya na rin talaga ang araw na aalis na si Paolo. Kelan niya kaya ulit eto makikita? Magkakaroon kaya sila ng pagkakataong maging magkaibigan bago man lang ito mag-graduate?. . . . . . . . . . . . . . . .
BINABASA MO ANG
Letter
RomanceMay mga bagay talaga na akala mo hanggang pangarap nalang. Yung tipong wala kana talagang pag-asa, tapos sa huli di mo inaasahang. . . Ang 1st part po pala nito ay true story, pero as the story continues dito na papasok ang pagka-ambisyosa ko. Heheh...