CSMR 1: Lost Man

32 1 0
                                    

Chapter 1: Lost Man

Ito na ang huling set ng laro sa pagitan ng dalawang koponan. Yellow Team versus Black Team. Tambak ang grupo nila sa score na ten-fourteen. Nagserve ang Yellow at lumipad ito sa kabilang net. Nasalo ng Black ang bola at saka pinasa sa kabila.

Palipat-lipat ang mga mata niya sa dalawang grupong manlalaro. Sa totoo lang wala sa kaniya kung manalo o matalo ang team nila. Hindi naman ito labanan ng buong bansa. Labanan ito ng grades. Requirement lang ang paglalaro ng Volleyball sa subject nilang Physical Education.

Bilang kasapi ng klase wala siyang magagawa kung hindi ang sumali. Tutal ito na ang huling asignatura nila sa kaniya. Sa susunod na semester hindi na nila mararanasan ang P. E. nilang feeling major.

Hindi nasalo ng Yellow ang bola kaya napunta ang puntos sa kalaban. Umusad ang ikot sa kabilang koponan. Nang pumito ang referee saka naman malakas na pinalo ng Black Team ang bola.

Dumeretso iyon sa harapan ng kaniyang kaibigan. Sa una ay kinakabahan ito base sa pagkabalisa ng mga mata niya. Ngunit nang lumapit ang bola ay walang alinlangan niya itong pinalo. Tumingin sa kaniya ang kaibigan at masayang ngumiti sa kaniya.

Nagthumbs up naman siya. Tumilapon ang bola sa kabilang net. Tumalon si number thirteen nang makitang dederetso sa kaniya ito. Nang abot-kamay na niya ang bola malakas niyang pinalo ito at bumolusok sa binti ng kaibigan niya.

Tumayo siya dahil sa pagkabigla. Nawalan ng balanse ang kaibigan niya kaya bumagsak ito sa sementadong lupa. Tinapunan niya ng matatalim na titig si number thirteen. Nakita niya itong nakangising pinapanood ang sugatan nyang kaibigan. Nakipagtawanan pa sa katabi niya.

Tumulong ang dalawang classmate niyang lalaki na akayin ang kaibigan paalis sa court.

"Ref. pa sub ako kay number twenty-eight." lapit niya sa referee.

"Number mo?"

"Nineteen."

"Okay pasok ka na sa court."

Nilapitan niya muna ang kaibigan na paika-ika ngayon sa paglalakad. Ang dalawa nyang braso ay nakasampay sa magkabilang balikat ng kaklase nila.

"Deserve joke" tawa niya.

Ngumiti naman ito at napunta sa pagngiwi nang kumirot ang binti niya. "Sorry ah. Naging pabigat pa ako."

"Eloise, accident happens. 'Wag kang mag-alala babawi tayo. Ako nang bahalang gumawa ng panibagong aksidente." kinindatan niya ito at saka tinapik ang balikat niya.

"Anong ibig mong sabihin?" hindi siya sumagot bagkos naglakad lang siya paalis upang pumunta sa court. "Hoy Taki!"

Tumayo siya sa dating pwesto ni Eloise na katapat ng babaeng nanakit sa kaibigan niya. Nagkatinginan silang dalawa. Hindi pa rin nawawala ang ngisi nito sa mukha.

Tingin ba niya ay nanalo na siya? Maghintay lang siya dahil buburahin niya ang tagumpay sa mukha nito.

Pumito ang referee sa pagsisimula ng laban. Pinalo ng kabilang grupo ang bola na tumapat sa kanang likod na bahagi ng court nila. Nasalo ito ni Yellow number ten at pinasa sa gitna. Lumipad ito paitaas at nakitang dederetso ang bola sa kinaroroonan niya, malapit sa net.

Kinuha niya ang pagkakataong ito upang masimulan ang plano niya. Katulad ng ginawa ni number thirteen, mataas siyang tumalon upang abutin ang bola. Nang lumapat ito sa palad niya ay malakas niyang ini-spike ito sa pwesto niya.

Mabilis na lumipad ito eksakto sa mismong mukha niya. Dahil sa malakas na salpok ng bola bumagsak ito sa lupa, una ang likurang bahagi ng katawan niya.

CasimiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon