Prologue
"You know I love you right?" Kal said. I'm fixing his tie para makaalis na siya. Pupunta siya sa airport ngayong gabi dahil may kailangan siyang ayusin sa States para sa business namin.
"I love you too, Kal." Sagot ko sa kaniya. He's being weird again. Babalik din naman siya next week ewan ko ba dito.
"I'll text you, okay?" Hinagkan niya ang aking noo bago siya lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan.
Hinatid ko siya sa may pinto hanggang makasakay siya sa sasakyan. Nang makasakay siya ay sinarado na ng aming driver na si Toryo ang pinto nito. Kumaway ako ng papalabas na sila sa aming gate.
We've been married for four years. Wala na akong ibang hihilingin pa. He's always been patient and kind. Madami na ang nangyari sa buhay ko bago siya dumating, pero tinanggap padin niya ko ng buo. I couldn't be more thankful.
Dumiretso na ako sa aming kwarto para maligo at mag ready sa pagtulog. Lumakad ako papunta sa loob ng bathroom at ni set ito para maging maligamgam ang tubig. Nang matapos kong gawin yon nilagyan ko na ng rose petals at isang bath bomb.
Nang matapos kong gawin ang mga yon at naamoy ko na ang aroma na dala nito ay naghubad nako. Humiga ako doon at pinagpahinga ang aking ulo sa tuwalya para makapag relax. Sa paghawi ko ng tubig ay nabasa na rin ang mga rose petals at kasabay din nito ang pag agsak ng aking mata.
Nang nasa kalagitnaan nako ng aking pag idlip napatalon na lamang ako sa tunog ng aking cellphone na nasa labas ng bathroom. Siguro ay naka dating na si Kal sa airport kaya ito tumatawag.
Dahan-dahan akong tumayo sa bathtub para masagot ang tawag. Kinuha ko ang bathrobe ko at nagtungo na sa kama para masagot iyon.
It was Kal who's calling "Hello." Tugon ko dito. Ngunit ibang boses ang narinig ko.
"Asawa po ba ito ni Mr. Mallari" Sabi sa kabilang linya.
Biglang may kung anong takot at pagaalala ang bumalot sa akin. Nanginginig na ang kamay ko bago ko ito sinagot.
"Y-Yes, I-I'm his wife." Kabadong sagot ko.
Ngunit sa mga sumunod niyang sagot sakin ay bumagsak din ang mundo ko. Kung kanina ay kamay lang ang nanginginig sa akin, ngayon ay buong katawan ko na.
"Naaksidente po ang asawa niyo papuntang maynila" Sagot niya. "Dead on arrival po" Duksong pa niya.
Nabitawan ko na ang cellphone ko at napaluhod na sa sahig. Nanginginig ako. Hindi ako makagalaw. Walang luha na tumutulo sa mata ko ngunit ramdam ko na rin ang pagkawalan ko ng malay.
I woke up in a familiar room. I saw my family and friends around me. Nasa kaliwa ko si Mama at Papa, sa kanan ko naman ay sila Felix, theo, mga pinsan, at kaibigan ko They all look worried and wretched. Dinaluhan agad nila ako ng umupo ako sa kama na hinihigaan ko.
"How are you sweetheart?" My mama asked. Nasa gilid niya si papa habang pinapaklma siya.
Wala akong maintindihan sa nangyayari. Ang huli ko lang natatandaan ay ang pag-idlip ko sa tub, After that wala na akong natatandaan. Nakatulog ba ako ng tuluyan at lumubog sa tub hanggang sa mawalan ako ng malay?
"Are you okay?" Felix asked.
I smiled. "Of course. Nakatulog ba ako sa tub at nalunod?" Natatawang tanong ko.
Nagkatitigan lang silang lahat na tila ba may mali sa sinabi ko.
"Thaddeus, call the doctor!" Agap ni mama.
Umalis si papa para tawagin ang doctor. Lahat sila ay hindi maipinta ang muka sa lungkot. Ano ba ang nangyayari?
"Uhm Ma, where's my phone? Baka nag-aalala na sakin si Kal kasi hindi ko nasagot ang tawag niya."
"Sweetheart, do you remember what happened last night?" Aniya.
"Yes, ma. Umalis si Kal for business. Tapos nag-bababad ako sa tub. Why?"
Tumabi muna si mama para makalapit sa akin ang kadadating lamang na doktor na may kasamang nurse na may mga katanungan sa akin na nasagot ko rin naman agad. Chineck na rin ng nurse ang dextrose na nakakabit sa akin. Pagkatapos non ay lumabas sila ng kwarto kasama sila Mama and Papa. Tinitigan ko sila hanggang makalabas sila ng kwarto.
"Ameeliah, are you sure you're okay?" Theo asked. "You don't remember what happened last night?"
I frowned at his question then I started recalling what happened last night.
"Kal left for the business, and then I was getting ready for bed. Then I think I dozed off last night, and then I remember... I received a call..." I stopped.
The memory from last night flooded my brain.
"Where's Kal?! What happen to him?! Is he okay?! Please tell me he's okay! Please Ma, Pa, Felix, theo... Tell me he's okay!" Pag hihisterya ko.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang sunod sunod ang tulo. Biglang nanikip na ang dibdib ko kaya napahawak ako doon. Hindi na ako makahinga.
Inalo ako nila Mama at Felix. "Sweetheart, calm down please." Naiiyak na sambit ni Mama.
"Ma, si Kal. Please ma sabihin mo namang okay siya." Bumaling ako kay Papa.
"Pa hindi ba okay siya? Nagpapahinga lang siya sa kabilang kwarto. Please Pa. Sabihin niyo naman..."Dugtong ko. Humahagulgol nako at walang tigil na pag patak ng luha ko.
"Kal is dead, Ameeliah" Aniya.
Humagulgol nako ng tuluyan, nanlalambot na ang katawan ko. Bumagsak ang katawan ko sa kama habang pilit ako niyayakap ni Mama.

YOU ARE READING
Game of Fate
RomanceWhen you thought life would be like an easy game, would you dare play it? Marcellus Finlay L. Valmorida is the sole heir and son of Valmorida Enterprises. He was used to getting what he wanted, but when Ameeliah Farrah Y. Zyvella arrived, the only...