IHTILYH Chapter 3

64 5 4
                                    

Shane's P.O.V

Badtrip akong umuwi sa bahay naming tatlo. Sa mga nagyari ba naman ngayon araw sinong hindi mababadtrip -__- Unang araw mo pa lang sa klase, late ka na at worse may naka-away ka pa. Hindi ko naman sinasadyang pagsalitaan ng ganun yung babaeng kasama nung nakabangga ni Max, di ko lang talaga napigilan sarili ko kasi sasaktan na niya si Charisma. Sa lahat pa naman ng ayoko eh yung sinasaktan ang mga kaibigan ko. Oo kahit ganito ako, na parang may sariling mundo ay may pakielam din naman ako sa mga taong nakapaligid sakin.

Lalo pang nagpadagdag sa init ng ulo ko yung Aaron kanina. Like what the hell, sa sinabi niya kanina, parang siya pa yung inis na inis sa sinabi ni Ace na bagay daw kami -__- Akala mo kung sinong gwapo, well gwapo naman talaga. Sabihan niyo na ko ng sensitive, immature o anong word pa man yan, Eh sa na-offend ako eh, bakit akala ba niya eh lahat ng babae ay magkakagusto sakanya? Ibahin niya ko. I'm not like the other girls na makita lang ng gwapo eh kung makatili kala mo nirerape.

Nung umalis na sila Chain ay naiwan kaming anim, nakaramdam ako ng awkwardness kahit parang may pagka-manhid ako nakakaramdam pa din ako nun. Normal din naman ako no =__=. Buti na lang at naisipan nang magpaalam ni Maxene. Yung Aaron na rin yung nagpaalam para sa mga kaibigan niya, akmang sasabihin na niya yung pangalan ko pero pinutol ko na kaagad, di ako kumportable na sa bibig niya manggagaling yung pangalan ko. May paingat-ingat pa siyang nalalaman -___-

Ang bilis nang oras, mage-eight na pala nang gabi, asan na kaya yung dalawang loka-lokang yun. Alam kong badtrip din yung mga yon, kaya nga nasungitan nila yung si Ace at Klein. Hah ewan, makababa na nga at nagugutom na rin ako.

"Oh Shane, tamang-tama. Tara sabay-sabay na tayong kumain. Akala ko tulog ka kaya hindi na kita inistorbo sa kwarto mo" Yaya sakin ni Maxene. Nakahanda na rin yung lamesa ako na lang pala ang kulang.

Tumango na lang ako, sign na pagpayag sa pag-anyaya niya.

Kumain kami ng tahimik, nakakapanibago at hindi nagsasalita ngayon to si Charisma. Usually kasi kahit kumakain na, ang daldal pa din niyan. Sigurado nabadtrip din yan sa nangyari, hindi lang masyado halata kanina kasi nagawa pa niyang magpatawa at pagkatuwaan si Ace at Klein.

Natapos kaming kumain ng walang imikan. Panandalian lang naman ang katahimikan ng dalawang yan, kinabukasan babalik din sa normal yang mga yan.

"Ako na maghuhugas ng pinggan, magpahinga na kayo sa mga kwarto niyo" Alam ko namang pagod na yang mga yan. Pag-uwi kasi kanina umalis pa sila para bumili ng mga supplies namin dito sa bahay, tapos sila pa nagluto ng dinner namin, nakakahiya naman kung pati sa paghuhugas isa pa sakanila ang gagawa. Isang tipid na ngiti naman ang isunukli nila sa akin at umakyat na sila sa kanila-kanilang kwarto.

Isinuot ko ang pinakamamahal kong earphones, para naman malibang ako habang naghuhugas. Sinimulan ko nang hugas..

*Hugas, Hugas, Hugas*

*Sabon, Sabon, Sabon*

*Banlaw, Banlaw, Balaw*

Mabilis akong natapos sa paghuhugas, konti lang naman yun eh. Inayos ko na din to sa kanya-kanya nilang lagayan.

Umakyat na ko sa kwarto ko para magpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko at naglaro nang temple run..Nang di namamalayan nakatulog na pala ko.

*KINABUKASAN*

Naalimpungatan ko nang may marinig na ingay sa baba -____- Mukang alam ko na kung sino yung mga yon, malamang sino pa ba, edi yung mga kasama ko dito sa bahay. Dumiretso na ko sa banyo para maligo. Bumaba na rin ako matapos gawin ang aking mga morning rituals. Naka-uniform na rin ako para naman pagkatapos kumain ay makapasok na ko kaagad.

I Hate That I Love You H.A.T.E [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon