DESPERATE #1

3 0 0
                                    

This is the best morning I ever had. One of my dream came true today.

Nakaside ang higa ko habang nakaharap sa tulog na si Raden. Kagigising ko lang at sobra ang saya ko nang bumungad sa aking paningin ang pinakamamahal kong lalaki.

Pinangarap ko lang noon, nangyare na ngayon.

This is what you feel after you wake up beside someone you treasure the most.

"Bakit ang gwapo mo hm? Kahit tulog gwapo padin." mahina kong bulong habang pinagmamasdan siya.

Kayumanggi ang kulay ni Raden. Malalim ang kaniyang mata, matangos ang ilong at may natural na pagkamapula ang kaniyang labi. Nagmukha siyang manly dahil sa kaunting bigoteng at balbas niya sa baba at hindi lang iyon, umaapaw ang charisma niya dahil sa kaniyang katawan.

Napakafit ng kaniyang katawan. Actually, hinawak-hawakan ko pa nga kagabi eh.

Natatawa na lang ako sa kalandian ko kagabi.

Suot suot ko ang dress shirt niya. Nilabhan ko iyon at nidryer tapos sinuot ko kasi nakakakilig iyon. Suot mo ang damit ng mahal mo. Wala ng hihigit ang kilig kapag ganoon.

Bra at panty ko lang ang aking panloob habang siya naman ay boxer lang ang suot. Natatakpan ang kalahati ng katawan niya ng comforter.

Ang sarap nga pagmasdan ng katawan niya. Hindi ko na kailangan pa mag-almusal. Abs palang, busog na.

I chuckled at that thought.

Si Raden lang talaga ang bumubuhay ng kaharutan ko.

Naisip ko ang ginawa namin kagabi. Uminit ang pisngi ko. Hindi ko talaga plinano na may mangyayare pero hindi ko sasayangin ang opportunity kapag siya ang sumunggab.

"Hm..."

Nanigas ako sa kinahihigaan nang gumalaw si Raden at kumunot ang kaniyang noo.

My body began to shake because any seconds now, he will be awake.

Kinakabahan ako ngunit kailangan kong panindigan ang mga kalandian ko. Hindi na ako pwedeng umatras kaya itutuloy ko na lang.

Hindi ako umalis sa aking pwesto habang pinagmamasdan siya.

Pabaling-baling pa ang kaniyang ulo at gumagalaw na din ang kaniyang eyelids pero hindi pa mulat. Maya maya lang, ang kaniyang kamay ay minasahe ang kaniyang noo at naglabas ng mga mura.

"Fucking hangover..." He uttered. "I dont want to drink anymore..." he continued.

I swallowed hard when he slowly open his eyes. Una ay sa ceiling siya nakatingin pero nang ilibot niya ang mata at mapunta sa akin ang tingin niya. Nagtama ang paningin naming dalawa.

Kahit kinakabahan ay pinilit kong ipakita ay isang inosenteng ngiti at mapaglarong tingin.

"Goodmorning mahal" ani ko sa malambing tinig.

Blankong tingin ang ganti niya at hindi siya nagsalita at halos patayin ako sa kaba nang bumaba ang tingin niya sa aking katawan. Kinikiliti ako ng titig niya at pinanatili ko ang magandang postura. Mabuti na lang ay nasuklay ko na ang buhok at nagcolor lip balm sa labi para naman hindi ako mukhang maputla. Para naman kahit magalit siya,maganda padin ako.

Ang kaninang nasa katawan kong titig niya ay nagpunta sa kaniyang sarili. Kinapakapa niya ang katawan bago inangat ang comforter.

Nang mapagtanto niya kung anong nangyayare ay napatulala saglit si Raden. And after a couple of second, he was massaging his forehead. Mariin ang pikit ng kaniyang mata.

"This is not true..." narinig ko pang bulong niya.

"Tell me that this is not true..." Medyo malakas ang bigkas niya at unti-unting lumipat ang napakadilim niyang mata sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Desperate WaysWhere stories live. Discover now