Chapter 2

5 0 0
                                    


Ayanna's POV

Maaga akong nagising- I mean maaga akong ginising ng mama ko-ay kami pala ng kapatid ko kaya maaga rin kaming nakapasok sa school by 6:20. Yes may kapatid ako. Little brother ko pero nasa grade school palang siya. Grade 6. Ang pinagkaiba nga lang namin matalino ako siya bobo haha joke lang- dati matalino yun medyo nga lang. Yun nga lang simula ng mag grade three siya naging bobo, 'yun kasi mahilig magcutting classes nadala lang ng barkada kaya ayun naging mas bobo. Ako noong nasa grade school ako sa grade One, bobo ako. Hindi ako marunong bumasa, wala akong alam sa klase, alam niyo 'yun-yung masarap matulog. Ako 'yun tulog mantika sa klase kaya maski isa walang pumasok sa kukute ko. Pero nung mag-grade two na ako dun lang ako naging matalino haha, honor student e, 4th pa haha pero dahil 'yun sa super talino ng-----

KATABI KO hahahaha. Kopya doon, kopya rito, kopya kahit saan basta matalino ako. Pero noong nagtransfer na ako sa ibang school na katabi lang ng bahay namin ayun honor student parin, kopya lang kahit saan, Noong grade six lang ako naging matalino talaga na galing sa kukute ko by the use of 'pintot-pintot' hahaha. Alam niyo 'yun shamba ba. Shamba lang 'yun.

Nakaabot ako sa Flag Ceremony kaya ayun tsismis dito chicka diyan, tsismis diyan chicka dito. Tsismisan lang kung baga sa line namin- I mean lahat pala mapa fourth year- grade 7.

Pagkatapos ng flag ceremony nagsialisan nalang lahat ng studyante sa line para pumasok sa kani-kanilang classroom. Kasabay kong pumasok sina Louize, Maye, Leisel, Mabelle, Abby at syempre si bestfriend.

"Ayanna may boyfriend kana ba ?"

Nabigla ako sa tanong ni Abby kaya napahinto ako. Grabe naman 'to, anong akala niya sa 'kin easy to get. Heh!

"Wala ah" umiling-iling na sagot ko. "E kayo meron na no ?" Tanong ko na mapang-asar sa kanila.

"OY! WALA AH!" sabay-sabay na sigaw nila.

Nakakatawa ang itsura nila kung maka react kaya natawa nalang ako. Perstime 'to hahaha. Ang sarap naman pagtripan. Umiling-iling lang ako habang tawa parin ng tawa.

"Weeh ? Bakit ang bilis niyo makapagreact ?"

Tumingin sila sa akin ng nakakaloko dahil sa tanong ko kaya bigla nalang nawala ang ngiti ko.

"E bakit ikaw. Huminto ka nga. Sample nga." Ngumiti ng nakakaloko si Leisel sa sinabi niya. Nagsample naman sila Louize at Maye.

"Ayanna may boyfriend kana ba ?" Ginaya ni Maye ang tanong ni Abby kanina. Huminto naman si Louize na shock gaya ng reaction ko kanina.

"Wala ah" umiling-iling na sagot ni Louize. Wow ha gaya-gaya lang ang peg.

"Heh! Hindi kaya" maktol ko kaya natawa silang anim.

"Asar -talo" sabi ni Shiela. "Ganyan talaga yan asar hahahaha" natawa silang lahat kaya nakitawa narin ako. Mga baliw talaga.

"Sige iba nalang ang ask ko sayo. Ahmmm" Nag-isip pa ang mokong na si Abby. " Sino crush mo ?" Tanong niya at ngumiti pa ng nakakaloko. Umiling lang ako bilang sagot.

"Bawal mag deny." Sabi naman ni Leisel

"Sino nga kasi uy!" Tanong naman ni Louize

"Sige na. Dali. D'ba secret naman natin e Promise!" Sabi naman ni Maye

"Oo nga ayanna. Atin-atin lang naman 'to e." Sabi naman ni Shiela. Haist! Nakisali pa si bestfriend.

"Sige na nga. S-si ano ahm...ah.... Si James Reid... Tama si...james reid" nauutal na sagot ko sa kanila.

Umiling-iling lang sila pareho.

"Yung classmate lang natin. 'Wag yang artista alam mo naman d'ba ? Wala ka pag-asa doon" sabi naman ni Leisel.

"Tse!" Nakanguso kong sabi kaya mas lumaki ang ngiti ko. "Kayo muna d'ba best friend ?" Nguso ko kay Shiela saka ngumiti ng nakakaloko.

"W-wala. A-ah O-oo kayo na mauna. D'ba a-ano kayo una nagta-tanong ?" Nauutal na sagot niya. Hahahaha reaction niya nakakatawa.

"Sige na nga. Ikaw na mauna Shiela." Umiling lang si Shiela bilang tugon.

Kaya napunta ang tingin ni Leisel kay Mabelle at ngumiti ng nakakaloko.

"Mabelle ikaw mauna" Nagreact naman bigla si Mabelle kaya natawa ako.

"Ba't ako ? Si Abby mauna siya matanda sa'ting pito e." Kaya napunta ang tingin ni Leisel kay Abby.

"Ikaw na Abby. Matanda ka sa amin e."

"Heh! Ano akala niyo sa'kin matanda na talaga ? Hala sige na nga. Pero si ano... Basta secret lang ha ? Patay talaga kayo sa akin. Si ano...si ano An--" hindi na natapos ang sasabihin ni Abby dahil nagreact agad ako.

"OMG! Talaga ? Siya ? Kung sabagay wala naman sa itsura ang LOVE d'ba ? Nasa puso yan. Don't worry I'll gonna keep your secret talaga. But once na sabihin mo rin secret ko sorry nalang Beb Abby" Malakas na sabi ko kaya napatingin lahat ng kaklase ko. What a life.

When the Love BeginsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon