Chapter 6 : Ang Meeting

576 9 2
                                    

Okay, so wala ng ilalala pa yung araw na 'yun. Hindi ko rin naman nakita 'yung dakila kong ex kasi nga graduating, iba ang sched.

Regarding sa pageant?? Pwede bang next topic na lang?

Dahil nga ako 'yung panlaban, kinamumuhian na ako nung mean girls. Hindi naman ako galit kay Ashley kasi okay lang sa akin na sumali sa mga ganito. Artista nga ako diba??

Speaking of artista, tumanggap na ako ng ilang commercials so babalik ako sa Canada this weekend. Isang araw lang ako dun tas balik na ulit dito.

Wala pa din masyadong madaming assignments kasi tamad pa 'yung mga teachers so nakatambay lang kami ni bessie dito sa likod-bahay namin. Yung asungot naman, hindi ko alam.

"Bessie! May nalaman nga pala ako!" Anu ba naman 'to, puro chismis ang kinukwento sa akin. Kanina ang kinukwento ay 'yung mga scandal na nabalitaan niyang nangyari na sa school. Anu naman kaya ngayon??

"Ano na naman 'yan ha? Siguraduhin mong matino 'yan ha!"

"Alam mo ba na si Nico ay isang dakilang chick boy?!"

"WEH?!?!?! Nakita mo naman itsura nun di ba? Pogi nga tahimik naman! Paano makakaakit 'yun ng chicks?!"

"E di inamin mo na din na gwapo siya!!! Ikaw bessie ha!" HUH?! Ibig sabihin sinabi niya lang 'yun para mapaamin niya aq na ganun(gwapo) ang tingin ko sa kanya??

"NOPE bessie! Alam ko ang iniisip mo no! Totoo talaga na chick boy si Nico! Pero hindi siya 'yung nanliligaw! 'Yung mga babae mismo ang sumisiksik sa kanya!" Saan naman kaya nito nakalap ang mga tsismis na 'yan?!

"And bessie, bago ko makalimutan, lahat ng sinasabi ko ay galing sa isa sa mga kabarkada niya. Kung pano ko nalaman ay tsaka ko na ikukuwento!"

"Hay! Ewan ko nga sa'yo! Basta ako, hinding hindi ako papatol sa kanya. Kahit pa siya na lang ang natitirang lalaki dito sa mundo, hindi niya ako maisasama sa koleksyon niya ng mga sisiw!"

"Sisiw??" Ay! Ang slow! hahaha :))

"Sisiw as in CHICKS!"

"Ahhh.."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Hindi ako makaget-over sa pinag-usapan namin ni bessie kahapon.. Pano ba naman kasi, sino ba ang maniniwala na meron palang chick boy na tahimik at parang walang pake-alam sa mundo. Diba ang karaniwang chick boy ay mayabang at laging may signal number 4 tuwing makakasalubong mo. Diba? Tsaka parang hindi siya masyadon nakikipagminggle sa babae.. Ganun na ba chickboy ngayon?

Isang beses pa nga lang ata ako inimikan ng mokong na 'yun eh. Tapos wala pa ako nakikitang kinausap niya na babae maliban kay mommy. Siguro ang gusto na ng mga girls ngayon ay silent at pa-mysterious type. Ay ewan ko sa kanila, baka feeling nila seryosong relationship ang makukuha nila sa ganun.

Well, tsaka na muna natin ibalik ang topic dun kasi malelate na ako! WAAAH!!!

"Morning, mom! Si Daddy?" Tanong ko kay mommy pagkababa sa kusina at sabay dampot ng tinapay.

"Morning din, anak. Naku, kanina pa nakaalis ang daddy mo. Madami kasi aasikasuhin eh. Nga pala, hindi daw makakasabay si Ashley sa inyo ngayon, mauna na lang daw kayo."

"Ganoon? Ay siya mommy alis na kami. Bye :*" Teka, paano ako aalis, wala yung asungot. Ay, eto na pala. Kanina pa ata 'to nag-aantay sa kotse. Pustahan tayo, di ako iimikan ng mokong na 'to. Pag-inimikan niya ako, payag na ako na chick boy nga siya.

See? Malapit na lang kami sa school at lahat lahat na ay wala pa din siyang imik sa akin kahit simpleng good morning. Ibig sabihin hindi talaga chick boy itong mokong na 'to.

"Sabi nga pala ni Ma'am, may meeting daw mamaya regarding sa pageant after dismisal. Kasama daw lahat ng participants."

O.O

1 minute

O.O

2 minutes

O.O

"HUY! Pupunta ka ba o hindi?"

"OO."

"Baba na."

Bumaba naman ako. Bakit kaya? Ay, andito na pala sa school. HUWEYT!! Umimik siya! May gash. Sige na nga, payag na. Chick boy na nga siya. Pero teka, anu nga pala 'yung sinasabi niya kanina? Tanung ko na lang pala ulit.

"An- ay, wala na siya agad?? Panu na 'to?" Wala, naglakad na lang ako papuntang classroom namin. Pagdating ko dun, andun na 'yung bruha kong besprend, nakangisi na.

Hindi ko na ulit naka-usap 'yung mokong para itanong kung anu 'yung sinabi niya kasi mahirap siyang hagilapin. It's either kasama niya mga barkada niya o sadyang may invisibility powers siya kasi biglang nawawala.

Buti na lang, hindi ako masyadong pinagtripan nung mga mean girls. Wala kasi sila, volleyball players ata lahat. Excuse daw sila kasi may game. Buti na lang!

Hindi ko pa din nakikita 'yung magaling kong ex. Maigi na nga 'yung hindi ko siya nakikita kasi hindi ko alam gagawin ko kapag nakita ko 'yun.

Umalis din si bessie kasi excused daw, tatakbo daw kasi siya sa student council. Sabi ko nga sa kanya bibigyan ko siya ng bike para mag-ride na lang siya at huwag na tumakbo ;D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Oy, bessie! Saan ka pupunta?!" Ayun ang bessie ko. Grabe ha, 30 minutes after dismissal pa talaga niya balak umuwi ha?? Andito pa nga ako sa classroom kasi inaantay ko siya.

"Uuwi na malamang. Inantay nga kita eh."

"Oh, anung sabi sa meeting?"

"Meeting?" Anu naman kayang meeting ang sinasabi nito??

"Meeting regarding sa pageant. Ngayon kaya sasabihin 'yung mga important details." Huh?! Wala naman akong alam na ganyan ah?

"Naku! ALYSON!! Wag mong sabihin na hindi ka umattend?!?!"

"Ahihihihihihi.... Hindi ko naman alam ee." Hindi ko naman talaga alam. Walang nagsabi sa akin! Naku! Babatukan ko 'yang Nico na 'yan kasi hindi ako sinabihan!

"Anong hindi alam?! Sabi naman ni Nico ay sinabi niya sa'yo! Naku naman!"

"Hindi nga umiimik 'yun eh. Paano niya naman 'yun sasabihin sa akin, aber!" Well, inimikan niya naman ako kanina, pero hindi niya naman nabanggit ng malinaw 'yung tungkol sa meeting ah??

"Siya! Hayain na! Magtanong ka na lang kay Nico kung anu 'yung mga napag-usapan!"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"HOY ASUNGOT!!! BAKIT HINDI MO MAN LANG SINABI SA AKIN NA MAY MEETING PALA?!?! ANG KAPAL NG MUKHA MO!" Heto ako ngayon sa may pintuan ng kwarto ni Francis. Binubulabog siya. Sinisigawan ko siya with matching hampas sa pinto.

"HOY! HINDI KA MAN LANG BA LA~"\

O.O

"May sinasabi ka??"

TAKBO ALYSON PABALIK SA KWARTO MO!!!

DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG

Grabe... ang bango niya.

______________________________________________________________________________

A/N:

Kung naguluhan po kayo sa last part, antayin niyo na lang po ang next chappie.. :)

Kung naguguluhan naman po kayo sa ibang part, feel free to ask..

Please vote and leave comments. THANK YOU!!! ;)

Fat LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon