HER DESPERATE WAYS

3 1 0
                                    

Sabi nila, kapag wala ang bantay, may naghihintay na sumalakay.

And this is the time to grab the opportunity.

"Here, drink more Raden. You need that" inabot ko sa kaniya ang isang shot ng alak bago umupo sa kaniyang tabi.

Salubong ang kaniyang kilay nang lumingon siya sa akin. "Get out"

I chuckled. Kahit kailan ay napakaharsh parin niya sa akin Siguro noong una, masakit pa pero ngayong immune na, hindi na. Ito ang mahirap na part, kapag hindi ka mahal ng mahal mo. Kapag ikaw lang iyong nagmamahal.

Lumipat ang tingin ko sa kopitang aking hawak. Dahan dahan ko iyong nilagok bago inilagay sa counter.

Ngumuso ako. "Balita ko may problema kayo ng girlfriend mo"

Nakadekwatro akong umupo at nangalumbaba habang nakatingin sa kaniya.

Limang taon na ang nakakaraan noong nabihag niya ang aking puso pero hanggang ngayon ay may tama ako sa kaniya.

Rylanden Winston....

Hindi kumukupas ang kaniyang kagwapuhan. Mas lalong gumagwapo paglipas ng panahon. Mas nagmamatured, mas gumagwapo. Lalo na ngayong medyo mapula pula ang kaniyang ilong at mga pisngi dahil sa dami na din ng alak na nainom niya. Ang pagpungay ng kaniyang mata ay nakakatunaw at nakakaattract. Sabayan pa ng mamasa-masa niyang labi na animo'y nang-aakit.

Nabalitaan ko na malabo na ang relasyon ng kaniyang recent girlfriend kaya naandito ako. Kinukuha na ang pagkakataon.

"And it doesn't mean that you can flirt with me Feiya" medyo garalgal ang boses niya at ang sarap pandinig ang mababa niyang boses.

Nakakapanindig balahibo!

Inayos ko ang ash brown warewolf cut kong buhok bago tumawag sa bartender ng another shot glass para sa akin.

"Lumapit lang, flirt na agad? Hindi ba pwedeng dadamayan lang?"

Masama ang tingin niya sa akin pero sinuklian ko lang iyon ng napakainosenteng ngiti.

He sighed. "Stop pestering me. I have a girlfriend Fei"

Ngumiwi ako. Kailangan ba talaga ipamukha? I rolled my eyes. "Chill, I'm not here to flirt, I'm here to listen. LISTEN" Binagalan ko pa ang pagkakabigkas ng word na listen para mang-asar.

Inilapit ko ng kaunti ang aking mukha at itinapat ang aking tainga sa kaniya. "I want to know what happened? Bakit naandito ka at naglalasing ka?" Unti-unting umalpas ang ngisi sa aking labi. "Maghihiwalay na kayo ano? Share the good news with me please?"

Kita ko ang inis sa mukha ni Raden. Halatang nagngingitngit siya sa galit dahil sa pag-igting ng kaniyang panga.

Inilapit niya ang bibig sa aking tainga na hindi ko inasahan dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko at maglaho ang aking ngisi. " Wanna know the good news?"

I swallowed hard. "What is it?"

Naramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga. Kinikiliti ako non!

"Hindi kami magbe-break ni Charmaine"

Naurong ang kiliting naramdaman ko sa sinabi niya. Busangot akong napalingon sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Leave me alone and get out of my sight!" Pagtataboy niya sa akin.

Naiinis akong tumayo. Inubos ang natitira kong alak sa aking kopita at padabog na umalis.

Tss, tingnan na lang natin kung gaganiyan ganiyan ka pa mamaya.

"What happened?" Candy asked before offering me another glass of liquor. Inabot ko iyon at umupo sa tabi niya.

Her Desperate WaysWhere stories live. Discover now