We define wierd - ONE

279 4 3
                                    

ONE 

Lianne's POV

Ito ang unang araw ng high school life ko. Wala namang masyadong espesyal na feeling. Medyo malungkot pa nga e. Same people. Same school. Pero hindi kumpleto, lumipat na kasi yung iba kong kaibigan sa ibang schools. Wala na yung ibang mga kaibigan ko. Pero syempre life must go on. 

Habang papunta na ako sa school. Madaming idea at mahinasyon ang pumapasok sa ulo ko. Una, sino kaya yung magiging adviser namin? Pangalawa, meron kaya kaming bagong kaklase? Siguro lahat naman tayo ayan din ang naisip di ba?  

Tulad nga ng sinabi ko kanina e lumipat yung iba kong kaklse pero may mga natira naman katulad nila Jennilyn, Ricel, King, Paolo, Paul Renz, at Allen. Sila yung mga kaklse ko simula pa ng elementary, alam ko kasi hindi naman sila lilipat ng school.  

Ayan may tanong na namang nabuo sa utak ko...

Ano kayang kakaiba ang mangyayari sa high school life ko ngayon?

May isa pa...

Sino kayang katabi ko mamaya?

Maddis POV

High school.  

First day ko ngayon sa high school. Ini-enroll ako nila nanay sa isang pribadong paaralan. Matutuwa ba ako? Ummm... Hindi kasi wala akong kilala don sa bagong school na papasukan ko at itong ang unang beses na mag-aaral ako sa isang pribadong paaralan. Ummm... Oo, kasi sa wakas nakaranas naman ako ng ganitong buhay.  

Nakakatuwa nga kung bakit napilitan ang mga magulang kong mag-aral sa isang pribadong paaralan. Ganito kasi yun, dapat kasi sa isang pampublikong paaralan ako mag-aaral katulad ng nakasanayan, pero sa kasamaang palad at hindi malamang kadahilanan e bumagsak ako sa entrance test doon. Kahit anong hanap ko sa listahan e ala talagang Maddi. KAHIT SA LISTAHAN NG BOYS! Hindi pa nga naniwala sila nanay at nagpunta pa don para lang hanapin ang pangalan ko. Pero sawi din sila kay eto ako ngayon nakatayo sa gate ng bago kong paaralan. Maliit lang yung school, parang isang compound lang pero ayos naman. Hinatid ko na yung kapatid ko sa classroom niya. Nga pala may kapatid ako na nag-aaral dito. Dalawang taon ang tanda ko sa kanya. Isa siyang Autistic, well hindi naman malala, masyado lang siyang hyper, may tawag don e nakalimutan ko na. Ah basta lagi siyang sa private nag-aaral at dahil nga bumagsak ako e dito na lang raw ako mag-aral para may magbabatay sa kapatid ko. 

So... ayon nga, pagkahatid ko sa kanya e dumiretso na ako sa clasroom ko. Sa secondfloor pangalawang pintuan. Hakbang. Hakbang. Hakbang. Kaharap na ako ng pintuan na may nakadikit na bond paper na may listahan ng mga estudyante para sa kwarto na yun.

*tok* *tok*

Lumabas ang isang maliit na babae na naka-uniform na pang guro.

"Good Morning po dito po ba yun First year- Archangel Judiel?" tanong ko.

"Opo, ate, dito yun." Sagot niya.

Eto na ang simula ng high school life ko.

We define weirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon