NAKAHINGA ako nang maluwag nang malaman na makakalabas na si Nanay ngayong araw. Nagkaroon daw ito ng tubig sa baga na agad namang tinanggal ng mga doktor. Kailangan lang ni Nanay ng antibiotics para tuluyang maalis ang natitirang tubig sa baga niya.
I don't know what to do about it. Masaya akong aalis na si Nanay pero hindi ko naman alam saan kukuha ng pang-bayad sa ospital at pang-bili niya ng gamot. Kakarampot nalang ang natitira sa ipon ko na para sana sa mga gastusin ko sa school.
"Anak, pasensya ka na. Nabigay ko sa Tito mo yung buwanan kong sahod nung nakaraan." Mahinang sabi ni Nanay pagkalabas ng doktor.
"'Nay naman. Ubos na nga tayong dalawa, mas inuubos mo pa sa asawa mo." Sagot ko habang nakasabunot sa buhok dahil sa sobrang stress. "Sana man lang kahit ako naisip mo bago mo ibigay lahat sa asawa mo, 'Nay. O di kaya sarili mo."
"Hindi ko naman alam na magiging ganito, anak. Pasensya ka na." Sabi ni Nanay. "Alam mo naman ang utang na loob natin sa kaniya, di'ba?"
"Ito nanaman tayo 'e. Lintik na utang na loob 'yan." Nanlulumo kong sabi. "Paano tayo niyan, Nay? Saan ako kukuha ng panggamot mo? Ng pangbayad dito? Nanay naman 'e."
"Ako nalang, anak. Magtratrabaho ako. Mangutang ka nalang muna kay Aling Nena." Hinawakan ni Nanay ang kamay ko sabay malungkot sa ngumiti. "Pasensya ka na sa nanay."
"Hindi ka nga puwede, 'Nay." Bumuntong-hininga ako bago tumayo. "Papasok ako sa club."
"Anak, sigurado ka ba?" Paninigurado ni Nanay na ikinatawa ko. Wala man lang siyang sinabi na huwag.
"Di'ba ito naman ang gusto ninyo ni Tito? 'Nay, hindi naman ako manhid. Hindi ako bingi." Naiiyak kong sabi. "Ayaw ninyo naman talaga akong mag-aral dahil sabi mo, sayang lang. Sana nagtrabaho nalang ako. Kaya pati si Tito malakas ang loob sabihin 'yun sakin dahil ayun din naman ang gusto mo, di'ba?"
"Anak, alam mong mahirap ang buhay. Kung hindi ka magtra-trabaho ngayon, anong kakainin natin?"
"'Nay, ginagapang ko naman ang pag-aaral ko. Bakit ang daya mo?" Umiiyak kong sabi. "Gusto ko lang namang makatapos kasi pagod na pagod na akong makarinig ng kung ano-ano. Na porket anak mo ako, wala na akong future."
"Ava, alam mong hindi ko gustong ganoon ang maging tingin sayo ng tao. Anak kita." Nagsimulang lumamlam at bumaba ang boses ni Nanay.
"Kung anak ang turing mo sa akin, mas mataas ang pangarap na gusto mong maabot ko. Pero hindi, Nay." Unti-unti akong humagulgol kahit na nasa hallway lang kami ng ospital.
"Napaka-drama ninyo." Napatingin ako sa likuran nang makita si Tito na may dalang plastik. "Dinalhan ko ng ulam ang nanay mo. Maghanap ka ng pera para makalabas na siya rito."
"Ang kapal ng mukha mo." Bulong ko. Hindi ko maiwasang magngingit ang ngipin dahil sa buwisit na 'to.
"Puro ka aral. Napagod na ang nanay mo kaka-pokpok para lang tustusan yung walang kwenta mong pag-aaral." Balewala pang sabi ni Tito na pumigtas sa pasensya ko.
"Putangina mo! Ang lakas ng loob mong sabihin yun!" Dali-dali akong tumayo at sinuntok siya sa mukha. Dahilan para magpuntahan ang guards sa amin. "Garapal kang hayop ka! Ikaw pa ang may ganang sisihin ako? 'E puro luho at sa sugal mo napupunta sahod ng nanay ko! Batugan ka!"
"Ava!" Sigaw ni Nanay na ikinatahimik ko. "Huwag kang ganiyan sumagot sa Tito mo!"
"Tangina?" Tanging sabi ko habang nakatingin sa kisame. "Tanginang buhay 'to."
"Lumayas ka! Ang kapal ng mukha mo! Ikaw ang walang modo! Nakikitira nalang kayo sa pamamahay ko, ikaw pa ang may ganang magmatapang!" Sigaw pa ng magaling na asawa ni Nanay habang dinuduro ako.
YOU ARE READING
BC # 5: Tainted Sinner
General FictionEveryone calls her names. From gold-digger, whore, worthless, toy and other names that society describes a woman who likes to do what she wants. But does she care? No. Masyado na siyang maraming pinagdaanan at natanggap na masasakit na salita para...