THAT TIME: THE WORLD IS ALL AGAINST ME

15 0 1
                                    

-

"You're such a disappointment sa pamilyang ito, Ro Anne!"

"Bakit hindi mo kaya tularan ang ate at ang kuya mo?"

"Ewan ko talaga kung saan kami nagkulang ng Papa mo sayo. Pinalaki ka namin ng maayos Ro Anne! Halos magkandakuba na kami kaka-trabaho para lang maibigay ang mga pangangailangan nyo lalo ka na, tapos ano ha? Ito ang igaganti mo sa amin? 89.99% na general average sa 1st semester mo?"

"Anong na bang nangyayari sayong bata ka ha! ? Umayos ka nga!"

...Sorry Ma,Pa yan lang yong kinaya ko ngayon

"Anong yan lang? Hindi ako

naniniwala dyan sa sagot mo na yan, Ro Anne!"

...Punta lang ako sa kwarto ko Ma, Pa. Sorry

"HIGH GRADES & HIGH GENERAL AVERAGE" Yan yung gusto ng mga magulang ko na makuha ko. Napaka-perfectionist nila in terms sa mga grades namin ng mga kapatid ko but unlike me, malalaki ang mga grades ng iba kong kapatid kaysa sa akin kumbaga mga DEAN'S LISTERS sila consistent ang grades nila na nasa line of 9 at hindi bumababa sa line of 8. They always says na dapat maging consistent ako like my older siblings, pero anong magagawa ko? Yan lang yong kinaya ng utak ko? They shouldn't force me to be what they always want me to become kasi hindi na ako yun e, hindi na ako ang Ro Anne na yon.

-

I am here in my room. Nakahiga sa kama ko at nakatitig lang sa kisame na parang hinihintay kung kailan mahuhulog ang butiki sa mukha ko when suddenly my phone rang, kinuha ko ito sa side-table ko at tiningnan kung ano ang naging dahilan kung bakit ito nag-ring.

You have a text message!

From:  ISAI^°^

"Hi Anne! Free ka today? Tara labas tayo?"

-

Nang tiningnan ko ang cellphone ko, I saw a text message from my bestfriend, Isai. She is my childhood bestfriend na hindi talaga ako iniwan at napaka-supportive palagi sa akin. Feeeling ko nga mas kapatid ko pa sya kaysa sa mga totoo kong kapatid masakit man aminin pero totoo e. Nagyaya ito sa akin para lumabas na sya namang hindi ko tinanggihan.

To: ISAI^°^

"Sige ba! Send me the place kung saan tayo magkikita"

-

Nagbihis muna ako ng damit panggala kanina pa kasi ako naka-uniform kasi hindi ako nakapag-bihis at basta na lang napagbuntong hiningang humiga sa kama ko kanina. Anyways, inayos ko ang sarili ko. I just wear a simple white over-size t-shirt with a 'Converse' imprinted on it inserted in my  high-waist maong jeans, and I am wearing a white air-base fila shoes and I also bring my brown prada sling bag, naka ponytail yung buhok ko leaving my bangs out at tsaka isinuot ang eyeglasses ko at naka-mask ng itim. Pagkatapos kung inayos ang sarili ko ay lumabas na ako sa kwarto ko at kaagad na bumaba ng hagdaan.
Nang makababa na ako sa hagdaan ay nakita ko si Papa sa sala na nanonood ng TV .

"O Ro Anne? Saan ang lakad mo?" Tanong ni Papa sa akin

"Lalabas lang po saglit Pa, magkikita kami ni Isai"  Magalang kong paalam kay Papa.

"Sige anak, magpalamig ka muna at tsaka, pagpasyensyahan mo na ang asal ng Mama mo kanina, alam mo naman kung bakit kami ng Mama mo naging ganun sayo di' ba?"

"Naiintindihan ko Pa. Sige Pa alis na ako" Nagmano ako kay Papa at tsaka umalis na.

-

Sumakay ako ng Jeep and I traveled 30 minutes , suppose to be 20 minutes pa lang sana ay nakarating na ako sa meeting place namin ni Isai kaso medyo na-traffic ako kaya medyo na-delay ako ng 10 minutes. Andito na ako ngayon sa lugar kung saan kami magkikita ng bff kong si Isai. Nagtataka ako kung bakit sa dinami-dami ng pwede namin maging meeting place e dito pa talaga sa Robinson's Mall pa ee hindi naman pala-shopping 'tong si Isai.

-

Pumasok na ako sa loob ng mall at kaagad kong hinanap itong si Isai. I look everywhere just to find her pero walang Isaiah Rhyze akong nakita hanggang sa may biglang yumakap sa bewang ko na halos ikina-patay ko then I lately realized it's Isai!

"Jusko Isaiah! Ikaw lang pala yan 'kala ko ano na!" Nini-nerbyos kong sabi kay Isai.

"Sorna bff! Ikaw naman e antagal mong dumating"
Nakangising saad nya habang may hawak-hawak na kung ano-anong bagay na ewan ko ba parang panghambalos pero medyo may kaliitan nga lang na may pa-sign pa na parang mga letters na "SB"

"Sorry Sai na-traffic lan-

-

Hindi ko na natapos ang dapat ay sasabihin ko pa sana ng bigla nya na lang akong hinila sabay sabing " Shaks! Magsisimula na!"
To be honest, nagugulohan talaga ako pero mas pinili ko na lang talaga ang sumama dito sa bff ko. Bahala na nga!

"Get In The Zone, Break!"

"Hi we are SB19!"

Andito ako dinala ni Isai sa isang napaka-mataong parte ng mall na parang may nagaganap na mall show if hindi ako nagkakamali. At talagang nakipagsiksikan kami dito ha?  May nakita akong limang lalaki na nakatayo sa stage na parang mga koreano na parang hindi at the same time.

"Hi everyone! I am the leader, Lead Vocalist and Main Rapper of the group. My name is Pablo"

Sabi nung lalaking nasa gitna na naka-jumper

"Hello A'tin! I am the Lead Rapper and the Face of the group. My name is Josh"

Sabi naman nung pogi na nasa tabi nung lalaking naunang nagsalita  kanina.

"Hello po sa inyong lahat! Ako po si Stell ang Lead Dancer at ang Main Vocalist ng aming grupo"

Sabi naman nung lalaki na matangkad at maputi.

"Magandang araw po sa inyong lahat! I am Ken  the Main Dancer and the Sub-Rapper of our group"

Sabi naman nung lalaki na poging may pagka-moreno.

"Hi everyone! My name is Justin and I am the Visual, Sub-Vocalist and the Bunso of our group"

Pinakahuling nagsalita yong  pinaka-matangkad nilang miyembro.

Habang ako ay tamang tingin-tingin lang, ito namang si Isai ay panay ang tili at ngisi while filming them  on her phone. Ngayon ko lang na-discover na  may pagka-chologs din pala tong bff kong si Isai.


_________________________________________________________
AUTHOR'S NOTE

Before everything else, I just want to say that I AM NOT A PRO WRITTER so expect the grammatical errors and typos ahead on the flow of the story. ^>^

Hello my munchkins! It's your friendly author @HimeHaruko! This is my first time na gagawa ng story about The  P-Pop Kings, SB19! So I am full of hope na magiging successful itong story na gagawin ko and of course through your help of voting my story here in wattpad.

SLMT ng SOBRA!💙

-@HimeHaruko-
      Author

WHEN I WAS YOUR FAN (SB19 FanFic)✔Where stories live. Discover now