Chapter 2: AllenBert Campus

497 11 4
                                    

"Dalian mo nga diyan! Late na tayo oh" inis niyang sabi habang tingin ng tingin sa orasan sa dingding.

"Andiyan na ho, Madam!" nakangiting sagot naman ng kaniyang kaibigan na si Sabreena habang nagmamadaling isuot ang kaniyang sapatos.

'Tch. look at her. Ni hindi man lang nakapag suklay!' naiinis na sabi ni Mikkaela habang nakatingin sa kaibigan.

Napansin naman iyon ni Sabreena at agad na nagsuklay gamit ang kamay at binigyan ito ng isang matamis na ngiti.

"Tch. Lets go!" aya ni Mikkaela at nagsimula ng lumakad patungong sakayan.

Malapit lang naman ang tinutuluyan nila sa school nila kaya pwedeng pwede silang mag lakad ngunit sa kaso nila nanaman ay malabong makapag lakad sila. dahil unang una, mas lalo silang late. at pangalawa, mapaparusahan sila kung malelate sila.

That's how their school works.

Nakasakay na sila sa taxi ng biglang may nag ring na phone.

hindi niya ito pinansin dahil hindi naman ito sakaniya.

"Miss, hindi niyo ba sasagutin yung tawag? Mukhang importante oh!" dinig kong sabi ng Taxi driver

"Pakialam mo! Mag drive ka na nga lang diyan!" inis niyang sagot sa driver na mukhang nagulat naman sa inasta ni Mikkaela.

"Bessy, wag ka naman ganyan! Nagmamalasakit lamang si mamang driver" sabi naman ni Sabreena, na panay ang hingi ng paumanhin sa driver at sinagot ang tawag

"Stop the car!" biglang sigaw ni Mikkaela, at sa kabiglaan ng driver ay naipreno niya ito ng di inaasahan kung kaya't pare- pareho silang naalog sa loob, hindi pa naman sila naka seatbelt.

"Ano ba naman yan!" iritang sabi ni Sabreena sabay tingin kay Mikkaela.

Imbes na humingi ng paumanhin ay lumabas na ito ng taxi at naglakad na. Tutal ay malapit lapit n arin naman sila sa school.

Lalabas na sana si Sabreena para sundan si Mikkaela ngunit pinigilan siya ng Taxi driver.

"Miss, bayad niyo? 500 po." paniningil ng taxi driver

"Ano po! Bakit 500 agad? eh wala pa ngang isang oras yung binyahe namin eh" pagrereklamo ni Sabreena sa taxi driver

"Pasensiya na ineng! Trabaho lang, walang personalan" sagot naman ni Manong driver na napapakamot sa ulo

"Manong, alam ko naman po iyon eh. Pero hindi po ba pwedeng bawasan niyo na lang?" pag mamakaawa niyang muli dahil sa totoo lang ay 200 pesos lamang ang kaniyang dala.

Walang labis, walang kulang

"Here! keep the change!"

nagulat si Sabreena ng biglang may nag abot kay Mamang driver ng Isang libong piso.

Tinignan niya ito ng nanlalaking mata dahil ang taong nagsagip sa dalawang daang piso niya sa wallet at ngayo'y katabi na niya ay ubod ng kakisigan na animo'y si Adonis. Kay pupulang labi at kay lalagong pilik mata.

"Miss, hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko pwede ka ng bumaba!"

Mula sa pagkakatitig ay nanlalaking mata ulit niya itong tinignan.

"A-ah.. A-ano.. So-sorry!" agad agad itong bumaba, bitbit ang kaniyang bag.

pagkasara na pagkasara sa pinto ng taxi ay agad na humarorot ito.

'Haay, ang pogi niya naman! sana makita ko ulit siya" aniya

"Hooy! ano pang tinutunga- tunganga mo diyan!"

She's a Wicked Bitch [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon