Lihim ulit kaming nagkikita ni Flint. Hindi tumagal at namunga ang aming pagmamahal.
Masayang Masaya ako. Dahil alam Kong maging Masaya si Flint sa ibabalita ko sa kanya.
Ngunit nung araw na magkikita kami ay Hindi sya dumating. At dun ko na laman ay namatay ang kanyang ama't Ina dahil ito ay nilason.
Agad akong napatakbo sa kanila at dun ko Nakita ang labis n pighati ni Flint.
Isang katulong ang bigalang nagsalita at sinabing nakilala nya ang taong nanglason sa magulang nito.
"Si Amber" sabay turo sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa paratang ng katulong sa akin.
" Ano?" Yun na lng lumabas sa bibig ko.
Hindi maipinta ang Mukha ni Flint sa sobrang Galit.
"BAKIT MO NAGAWA YUN!!!" Malakas n sigaw nya sa aking habang nakahawak sa braso ko.
"Flint... Hindi ko alam ang pinagsasabi nya .... hi..hindi ko magagawa yun.... " Nag mamakaawa ako sa kanya na paniwalaan ako.
"FLINT!!!...." Sigaw ko habang hinihila ako palayo sa kanya. Sa bilis ng mga pangyayari ni hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Kinulong nila akong parang kriminal.
Tatlong araw na akong nakakulong. Kahit Anong pagmamakaawa ko sa mga tagabantay na kailangan kong kausapin si Flint dahil alam kong paniniwalaan nya ako.
Sinabi ko narin sa tagabantay na buntis ako at ang ama Ay si Flint, umaasang sasabihin nyiila, ngunit pinagtawanan lang ako...
" Buntis..... hahaha... buntis mo mukha mo...."Hanggang pakonti ng pakonti ang binibigay na pagkain sa akin.
Pinipilit ko ang Sarili kong maging matatag at malakas para sa aking anak.
Akala ko makakayaanan ko.... Pero.... Hindi.....
"Baby....(hic*) Patawarin mo si Mommy...(hic*) Baby... Hindi na yata talaga kaya ni Mommy...(hic*)... tandaan mo mahal na Mahal kita... (hic*)... Sana sa sususnod mong Buhay... (hic*) Ay mahanap mo ang taong magmamahal sayo.............."
At unti unti na ako ng humimlay