We define weird - TWO (2.1)

149 3 1
                                    

Two

Maddi's POV

Medyo naging maayos naman ang unang araw ko sa school na 'yun. Nakakatuwa nga 'yung katabi ko e, si King, super kulit niya. Siya 'yung tumatayong class clown. Super hyper to the highest level.

Maliban sa kakulitan niya e mawawala ba 'yung 'introduce-yourself-to-the-class' portion? Hehehe. Bawat subject ata kailangan mong magpakilala. Nakakasawa. Pero honestly, wala pa akong nasasaulo sa mga pangalan nila. Hahaha.

Unti lang kami sa klase, wala pang bente. Maliit lang naman kasi 'yung school pero ayos naman 'yung turo. So far... Pangalawang linggo sa school na ito at meron na akong mga friends sina Lianne, Ricel, Jennilyn, Jc, at si Maribeth. Ako, si Jc at Maribeth e new students lang rin dito. Wait! Nga pala si Jc he's\/she's ummm in between?? Siguro naman alam niyo na kung ano 'yun 'di ba? Hahaha.

Nakalimutan kong sabihin na NAKA-UNIFORM NA AKO! Yehey! *sabog confetti!*

*KRIIIIIIIIIIINNNNNNG!-KRRRRRRIIIIIIIIIINNNNNNGG!*

Ok recess na!!!

Bumaba lang kami sa baba para bumili samahan silang bumili ng pagkain nila. Ako kasi pinapabaunan ng nanay ko ng recess at lunch para daw tipid. Hay naku. Kawawa naman ako. May service na nga tapos de binalot pa! Sa'n ka pa 'di ba. No'ng matapos silang bumili e bumalik na rin kami sa room para kumain.

Isang tipikal na recess naman siya until...

"Maddi love 'A'. Maddi love 'L'. Maddi love 'L'. Maddi love 'E'. Maddi love 'N'. EQUALS 'ALLEN'!"

Maddi love who?!

Paglingon ko aba ang lokaret na si Lianne! Nakatayo sa may harapan at nagcha-chant ng kung anong bagay. Syempre ako naman si sira walang alam kung sinong love ang sinasabi nila.

"Ricel, sino 'yung Allen?" tanong ko sa kanya.

Aba malay ko ba kung mukhang monster 'yun noh! Baka mamaya kung sinong nilalang 'yun.

"Classmate natin 'yun." Sagot naman ni Ricel.

Classmate? Sino? Nasaan?!

"sino? Nasaan? Baka mamaya magalit 'yun! Baka masapak pa ako no'n."

Oh bakit totoo naman baka masapak ako noh!

"Maddi love 'A'. Maddi love 'L'. Maddi love 'L'. Maddi love 'E'. Maddi love 'N'. EQUALS 'ALLEN'!"

Ayan hindi pa din natigil si Lianne!

"Cel! Sino ba kasi 'yun?" at talagang niyuyugyog ko na siya kasi binibigyan niya lang ako ng isang nakakalokong ngiti.

Naman kasi eh!!!

"Absent siya kaya 'wag mo ng hanapin."

"ba't siya absent?" tanong ko. Naku-curious talaga ako kung sinong Allen ito.

"namatay 'yung mama niya kaya isang linggo siya mawawala." Paliwanag niya.

Ahhhh... Condolence po.

(A\/N (Ms. M.) : "condolence tita")

Pero hinidi talaga siya pamilyar sa akin. Wala akong mavisualize na itsura. Ang nakakaloko pa e isang linggo siya mawawala. So...

"Maddi love 'A'. Maddi love 'L'. Maddi love 'L'. Maddi love 'E'. Maddi love 'N'. EQUALS 'ALLEN'!" chant nila Lianne at Ricel. Oo kasama na si Ricel. Pasaway!

Isang linggo...

"Maddi love 'A'. Maddi love 'L'. Maddi love 'L'. Maddi love 'E'. Maddi love 'N'. EQUALS 'ALLEN'!"

Mukhang isang linggo ko maririnig ang chant na 'yan. Hay.... goodluck Maddi.

(end of 2.1)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We define weirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon