"Are you sure na tama ang dinadaanan natin?" tanong ko kay Blade na siyang may hawak ng mapa
Kanina pa kami naglalakad dito sa kagubatan para hanapin ang Lion Manor pero wala man lang kaming makitang kahit anong palatandaan na malapit na kami sa Lion Manor
"I'm sure na tama ang dinadaanan natin" sabi ni Blade
Kinuha ko ang capsule na binigay ng reyna ng mga sirena at pinindot iyon
Ang capsule ay naging isang sasakyan na maaaring gamitin sa mga malulubak na daan
"Let's ride this one. Sobrang napapagod na ako" sabi ko kay Blade
Tumango ito at dumiretso sa driver seat at ako naman sa tabi nito
Pinaandar niya iyon at paikot ikot kami sa kagubatan ng may mapansin kaming isang malaking bahay ngunit abandonado na ito at bakas sa bahay na ito na may malagim na sinapit sa lugar na ito dahil may bakas ng mga natuyong dugo sa pader ng malaking bahay at basag basag din ang mga bintana nito at may mga crack din ang mga pader at sira sirang mga rebulto
"I think we're here" sabi ko kay Blade
Tumigil siya sa pagmamaneho at lumingon sa paligid
"Where?"
Itinuro ko sa kanya ang abandonadong bahay
"Look at the broken statues" sabi ko sa kanya
Agad na nilingon niya ito
Ang mga sira sirang statue ay mga statue ng lion at meron ding malaking simbolo ng lion sa labas ng bahay at ito ay nababalot din ng mga natuyong dugo
What happened here?
Bumaba kami ng sasakyan at pinindot ang button para bumalik ito sa pagiging capsule.
Binuksan namin ang gate pero bumagsak ito pagkahawak pa lang namin at gumawa ito ng napakalakas na ingay at laking gulat namin ng may nagsalita mula sa loob ng bahay
"Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?!" sabi ng isang boses ng babae
Lumabas ang babae sa loob ng bahay na mukhang nasa edad 20 na may dalang dalawang matatalim na espada at handang umatake anumang oras
"Sumagot kayo? Mga bampira ba kayo? Hindi pa kayo nakuntento sa ginawa niyo at bumalik pa kayo dito?!" galit na sabi ng babae ng makalapit sa amin habang nakatutok ang dalawang espadang hawak sa amin
Bampira? Kung ganoon ay inatake ng bampira ang lugar na ito
"Hindi kami mga bampira at hindi rin kami mga kaaway" malumanay na sabi ko
"Kung ganoon ay ano kayo?!"
"Kami ay werewolf. Nandito kami para hingin ang glyph ng Leo para mapaghandaan namin ang pagsugod ng mga bampira" sabi ko
Nagpalit anyo ako at ganoon din si Blade at nag shift ulit kami sa human form
"Ikaw ang werewolf na nagtataglay ng kapangyarihan ng labindalawang zodiac.." sabi ng babae
"Oo kaya gusto ko sanang malaman kung anong nangyari dito at saan ko makukuha ang glyph" sabi ko
"Drix, Dreanna! Lumabas na kayo sa pinagtataguan niyo. Hindi sila mga kaaway" sigaw ng babae
Pagkasabi niya ay may lumabas na isang batang lalaki at babae na mukhang nasa edad 7-8 at lumapit sa amin
"Ako nga pala si Drexie at sila naman ang nakababata kong kapatid na sina Drix at Dreanna at tungkol sa nangyari dito.. Dalawang linggo na ang nakakaraan ay tahimik na naghahapunan ang aming lahi ng bigla kaming atakihin ng mga bampira. Wala ang aming hari sapagkat nasa ibang bansa ito kaya ang aming lagi ay walang kalaban labang pinagpapaslang ng mga bampira buti na lamang ay nakatakas kami noong gabing iyon" kwento ni Drexie
"Nasaan ang magulang niyo?" tanong ni Blade
Bakas sa mukha ng magkakapatid ang lungkot pagkatapos magtanong ni Blade
"Kasama sila sa mga napaslang ng mga bampira" malungkot na sabi ni Drexie
Agad ko namang niyakap si Drexie ng magsimula itong umiyak
"Tahan na. Sisiguraduhin kong hindi mababalewala ang sakripisyo ng magulang mo" sabi ko
Maya-maya pa ay tumahan na ito
"Tungkol sa glyph ng Leo... Saan ko ito makukuha?" tanong ko
"Ito ay nasa pangangalaga ng aming hari na ngayon ay nasa ibang bansa para sa isang misyon at walang nakakaaalam kung saang bansa siya naroroon ngayon" sabi ni Drexie
Halos manlumo ako sa sinabi ni Drexie
"Daniella? Can you hear me?"
Kuya Freedom?!
"Kuya? Bakit?"
Kuya Freedom is communicating with me through mind link
"Our pack is under attack. Sinusugod kami ngayon ng mga bampira"
"What?! Sige papunta na kami diyan. Mag iingat kayo. Lumikas agad kayo lalo na si Ate Krissa"
"Blade, My pack is under attack. Sinugod sina kuya ngayon ng mga bampira" sabi ko
"What?! I will call Freed to prepare the army para matulungan ang kuya mo" sabi niya
Blade contacted kuya Freed through mind link
"Sasama ako sa inyo. I want to avenge my parents" sabi ni Drexie
"No. Mapanganib" sabi ko
"I'm trained. Marunong akong makipaglaban" sabi niya
"Okay. I will send your these two kids to my pack habang nakikipaglaban tayo" sabi ni Blade
"Tara na" sabi ko
I pressed the button on the capsule para maging sasakyan ulit then nagmamadali kaming pumunta sa pack ni Blade para ihatid ang mga kapatid mi Drexie at nagmamadaling pumunta sa pack ng kuya ko
Kuya Freedom. Please be safe
BINABASA MO ANG
Rejected
WerewolfThis story was written a long time ago so I want to apologize in advance if may ma encounter kayo na misspelled and grammatical errors dahil hindi pa ito napu-proofread.