Chapter 1

17 0 0
                                    


Ayanna Shane's POV


Unang araw namin sa pasukan ngayong second year high school. Kaya busy ang lahat sa paghahanap kung saang room ka, o kung anong section, o saang section ka napunta. Kasama ko ngayon ang best friend ko, si Shiela. Matagal na kaming magkakilala niyan simula noong grade school sa grade three. Naging magkaklase kasi kami noong nagtransfer ako sa school nila. Pero hindi talaga kami close niyan noon, dahil sa magkaiba kami ng ugali. Ako 'yung tipong tahimik pero maldita kapag inunahan. Naging magbestfriend lang kami ni Shiela ng magfirst year high school kami, kami lang kasi ang magkakilala noon sa section na 'yun dati. Section 5. Kaya nga napasok kami sa honors, siya ang second tsaka ako naman ang third.

At ayun nga nahanap na rin namin ang section namin. Walang pinagbago magkaklase parin kaming dalawa as ever, ang pinagbago lang napunta kami sa section one haha. New room. New classmate. New teacher. Nasa second row sa left side ang napili naming upuan at magkatabi pa kami. 'Yung iba nagsidatingan na ayun nga snob muna, walang kaclose e. Habang patingin-tingin ako sa kabuuan ng room namin, napadpad nalang bigla ang tingin ko sa isang lalaking nagkukumpulan pero sa isang lalaki lang talaga nafocus ang tingin ko. Moreno siya at medyo matangkad ng kaunti, manipis ang buhok at cute. Hindi ko siya kilala, I mean kunti lang talaga ang kakilala ko dito dahil hindi ako 'yung tipo na lakwatsera kaya medyo wala akong kakilala. Pero itong bestfriend ko nakapunta na'to sa lahat ng sections sa first year noong first year kami dahil palagi siyang nagsisit-in sa klase kaya ayun madaming kakilala unlike me kunti lang.

Nabigla ako ng bigla akong itinayo ni Shiela sa pagkakaupo. Kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nakangiti. Ewan ko ba sa babaeng 'to palangiti haha.

"Ano na naman ?" Medyo pasupladang tanong ko.

"Tsk. May ipapakilala ako sa'yo" bigla niya nalang akong dinala papunta sa harapan at doon ko napansin 'yung cute na lalaki kanina. I think he is a little snob. "Hi Ivan Lee." Bati ni Shiela sa cute na lalaki kanina. Ngumiti lang ng tipid si Ivan ata 'yun. OMG! Ivan ? Ang name niya ? How cute naman. "Ah si Ayanna pala." Pakilala ni Shiela sa akin kay Ivan.

Ngumiti lang ako ng tipid saka ko inabot ang aking kanag kamay para makipag shake hands. Tinanggap niya naman ito.

"Ayanna Shane Monte Verde pala." pakilala ko sa buo kong pangalan.

Ngumiti lang siya at parang nakita kung umirap siya.

"Ivan Kim Lee" Pakilala niya.

Hindi ko pa nabibitawan ang kamay niya kaya lang bigla akong siniko ni Shiela kaya nabitawan ko nalang ito bigla. Umupo siya sa unahan ng upuan ko kaya parang medyo kinilig ako na ewan dahil magkalapit lang ang pwesto namin.

"Magkakilala pala kayo noon ?" Tanong ko kay Shiela ng makupo kami habang nginunguso ko si Ivan. Tumango lang siya bilang sagot.

"Oo. Natatandaan mo ba 'yung sinabi ko sayo noong first year tayo nung nagsit-in ako sa section one. Doon ko nakilala 'yun saka ano...." Lumapit siya ng kunti sa tinga ko kaya nakiliti ako ng kunti. "Yung crush ko" napangiti nalang ako sa sinabi niya dahil pareho kami.

Crush ko na ata 'yun.

Meron din akong ibang nakilala si Mabelle ang katabi ko sa left side. At si Leisel din kaclose ko na ng kunti 'yung kaklase ko noong fist year. Si Maye din 'yung transferee galing sa ibang school dito lang daw siya nag-aral dahil ang Auntie niya ang nagpapaaral sa kanya, 'yung adviser namin. At saka si Louize Kaye 'yung section three daw siya dati sa first year. At si Abby 'yung section four magpinsan sila ni Louize kasi pareho sila ng apilido. At marami pang iba pero sila lang 'yung close ko ng kunti kaya sila lang 'yung namention ko sa inyo. Tsaka ako naman medyo may okay lang ang height 13 years old pa lang. 13 years old lang din 'yung namention ko na mga bago kong ka close friends maliban kay abby 14 na kasi siya last year. Siya lang 'yung medyo matanda sa amin.

Nagpakilala lang kaming lahat sa isat-isa sa lahat ng subjects namin ngayon dahil first palang naman ng klase. Okay lang naman ang araw na'to. Go ra lang. Ako palagi lang akong nakabantay sa lahat ng kilos ni Ivan. Medyo sikat pala siya ng kunti dahil alam niyo na maraming chicks. Tsaka may appeal din. Sabi ni Shiela matalino daw si Ivan dahil first honor siya sa class nila sa first year dati. Sabi din nila medyo may pagkamayabang at masama ang ugali daw. Kasi may nakaaway nadaw 'yun dati at nagkasuntokan kaya ayun na guidance at medyo judgmental rin daw siya sa mga studyante. Kaya ayun maraming kaaway sa School. At magaling din raw 'yun sumayaw. Maraming may crush sa kanya pero may iba rin na ayaw sa kanya. Na alam niya galit daw dahil masasakit daw na salit ang binibitawan habang nagjo-joke. Sabay-sabay rin kami ng recess sa canteen at naglunch pero sa classroom lang kami naglunch dahil hindi naman kami pinagbabawalan na kumain sa classroom basta daw kapag may kalat linisin agad pagkatapos kumain.

Pauwi na kami ngayon dahil tapos na lahat 'yung mga klase namin. Alas-4 ang uwian namin kaya medyo matatagalan ang pag-uwi ko. Nagtambay lang ako malapit sa market dahil doon daw ako susunduin ng papa ko kapag uwian. Si Shiela kanina pa umuwi dahil maaga sila kinuha ng papa nila ng ate niya na si Benny, ate niya at 3rd year high school rin. Habang naghihintay ako bigla nalang may nagtakip ng mga mata ko kaya nagtaka ako kung sino pero ng marinig ko ang tawa ng nagtakip ng mga mata ko ay nakilala ko kaagad ito. Si John, pinsan ko. Grade 7 pa lang siya. Kami kasi ang last batch kaya hindi kami nakaabot sa K-12. Sila naman ang first batch ng K-12.

"Bwesit ka John!"

Sigaw ko tsaka ko siya sinipa sa paa niya kay napa'aww' siya sa ginawa ko. Ganyan talaga ako sa kanya. Sipa doon, sioa diyan. Kahit saan basta sipa hahaha.

"Sakit 'nun Ayanna!" Sigaw niya dahil sa namimilipit siya talaga sa sakit. Medyo masakit kasi ako manipa. "Sadista talaga 'tong babaeng 'to. Tsk." Maktol niya sa akin. Nag peace sign nalang ako sa kanya.

"Ikaw naman kasi!" Ganting sigaw ko pero hindi 'yung malakas talaga na sigaw, medyo lang. "Oh! Kumusta pala ang first day of high school mo dito ha ?" Tanong ko sa kanya habang naka tingin sa kalsada.

"Ayun bad trip. Pano ba kasi 'yung kwenikwento ko sayo na crush ko may boyfriend na. Kainis nga. Kakilala pa lang sila na agad."

Badtrip talaga siya kasi sa pamamaraan pa lang ng pananalita niya ang bitter. Akala ko nga bakla 'to e kasi may pagka babae ko kung kumilos, opposite nga sila ng ate niya tomboy 'yun. Pero 'nung sinabi ni John na may crush ayun nag-iba tingin ko pero alam niyo na may kunti paring kilos na babae.

"Grabe! Ang bilis naman. Baka playboy 'yun." Kasi naman d'ba ? Kakikilala oa lang nanligaw agad din sinagot agad ano 'yun ? Hello? Ang panget kaya pakinggan kung ganun. "Sino ba 'yung malas na babaeng crush mo nga 'yun ?" Natanong ko lang bigla nakalimutan ko kasi 'yung pangalan.

Napakamot lang siya sa batok saka nagsalita " Michelle. Michelle Salvador" " yung boyfriend niya na kaklase ko si Cyrille Dann Romero. Hindi naman 'yun gwapo ang panget nga e. Kaya naiinis ako 'dun." Natawa nalang ako sa sinabi niya. Tsk. Wala naman akong interest dun. Dun nalang ako kay Ivan ang cute pa haha. Crush lang naman. Walang halong malisya.

When the Love BeginsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon