CHAPTER ONE

160 1 0
                                    


ZACHARY looked up at his grandmother. He was not feeling well. "Are there any cookies left in the kitchen? I'm craving for something sweet."

          Imbes na sumagot ay hinampas siya ng abuela sa braso gamit ang baston nitong yari sa mamahaling uri ng kahoy. Napahawak siya sa braso. Masakit iyon.Napangiwi siya."Nana! Why are you doing this?" he complained.

 Bumangon na siya. Kulang na kulang ang kanyang tulog, paano ay tinapos pa niya ang tatlong meetings nang araw na iyon. He felt drained.

Zachary was the vice president of Franz and Sons Multi-national Company. That was why he was not living a normal life like any other twenty-nine year-old men. He needed a break just at least for the first time in his life. Kaya sinabi niya sa kanyang sekretarya na hindi siya tatanggap ng anumang meeting sa araw na iyon. Gusto muna niyang magpahinga bilang vice president ng kompanya at apo ng CEO na si Donya Sonia Antonia Franz. Gusto muna niyang mamuhay nang normal kahit sandali lang.

          "Ano ba ang tinutukoy mo? Ang paghampas ko sa 'yo o ang inaalok ko sa 'yo?" mataray na tanong-sagot ni Donya Sonia.

          Napabuntong-hininga si Zachary. Alas-sais pa lang ng umaga ay binulabog na siya ng kanyang lola sa pagkakatulog. Walang babalang nagtuloy-tuloy ito sa silid niya gamit ang sariling susi. Kung paano nakakuha ang abuela ng duplicate key ng lahat ng silid sa bahay niya ay hindi niya alam. Lahat ng gusto ng matanda ay nakukuha.But not this time. Hindi nito makukuha ang gusto sa kanya. He was already twenty-nine years old. Hindi siya mapipilit ng abuela na pakasalan ang apo ng kaibigan nitong si Donya Genevive Delgardo na si Clarise Campshirre, isang twenty-four year-old half Australian-half Filipina. Clarise was born and raised in the Philippines kaya naman sa kabila ng banyagang anyo ay matatas kung managalog. Pero wala siyang pakialam.Hindi niya type ang babae.

          "Ano pa ba sa tingin n'yo? Nana, marriage is the last thing on my mind right now. And besides, I am giving my hundred percent in the company. I have no time to date any girl you introduce to me. And I don't like that latest woman you want me to date," he complained again.

          Nanlisik ang mga mata ni Donya Sonia. "You don't like her or you just love doing things that are out of my taste? You like me suffering from headache when you give me something shitty. And you like it when I'm stressed out because of you, Arturo."

          Ito lamang sa buong mundo ang tumatawag sa kanya ng Arturo. Napabuga siya ng hangin. Kahit kailan talaga ay marunong umarte ang lola niya. Puwedeng-puwede itong maging artista kung acting skills din lang ang labanan. Tiyak na magkaka-award pa ang matanda bilang best actress. "Nana, I actually don't like it when you are stressed out about me. Kaya para hindi ka na makunsumi, let me do things on my own. Let me handle my life... I mean, 'yon bang hayaan mo akong piliin kung sino ang gusto ko para sa sarili ko. Hindi 'yong pati love life ko ay—" Napatigil siya nang makitang napahawak ang lola sa dibdib nito. Inaatake ba ito?

          Napatayo siya."Nana! I'm sorry. Kalimutan n'yo na po ang sinabi ko, okay?" Paano na lang kung this time ay hindi na nagpapanggap lang ang kanyang lola?

          "What's happening?"

          Nakahinga nang maluwang si Zachary nang makitang papalapit ang kapatid niyang si Andrei. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ng abuela. "Drei, call Dr. Samaniego. Baka kailanganin na ni Nana ng open heart surgery," seryosong wika niya, sa isip ay natawa sa sinabi.

          Nakakaintinding kunwari ay nag-panic ang kapatid niya."Right away, bro!" Kunwaring nag-dial ito sa cell phone. "Doc, yes, it's Andrei Franz. My lola is in—"

He Found Love With A Capital L (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon