We

19.1K 710 86
                                    

"Biaren ! Biaren ! Biaren !"

"Biaren ! Uy gising na !"

Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang mukha ni Bianca na ginagamit yung dulo ng buhok niya na pangkiliti sa tenga ko para magising ako.

"Biaren gising na ! Baka malate tayo"

Inaantok parin ako, kaya papikit-pikit parin ako.

"Teka ! bakit ka umakyat na naman dito sa kama ko ?" gulat na sabi ko.

"Geez ! Kanina pa kasi kita ginigising e at ayaw mo magising" nakapamewang na sabi niya.

Umupo ako at ginusot ang mga mata ko.

"Maligo at magbihis kana tapos bumaba ka na para kumain bilis !" utos niya.

"Hays !" sabi ko habang kinakamot ang ulo ko.

Bumaba na siya ng higaan ko, iisa lang kasi ang kwarto naming dalawa at double deck ang higaan namin. Tapos nun ay bumaba narin ako para mag handa sa pagpasok.

"Nyay ! Nakakainis section A ka parin Biaren, samantalang ako nasa section B parin" sabi ni Bianca habang tinitignan ang section sheets namin.

"Mag-aral ka kasi ng mabuti"

"Matalino ka kasi talaga Biaren" sabi niya tapos nag pout. Nag-iling ako sa kanya.

Naglalakad kami ngayon papunta sa bus stop 10 minutes ang layo na paglalakad at 20 minutes naman na byahe papunta ng school namin.

School.

"Sige Biaren pupunta na ako ng classroom ko" kumakaway na sabi ni Bianca habang papaalis.

Ako naman dumeretso na sa klase ko.

"4-A" mahinang sabi ko habang nakatingin sa nakapaskil sa pintuan ng classroom ko.

"Biar !" sigaw sa akin si Jinks habang tumatakbo papalapit sa akin.

"Ang aga-aga ang ingay mo !"

"Unang klase ang sungit-sungit mo !"

"Unang klase ang malas ko na kasi classmate na naman kita"

"Aray ! bestfriend mo ko ginaganyan mo ko" kunawaring nasasaktan na sabi niya.

"Sinong nagsabing bestfriend kita ?" tapos pumasok na ako ng classroom at iniwan siya.

"Aray ko bhe ! Tsaka nga pala anong section ng kapatid mo ngayon ?" tanong ni Jinks na umupo sa tabi ko.

"B" tipid kong sagot.

"Fourth year na rin pala siya, siguro naman pwede ko ng ligawan siya no ?"

"Ang mamatay gusto mo ?"

"Easy-easy ! Di to mabiro" tapos umayos na siya ng pagkakaupo at humarap na sa black board.

Ilang sandali lang dumating na yung teacher namin.

Matapos ang klase naghintay ako kay Bianca sa labas ng school.

"Biaren !" sigaw ni Bianca, kumakaway siya habang tumatakbo papalapit sa akin.

Naglakad na kami papunta ng bus stop nang biglang narinig kong sumisigaw na tinatawag ako ni Jinks kaya huminto kami.

"Sama mo talaga Biar iniwan mo ko ! Hi Bianca !" sabi niya habang hinihingal.

"Hi din" bati ni Bianca.

"Bakit ba ?" tanong ko.

"Sasabay ako sa inyo"

"Iba naman daan mo pauwi ah ?"

"May dadaanan pa kasi ako eh !"

Pagkatapos nun nagpatuloy na kami sa paglalakad, sumakay kami ng bus at pag dating sa next bus stop bumaba na at nagpaalam na sa amin si Jinks.

"Classmate mo parin pala siya Biaren ?" tanong ni Bianca.

"Oo"

Pagdating namin sa bahay, matapos magpalit ng damit at kumain, umupo na ako sa study table namin sa kwarto para gumawa ng assignments ko.

"Yay ! nakakapagod" pasigaw na sabi ni Bianca kaya napalingon ako.

Nagulat at nanlaki ang paningin ko ng makita kong nagpapalit siya ng damit kaya umiwas na ako ng tingin.

"Ano ka ba Bianca doon ka nga sa banyo magpalit !" sita ko.

"Bakit kuya naman kita ah ?"

"Kahit na pumasok ka na doon !"

Narinig ko na lang na pumasok na siya ng banyo kaya tumingin na ako, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nasa park kami ng buong pamilya ko noon, pumitas ako ng santan at ginawa iyong korona tapos isinuot ko kay Bianca.

"Bianca oh ! bagay sayo" sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"Wow salamat Biaren" sabi niya habang nakangiti.

Biglang may dumaan na nagtitinda, kaya lumapit kami para tumingin. Nakakita ako ng plastik na singsing na bagay kay Bianca kaya binili ko ito.

"Bianca oh !" sabi ko tapos isinuot ko iyon sa kanya.

"Wow ! ang ganda"

"Promise ko, paglaki natin papakasalan kita"

"Gusto ko ang isusuot ko magandang gown" nakangiting sabi niya.

"Biaren ! Bianca ! tara kakain na" tawag ni mama at papa kaya tumakbo na kami papunta sa kanila.

Nilagyan kaming pareho ni mama ng pagkain sa plato namin sabay ay nagtanong ako.

"Mama paglaki namin ni Bianca magpapakasal kami ah ?"

Biglang tumawa sina mama at papa.

"Bakit ?" nagtatakang tanong ko.

"Bawal kayo magpakasal kasi magkapatid kayo" sabi ni papa tapos tumingin ako kay mama.

"Oo bawal sa magkapatid ang magpakasal" sagot ni mama.

"Hindi ! papakasalan ko si Bianca paglaki namin !" sigaw ko sa kanila.

Bigla akong napangiti sa naalala ko, sinigawan ko pa sina mama at papa noong anim na taong gulang pa lang ako dahil sa ayaw nila na magpakasal kami ni Bianca.

Lumabas na si Bianca ng banyo tapos humiga siya at natulog sa higaan niya. At ako naman ay nagpatuloy sa pag gawa ng mga assignments ko.

I Love My Little SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon