Chapter 21

29 9 0
                                    

[Unedited]

"Hindi mo talaga sasabihin sino 'yong Paige?"

Tanong ko kay Santi at nilapag sa lamesa ang tinimplang gatas para sakaniya. Simula kanina ko pa siyang umaga kinukulit kung sino ba 'yong Paige pero hindi naman niya sinasabi. Ngingiti lang siya tas iilingan ako. Si Jude naman hindi ako sini-seen sa messenger.

"Bawal," sagot ni Santi at kinuha ang gatas na binigay ko. "Suhol ba 'to?" Tanong niya pa nang matapos uminom.

"Sino ba kasing Paige?" Naiinip kong ani. Sinubukan kong isipin lahat kanina ang mga pangalan ng kaibigan ko pero wala akong maalala na may nakasalamuha akong Paige ang pangalan.

"Grabe ka, mga kaibigan mo 'di mo alam full name?" Pang-aasar niya sabay iling. Napangiwi naman ako at napanguso.

I do know the name of my friends, it's just sometimes nakakalimutan ko at nicknames na lang ang naaalala ko. Minsan nga pati birthday nawawala sa isip ko dati.

"Sabihin mo na lang kasi."

Marahan niyang inilapag ang baso sa lamesa at pinagkrus ang dalawang braso. "Ano ba gagawin mo kapag nalaman mo sino si Paige?"

Napasinghap ako. Ano nga bang gagawin ko kapag nalaman ko sino 'yon? I was curious what are they talking about, and kasama ang pangalan ko sa pinag-usapan nila.

"My name was involved. So if you're using your commonsense, of course, I will be curious about it. And it seems like Jude thinks that Paige is a kind of threat or a bad guy. Which made me confused more, because as far as I know all of my friends are good," I said and copied his crossing arms.

"Yeah, I know. That's why I said Paige is a good guy."

"So sino nga 'yon?" Pangungulit ko. Napahinga naman ng malalim si Santi at mariin na napapikit.

"This isn't too serious, right?" Tanong ko pa. Honestly speaking, kinabahan ako sa sinabi ni Jude sa akin. Para bang napaka-delikado ni Paige para sakaniya para sabihin niya sa akin 'yon. If it's something about the business of my parents, I am confident that their business isn't doing bad things.

"I don't know," maikli niyang sagot kaya naman napangiwi ako. "You don't really have an idea who's Paige?" Tanong niya pa.

Umakto naman akong nag-iisip at saka siya inilingan. "Wala nga kasi."

"You know what? Kung ako si Paige at nalaman kong hindi mo ko kilala, I'll be really hurt," inalis niya ang pagkakakrus ng mga braso niya at tinuro ako. Nilagay niya pa ang isang kamay sa dibdib niya.

"Okay? Then I guess, sorry for being forgetful?"

Santi shooked his head to me and even made a sound na para bang dismayado siya o ano. I tilted my head and raised my brows, showing that I was waiting for an answer.

"Paige used to court you," he said and gave me a smirk.

Matagal akong napatitig sakaniya at inisip kung sino ba 'yon. Isa lang naman ang nanligaw sa akin noon bukod kay Santi.

"It's Pio?" I mumbled.

Santi snapped his fingers and pointed his index to me again. "Uh-huh. Should I tell him that you don't remember his name?" Pang-aasar niya pa kaya sinimangutan ko siya.

"Ang layo kasi ng Paige sa Pio," pagtatanggol ko sa sarili.

Totoo naman, kahit saang anggulo ko tignan. Paano nabuo ang Pio sa Paige? P lang naman ang pinagkapareho.

Santi shrugged. "It's a nickname for a reason."

Nginiwian ko na lang siya at umiling. Umupo rin ako sa katabing couch niya.

Shades of YouWhere stories live. Discover now