He's My Brother

11K 519 35
                                    

Biaren

Maraming beses ko ng pinipigilan.

Maraming beses ko ng iniiwasan.

Maraming beses ko na ring pinagsasabihan ang sarili ko pero dumating parin sa punto na nawawala na lang ako sa sarili ko at nadadala ako sa nararamdaman ko.

Hindi ako galit sa kanya, malamang napapansin niya na iniiwasan ko siya, napapansin niya na nag-iba ako bigla sa kanya. Pero mas makakabuti iyon para mapigilan ko ang sarili ko.

Marami na rin sigurong nakakahalata ng pagbabago ko maliban sa kanya pero napagdesisyunan ko narin na tuluyang layuan siya.

But i've already reached the limit.



Bianca

"Biaren"

Bakit ?

Di ko akalain ang nakita ko sa pagkamulat ko.

Ba-bakit Biaren ?

Nasa ibabaw ko siya ngayon at hinahalikan ako, idinilat niya ang mata niya kaya nalaman niyang gising na ako, magmamadali sana akong bumangon pero bigla niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko, hindi ako makagalaw.

"Bi-Bia-ren w-ag !" sabi ko habang umiiwas sa halik niya, napansin naman niya kaya umalis siya at umupo sa may paahan ko.

Dali-dali akong bumangon at hinawakan ang labi ko habang siya gusot-gusot niya yung buhok niya at nakayuko.

Teka, bakit ? bakit iyon ginawa ni Biaren ? Kuya ko siya diba ?

Dahan-dahan siyang tumingala at tumingin sa akin.

"Sorry Bianca !" sabi niya habang papalapit sa akin pero lumayo ako.

Naguguluhan talaga ako.

Bigla na lang siyang yumuko tapos sinuntok yung ding-ding sa gilid niya, napansin ko na lang na umiiyak na siya.

"Bianca" tumingin siya ulit sa akin, nakikita ko ang pag-iyak niya.

"Bakit Biaren ?" naguguluhang tanong ko.

"Bianca --" nakahawak siya sa mga kamay ko.

"Mahal kita !"

Nagulat ako sa sinabi niya. Anong pinagsasabi niya ? Kapatid niya ako diba ? Kapatid niya ako ! Umiiling-iling ako sa kanya, mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Mahal kita Bianca ! Pinilit kong iwasan pero -- dumating na ako sa sukdulan" sincere na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi mo ba ako mahal ?" tanong niya kaya umiling ako.

"Mahal kita Biaren dahil kapatid kita !" sabi ko tapos bigla siyang yumuko.

"Pero --"

"Kapatid mo ako paano mo ba nasasabi yan Biaren !" sabi ko sa kanya.

"Pero diba"

10 years before

Anim na taong gulang ako samantalang pitong taong gulang naman si Biaren.

"Ampon ! Ampon ! Ampon !" sigaw ng mga batang lalaking kay Biaren.

Nasa park kami ngayon nang bigla na lang siyang tuksuin ng mga lalaking ito, nasa likudan ako ni Biaren nakikita ko nanginginig ang mga kamao niya sa galit.

Bigla na lang siyang tumakbo at pinagsusuntok yung mga lalaki, nakita ko na lugi si Biaren dahil tatlo yung mga kalaban niya kaya tumakbo ako at pinagsusuntok sa likod yung mga lalaking pinagtutulungan siya.

I Love My Little SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon