PEOPLE said that good things come for those people who wait but not for me. Waiting is not an option for someone who can starve to death. If I continued waiting before, then I would have been dead by now. That is how my world works.
Sa edad na dalawampu, napakarami kong trabahong napasukan. Ultimo pagiging katulong, tindera, tagabuhat ng uling at pangmamalimos ay nagawa ko na para lang may makain ako sa araw-araw.
Pero hindi man lang ako tumagal sa nga disenteng trabaho. Men harassed me like I am the kind of woman who enjoys their attention which is not true. I despise them.
"Ava, ano ba naman 'yan! Ang sabi ko Marlboro Lights!" Sigaw ni nanay nang makita ang inilapag kong sigarilyo.
"Edi sana ikaw ang bumili." Sagot ko naman rito at akmang aalis nang sabunutan nya ako pabalik.
"At sumasagot ka na! Ang kapal ng mukha mong hayop ka. Ikaw na ang pinapalamon, ikaw pa ang matapang?" Nanggigigil na sabi ni Nanay Rosa sakin.
Ito nanaman kami sa away na hindi matigil-tigil. Sabi ko sa isip.
"Gusto kong mag-aral! Kung sasabihin mong mag-pokpok nalang din ako, ayaw ko!" Depensa ko sa sarili habang pilit na inaalis ang pagkakasabunot nito.
"Ava, hindi ka mabubuhay kung ganiyan ka mag-isip." Tinanggal ni Nanay Rosa ang pagkakasabunot bago bumuntong-huminga. "Ang pagiging pokpok ko ang bumubuhay satin. Kung hindi ka lang iniwan ng tatay mong kano, hindi ka naman mapupunta rito."
"Nay, hindi ko nga po masikmura. Alam 'nyo naman po na ayaw ko sa mga lalaki." Hindi ko maiwasang malungkot sa pagpupumilit pa nito. "Atsaka may scholarship ako. Matapos ko lang tong senior high, puwede na ako sa state university."
"Haynako, Avaniella. Hindi ko alam sayo. Mamamatay ako nang maaga sa kakakumahog para lang mapag-aral ka. Alam mo namang hindi lang ikaw ang binubuhay ko." Namomoblema pang sabi ni Nanay.
"Natural. Iyang asawa mong magaling panay sugal." Pabalang na sagot ko. "Sinabi ko na sayong hiwalayan mo 'yan dahil hihilahin ka lang pababa. Imbes nakaipon na tayo at nakakuha ng lupa sa Rizal."
"Ikaw na kaya ang nanay, Ava?" Natatawang sabi ni Nanay na kinainis ko. Kahit kailan talaga, hindi niya na ako pinakinggan. "Alam mo namang natulungan tayo niyan dati nung bata ka pa. Huwag mo namang kalimutan iyon."
"Ayan, Nay." Sabi ko bago umirap. "Utang na loob nanaman. Kahit hindi mo mahal, may utang na loob kaya nandito pa rin tayo. Hanggang kailan mo ba babayaran 'yan?"
"Hanggang sa umasenso." Nakangiting sabi pa ni Nanay Rosa. "Kaya ikaw, kailangan makahanap ka ng matandang mayaman. Yung madaling mamatay para hindi ka mahirapang makisama."
"Nay, ayaw ko nga pong maging pokpok. Hindi ko naman PO pinapakialamanan ang trabaho ninyo kaya sana hayaan ninyo PO akong mag-aral." Naiinis na patutsada ko bago dumiretso sa kusina sa hindi kalayuan. "Bakit pa ako mag-aaral kung ibebenta ninyo rin pala ako sa mga naglalaway na manyakis?"
"Ava! Grabe ka naman sa manyakis. Kulang lang sila sa lambing." Biro ng ina na ikinaikot ng mata ko.
"Hindi na ako magugulat kung may susugod nanamang asawa ng kung sino at tawagin kang kabit." Paunang sermon ko sa kaniya. "Buong barangay na ang nagsasabing pokpok at malandi ka, 'Nay. Naririndi na ako."
"Balita ko nga inaway mo raw si Princess kasi tinawag akong kabit." Sang-ayon naman nito sa sinabi ko.
"Natural nanay kita. Kahit kasing-tigas nang bato ang ulo mo, wala akong magagawa." Pagod kong sabi bago magsalin ng bigas sa maliit naming kaldero. "'Nay, iwan mo na kasi yang asawa mo. Halos lahat ng pera mo dun na napupunta."
YOU ARE READING
BC # 5: Tainted Sinner
General FictionEveryone calls her names. From gold-digger, whore, worthless, toy and other names that society describes a woman who likes to do what she wants. But does she care? No. Masyado na siyang maraming pinagdaanan at natanggap na masasakit na salita para...