Nandito kami ngayon sa Centaur's Forest at naghihintay para sa kanilang pinuno
We asked for their leader para makuha ang glyph ng sagittarius
"Hinahanap niyo daw ako? Maaari ko bang malaman kung sino kayong dalawa?" Magalang na sabi ng isang centaur na sa tingin ko ay ang leader nila
"I'm Daniella Mikaela Grey, the descendant of the gray werewolf who carries the power of the zodiac" sabi ko
"Blade Matthew Parker, alpha of Blood Moon Pack and Daniella's mate" sabi niya
Tumango ang pinuno ng mga centaur
"Ikaw ang descendant? Paano ako nakakasigurado?" Sabi niya
I shifted to my wolf form and face him
"Okay naniniwala na ako" sabi ng centaur
Nag shift ako sa human form ko
"Ako nga pala si Shoot" pakilala ng pinuno
"Nice to meet you Shoot. Can I ask kung saan matatagpuan ang glyph ng sagittarius?" Sabi ko
"Oo naman. Ang simbolo ng sagittarius ay nasa pangangalaga ko. Para makuha mo iyon ay dapat matalo mo ako sa archery" sabi niya
Archery? Good thing! Tinuruan ako ni kuya gumamit ng pana at masasabi kong professional level na ang skills ko
"Sure" sabi ko
Lumapit sa akin si Blade at bumulong
"What do you think you're doing?! Centaur is known for being a good archer. Above level pa sila sa mga professional" bulong niya
"Shut up Blade. Just trust me" sabi ko
"Okay. We will start the match at exactly 3PM" sabi ni Shoot
Tumalikod na siya at umalis
Ngayon ay 2:30 PM na ayon sa wrist watch ko so may 30 minutes pa ako to prepare for the match
After 30 minutes.....
Nandito kami ngayon sa kanilang battle field kung saan magaganap ang match
(A/N: I don't know anything about archery or kung ano ang mechanics kaya pasensya na kung mali)
Nag start si Shoot at bullseye iyon.
Nung turn ko na ay pumana ako at bullseye din iyon
Nagpatuloy ang laban at lahat ng tira ni Shoot ay bullseye samantalang may isa akong palaso na hindi tumama sa target dahil nakakaramdam ako ng tense
Last three bows na lang
Napapitlag ako ng marinig ko ang boses ni Blade sa isip ko
"You can do it love. I believe you. You can win this" sabi niya
I get the three bows nung turn ko na at in-aim ang target
Nakaramdam ako ng kakaibang lakas sa aking katawan
Binitawan ko ang pana at tumalsik ang mga palaso patungo sa tatlong target sa field. Nagulat ang bawat manonood ng mabalot ng asul na apoy ang mga palaso. Bumulusok iyon patungo sa tatlong target na nasa field.
Nang tumama ang mga iyon sa gitnang parte target ay biglang nagkaroon ng malakas na pagsabog. Wala namang nasaktan dahil malayo ang mga manonood sa target
Lumingon ako kay Shoot at bakas ang pagka amaze sa mukha niya
Binitawan niya ang pana niya at pumalakpak ng dahan dahan
"Ikaw nga ang itinakda. Sumusuko na ako" sabi niya
"May dalawa ka pang palaso?" Sabi ko
"Sa puntos na nakuha mo kanina ng sabay sabay mong gamitin ang natitirang palaso ay malabong manalo ako sa iyo" sabi niya
Nagpalakpakan ang mga nasa stadium at nagulat ako ng may yumakap sa likod ko
"You did it love" sabi ni Blade
Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin ng love dahil hindi pa rin nagsi sync in na nanalo ako
Lumapit si Shoot sa akin at may napansin akong brown na liwanag sa kanyang kamay
"Katulad ng pinangako ko, ito na ang marka ng sagittarius" sabi ni Shoot
Lumapit sa akin ang marka at pumasok sa katawan ko then biglang nag shift ako sa wolf form ko. Nagliwanag ang aking katawan at nang mawala iyon ay may ten na buntot na ako
"Patungo kayo ngayon sa kweba ng mga sirena diba? Ito gamitin niyo" sabi ni Shoot at may iniabot na apat na pirasong earbud
"Makakatulong yan para maprotektahan kayo laban sa mga boses ng sirena. Ang mga boses nila ay napakaganda at ang bawat makarinig ng mga tinig nila ay makakatulog" sabi ni Shoot
"Salamat" sabi ni Blade at tinanggap ang mga earbud
"Mag-iingat kayo dahil papalapit na ang mga bampira para sakupin ang mundo natin" sabi ko
"Sana mahanap mo din ang ang wolf na nagtataglay ng kapangyarihan ng mga planeta para maging malakas ang panig niyo" sabi ni Shoot
"Sana nga" sabi ko
Nasaan kaya ang wolf na iyon? Wala akong clue kung nasaan siya
"May alam po ba kayo kung nasaan siya?" Tanong ko
"Walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa dalawang wolf pagkatapos ng digmaan kaya wala akong ideya kung nasaan siya" sabi ni Shoot
"Sige maraming salamat" sabi ko
Tumango ito sa akin
Sana matagpuan ko ang wolf na iyon sa aming paglalakbay
BINABASA MO ANG
Rejected
WerewolfThis story was written a long time ago so I want to apologize in advance if may ma encounter kayo na misspelled and grammatical errors dahil hindi pa ito napu-proofread.