Chapter 1

8 0 0
                                    

Chapter 1


"Careful, Ameeliah!!" Sigaw sakin ng kababata kong si Gray. Nang muntik na akong malaglagan ng kahoy dahil sa pagtakbo ko sa pinapalaking beach house namin sa Bicol.


He's always been like that. Mas strikto pa siya kila Mama at sa dalawa kong kapatid. Clumsy kasi akong tao na para bang lahat ng hawakan ko e masisira or in worst case scenario mapapahamak pa ako.


"I'm okay, Gray. Calm down okay?" Sagot ko dito habang natatawa.


Naglakad na lang ako papunta sa kanila habang dala ang mga stuffs ko. Paalis na kami sa beach house dahil tapos na ang summer at panibagong taon na naman para sa pasukan. Senior High School na kami ng kambal ko at nina Gray. Nakasanyan na namig magbakasyon ng magkakasama dito sa probinsiya namin sa bicol. Every summer dito ang punta namin para magpahinga sa magulong maynila.


"Ako na lang kasi dapat pinagbitbit mo ng gamit mo." Aniya. "Ayaw mo kasing magiingat." Dugtong pa niya.


"Okay na, Gray. Papapsakay na tayo oh." Natatawa ko pading sagot sa kaniya.


"Sabay sabay na tayong pumunta sa school ha." Sambit ni Stash sabay pasok sa minibus.


"Natanggap niyo na ba yung email na sinend ng school?" Tanong ni Aidee na sumunod na rin kay Stash.


Lahat naman kami ay tumango maliban sa kapatid kong si Theo. Mas matanda kami ng dalawang taon sa kaniya ni Felix. Felix and I are twins. Kaya ang resulta ako lang ang nag-iisang babae sa pamilya namin. Very spoiled and Loved by my family hehe.


May isang linggo pa kami para mag ayos ng requirements na ipapasa sa isang kilala at priadong paaralan. Iisang strand lang naman ang kukunin namin dahil lahat kami kailangan matuto sa pamamalakad ng business ng bawat pamilya namin.


"Bagal niyo." Sambit ng kakagising lamang na si Kai na pinsan namin.


Kanina pa pala siya nasa loob at nakatulog na agad. Bilis talagang gumawa ng tulog ng isang to.


"Wala pa nga ang magaling na si Felix! Nasaan na ba yong Kambal mo, Ameeliah." Pag rereklamo ni Stash "Lagi talagang cause of delay. Tss."


Si Felix na lang ang inaantay namin para makaalis dahil lahat kami ay nandito na.


"Oh narinig ko nanaman ang gwapo kong panagalan at boses mo, Stash" Pag mamayabang ni Felix. "Miss mo na agad ako. Tsk. Malala na yan, Anastasia."


"Feeling mo, Amadeo." Pang aasar ni Stash sabay ngisi.


Biglang napa poker face naman si felix at mukhang natalo nanaman ni Stash. Ayaw na ayaw niya talagang tinatawag siya sa pangalan niyang iyon.


"Feeling talaga ako, Grace." Ganti naman ni felix sabay ngisi den. Ayaw niya rin na tinatawag siya sa ganoon.


Nagtalo pa silang dalawa hanggang makaalis na kami doon at magtuloy na sa biyahe. Nakilala namin sila Stash at Gray noong kami ay nasa kinder pa lamang. Nang makatungtong naman kami ng Elementary doon namin nakilala si Aidee. Simula noon halos hindi na kami naghiwa hiwalay dahil nasa iisang mundo lang ng business ang trabaho ng mga magulang namin.


Kaya hanggang SHS at College kami pa rin ata ang magkakasama. Not that I'm complaining though. Naging mas masaya ang buhay ko nang dahil sa kanila.


Mahaba pa ang byahe kaya matutulog na lang muna ako. Nagising na lang ako nang naramdaman ko ang pag hawak ni Gray sa buhok ko.


"Ameeliah, we're here." Aniya.


Isa-isa na kaming bumaba at nag inat dahil sa hinaba ng byahe namin. Sa bahay kami dumeretso para makapag pahinga at maka kain dahil nagutom kami sa byahe. Nang makababa kami ay sinalubong kami nila Mama at Papa.


"Hello everyone!" Masiglang bati sa amin ni Mama. "How was your trip?" Dagdag pa niya.


"Okay lang, Ma. Gutom." Sagot ko sabay hawak sa tiyan ko na naka sad face.


Niyakap at hinagkan ako nila Mama at Papa. Pagkatapos ay nag beso si Mama at niyakap naman ni Papa silang lahat at pinapasok sa bahay. Sinalubong kami nila manang Elsa para kuhanin ang mga gamiit namin. "Thanks, Manang." Nakangiting salubong ko sakaniya.


"Pagod tita. Pero okay lang. Alam ko namang may luto mong naghihintay sa amin dito e!" Masayang sagot ni Stash.


"Oo nga po, Tita." Pag sang ayon naman ni Aidee.


"Sus. Ang sabihin mo matakaw ka lang, Anastasia." Pag aasar nanaman ni Felix. "Hi, Ma. Pa." Baling ni Felix at halik sa pisngi nila Mama at Papa. Hindi na siya pinansin ni Stash dahil nakatuon na ang atensiyon nito sa pagkain na hinahanda sa mesa nila manang.


"It's okay, Ma. As usual anligalig nila Kuya Felix at Ate Stash" Nakangiting sagot ni theo, sabay halik at yakap din kila Mama at Papa.


"Okay lang ako magpabalik-balik ng byahe, Tita. Basta pagkatapos non may luto mong naghihintay." Pang bobola ni Gray.


"Sus. Isa kapa e. Sabihin mo matakaw ka lang" Pang aasar ko sakaniya.


"Kala mo siya hindi!"


"Asus nambola pa ang mga ito. Sige na magsi kain na kayo diyan. Aalis na kami ng Papa niyo hinintay lang namin kayo maka uwi." Sunod sunod na sabi ni Mama.


"Babalik din kami agad ng Mama niyo. Bago kayo magsimula ng klase nakauwi na kami" Sambit ni Papa.


"Okay, Ma. Pa. Ingat kayo! Take Care!" Sabi ko at humalik at yumakap nadin sa kanila. Ganoon nadin ang ginawa nila Felix at Theo.


"Ingat po kayo, Tita at Tito!" Sunod-sunod na sabi nila Gray.


Usually kasama namin ang mga parents namin magbakasyon doon. Ngunit ngayon hindi namin sila nakasama dahil may mga importante silang inaasikaso sa kaniya kaniyang kompanya. Tutal naman daw ay malalaki na kami pinayagan na nila kami na kami-kami na lang ang magpunta doon kasama ang mga body guards na pinadala nila.


Pagkatapos kumain ay isa-isa ng umuwi sila Stash dahil sinundo na sila ng kaniya kaniyang sasakayan. Umakyat na rin kami sa kaniya kaniyang kwarto at naligo para makapag pahinga na dahil totoo namang nakakpagod ang byahe namin. Pagkatapos maligo ay agad din akong nakatulog. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Game of FateWhere stories live. Discover now