CSMR 2: Weirdo

11 0 1
                                    

Chapter 2: Weirdo

Constance Taki Arceo, twenty years old at Second Year College sa kursong Bachelor of Science in Accountancy. Isa sa mga kilalang katangian niya ay ang pagiging taklesa o walang preno ang bibig. Kaya marami siyang naaakit na kaaway dahil sa matalas niyang dila.

Gayon pa man, wala itong kinalaman sa sitwasyon niya ngayon. Hindi niya magagamit ang espesyal nitong talento sa oras na ito dahil ayaw makisama ng magaling niyang bibig. Tila nagbuhol ang kaniyang dila kaya walang namutawing mga salita mula rito.

Sa matinding pagkabigla hindi niya namalayan na nakalabas na sila ng Mall. Nasa gilid sila ng highway habang patuloy ito sa paghila.

The wind blows through his silky and long loose hair as the front was tied in a topknot. Napansin niya ang kakaiba nitong kasuotan. Abot talampakan ang matingkad na itim niyang damit at kapansin-pansin agad ang kakaibang disenyong nakaimprinta dito.

Aakalain mong parang nanggaling siya sa sinaunang panahon. Hindi niya lang matukoy kung saang bansa nanggaling ang ganitong tradisyonal na kasuotan.

Hinayaan niyang magpatianod dito hanggang sa napansing niyang wala nang patutunguhan ang pagtakbo nila. "Sandali nga!"

Hinila niya ang braso sa misteryosong lalaki. Huminto naman ito at nagtatakang tumingin sa kanya. "May problema ba prinsesa?"

"Sino ka ba? At bakit mo ako kinaladkad palabas ng Mall?!" inis niyang tanong, pinipigilan na magtaas ng boses dahil maraming tao ang nakapaligid sa kanila.

"Kailangan kong ilayo ka sa mga kababaihan kanina dahil mukhang nawalan na sila ng katinuan." napaisip naman siya bigla.

Tinignan niya muli ito mula ulo hanggang paa. Siya kaya ang lalaking tinitilian ng mga babae kanina? Sabagay, hindi nga malabo iyon dahil sa artistahing mukha nito talagang pagkakaguluhan siya.

"Hindi naman ako ang hinahabol nila kun'di ikaw. Sino ka ba?"

"Hindi mo ako natatandaan prinsesa?" Bakas sa mukha nito ang pagtataka at kalituhan. "Ako ito si Casimiro ang inyong personal na kawal at kaibigan."

"Casimiro?"

Napaisip siya bigla kung may narinig na ba siyang pangalan na ganoon. Ngunit wala siyang matandaan pati ang mukha ng lalaki ay bago lang sa paningin niya.

"Dalawa lang ang kaibigan ko at bakit ba prinsesa ang tawag mo sa akin? Wala akong dugong bughaw. Baka napagkamalan mo lang akong kakilala mo. Marami pa akong gagawin kaya aalis na ako."

Tumalikod na siya ngunit humarang ito sa sa harapan niya. "Hindi maaari. Kailangan na nating umuwi sa imperyo. Nag-aalala na ang inyong amang hari."

Anong pinagsasabi nito? Kailanman hindi siya naging prinsesa sa mga magulang niya. Mas mahalaga pa nga ang sariling anak nila sa ibang pamilya kaysa sa kaniya na isang pagkakamali lang.

"Kung ang tinutukoy mo ay bumalik ako sa mga magulang ko, hindi yon mangyayari. May kanya-kanya na silang buhay at kung babalik man sila sa isa't isa, magiging impyerno lang ang kahihinatnan 'non."

Nagpatuloy siya sa paglalakad at iniwan ang lalaki. Ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pagbuntot sa kaniya. "Bakit ba ang kulit mo? Bumalik ka na nga sa pinanggalingan mo."

"Hindi ako babalik hanggat hindi ka kasama prinsesa."

"Itigil mo na nga ang kakatawag sa akin ng prinsesa! Para kang stalker. 'Wag mo na ako sundan!"

Sa kabila ng sinabi niya ay nanatili pa ring nakasunod ang lalaki. Malapit na siyang maubusan ng pasensiya rito. "Hindi mo ba ako naintindihan? Naliligaw ka ba?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CasimiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon