CHAPTER 4

4.1K 47 0
                                    

                       ALLIYAH!

Weeks past simula ng mamasyal kami ng butler ko at hindi na nasundan pa ’yon dahil naging subrang busy ako nitong mga nakaraang mga araw.

Sunod-sunod kasi ang mga photo shoot ko at iba’t ibang mga events na dinadalohan ko.

To be honest hindi madaling maging model dahil minsan ay nakakalimutan mo nang magpa-hinga lalo na kapag subrang dami ng mga inaasikaso mo.

Minsan nga ay nagka sagutan pa kami ni Butler ko dahil palagi nalang daw akong puyat at walang pahinga.

Kung umakto naman sya ay parang isang galit na mister ko.

Kahit na ang totoo ay wala naman talaga syang pakialam sakin. Ang kinakatakot nya siguro eh kapag namatay ako dahil sa stress ay mawawalan na sya ng trabaho dahil wala na syang babantayan.

Tsk, may utak din pala.

Haysttttt buhay nga naman ang hirap umasa lalo't alam mo naman talagang wala ng pag-asa.

Napabuntong hininga nalang ako at bahag’yang minasahe ang aking nuo medjo sumasakit na kasi ito dahil maraming mga importanteng mga files ang ’pinadala ni dad sakin para daw ma permahan ko ang mga ito.

Well bukod sa pagiging Isang sikat na model ay tinutulongan ko’rin sina mom and dad sa pag-papatakbo ng kompanya namin.

Matanda na kasi sila at kailangan na talaga nila ang magphinga at wagna mag tutuk sa trabaho. kaya ako itong sumalo ng lahat ng mga responsibilidad nila.

Ang hirap talaga kapag mag-isang anak ka lang wala kang ka agapay sa mga dapat gawin.

Kaya nga doble puyat ako ngayon.

Sa umaga umaatend ako sa mga Photo Shoot ko at sa gabi ay pinipermahan ko yung mga papelis na dapat kong ma aprobahan.

Subrang hirap kapag wala kang kapatid wala kang masasandalan at mahihingan ng tulong kapag napapagod kana.

Nabalik lang ako sa wisto ng bumukas ang pinto nitong kwarto ko. Bumungad Sakin ang walang emosyong muka ng butler ko at may dala-dala pa ’tong tray na naglalaman ng mga pagkain katulad nalang ng gatas at Iba pa.

" You look like a zombie"- walang preno nitong saad ng medjo makalapit na sya Sakin.

Tinaasan ko naman ito ng kilay at binato ng plastic tape na napulot ko lang din dito sa may tabi.

Pero hindi ata ako pinalad na ma tamaan sya dahil  na ilagan nya din ito kaagad at na salo pa.

"Tsk"- asik na naman nito at inilapag ang mga dinala nya sa misa ko at walang pasabing binuhat ako nito at binagsak sa kama.

Bweysit talaga ang Isang ito.

"Ano bang problema mo hah? Bweysit kang matanda ka, hampasin kita ng dos por dos eh!"- naiiyak kong saad dito habang subrang sama ng tingin ko sa kanya.

Pero ang tarantado humalakhak lang at tila subrang natutuwa pa sa kanyang mga naririnig.

" Matanda huh? Pero hinayaan mo ang matandang ito na sambahin ka"- naka taas labi nitong saad dahilan para ako'y pamulahan ng muka.

Wala talaga akong takas sa kanya nakakairita promise.

"Samba! Samba! Nahihibang kana eh ulyanin kana, kailan ko naman ginawa yun hah? Aber? Kahit kailan wala akong hinayaang sambahin ako dahil di ako diyos"- sigaw Kong muli sa kanya. Talagang naiinis na ako sa lalaking ito hindi ko nga din alam kung bakit ang daling uminit ng ulo ko nitong mga nakaraang araw at lagi din akong pagod.

Malamang stress nga sa work diba? Sinong di mapapagod?. Tskkkkk

"Hmmm! Drink your milk and rest"- maawtoridad nitong saad sabay abot Sakin nong gatas.

Yun lang yun? Ang haba nung singaw ko tapos “DRINK YOUR MILK AND REST"lang ang isinagot nya?Pambihira.

Dahil pagod narin naman ako ay hinablot ko na yung baso sa kanya at linagok ko ang laman non para makatulog na dahil pakiramdam ko subrang pagod talaga ako ngayong Araw.

"Good girl"- malambing nitong saad sabay halik sa noo ko at Tinulungan akong humiga.

Hindi na ako umangal dahil pagod ako at ayaw ko muna ng gulo. baka bukas na ako makikipag bardagulan sa kanya.

Inilagay na muna nito ang baso sa tray at lumabas kaya napabuntong hininga nalang ako at pumukit na. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon basta ang alam ko lang ay gabi na talaga.

Dumaan ang mga minuto ng maramdaman ko na namang bumukas ang pinto nitong kwarto ko pero hindi na ako nag abalang tumingin duon dahil alam ko naman kung sino ang pumasok basi palang sa pabango nitong napaka manly at parang kay sarap amoyin buong Araw. Ay malalaman muna talaga kung sino.

Tumabi ito Sakin sa kama at bahagyang tinapik tapik ang hita ko naka tagilid lang kasi ako Dito.

Nang dahil sa ginawa nito ay mas lalo akong inantok at tuluyan nangang nakatulog pero bago ’yon may sinabi pa ito pero diko na narinig kung ano man ’yon.

*****

R H Y M S T O N E

Pleasure Me Butler Slyvester. [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon