"YES, NANA. Gagawin ko na ang sinabi mo. I'll try it."
"Oh! Thank you so much, hijo."
Napabuntong-hininga si Zachary, saka inihinto na ang sasakyan sa parking area ng isang mamahaling restaurant where his secretary made a reservation two days ago. In-off niya ang cell phone at bumaba na ng sasakyan.
Inukopa niya ang isa sa dalawang silyang nasa dulong mesa na napapalamutian ng bulaklak. The decoration was overexaggerating. Nasisiguro niyang may kinalaman na naman ang abuela roon. Napansin kasi niyang tanging siya lamang ang tao sa restaurant. Nang tanungin niya ang manager tungkol sa bagay na iyon ay nakumpirma niya ang hinala. Ang lola niya talaga!
It did not take five minutes when someone opened the door. It was Clarise. Hindi niya tinatanggi sa sariling maladiyosa ang kagandahan nito. Animo isang supermodel na naglakad papalapit sa kanya. He stood up. He did not show his disbelief when she wrapped her arms around his nape and gave him a kiss on the lips. She tasted like cigarette. To think that it was their first formal date!
"Ah, Clarise... I didn't expect that,"aniya nang makabawi.
She smiled wickedly. "Well, you should expect more from me, baby."
Iyon na yata ang pinakaaayaw ni Zachary na term of endearment sa lahat. Bakit ganoon? Parang nagsisisi na siya kung bakit pa niya pinagbigyan ang abuela. "Please take a seat, Clarise."
"Thank you."
Um-order siya ng makakain. Pero parang siya lang naman ang may gana dahil daig pa ni Clarise ang ibon kung kumain. Iyon pa naman ang isa sa mga ayaw niya sa babae. Iyon bang tinitipid ang sarili para hindi maapektuhan ang figure.
Napatingin ito sa kanya. "I have to take care of my body. I can't take carbs a lot."
Pilit na ngumiti siya. Sabi na nga ba niya. "Do you smoke?"
"Yeah.A lot, actually. Smoking helps me fight stress and all that stuff. Wait, do you?"
"No. I never tried to."
Ngumiti ito nang ubod-tamis at ginagap ang kamay niya. "Do you want me to teach you, baby?"
Lihim na napamura siya. Pasimpleng binawi ang kamay. Turn off na agad siya!
Nang matapos ang date ay abut-abot sa Diyos ang lihim na pasasalamat ni Zachary. Sa wakas ay natapos na rin ang kalbaryo niya.
KAHIT ano ang iwas ni Zachary kay Clarise ay panay ang bisita nito sa bahay nila. Dahil doon ay napagdesisyunan niyang lumipat sa bachelors pad niya nang hindi nalalaman ng kanyang lola. Katabi ng unit na iyon ang kay Andrei. Alam ng abuela ang lahat ng property niya katulad ng bahay niya sa Tagaytay pero ang pad na binili niya ay hindi.
Relax na relax siyang natutulog nang tumunog ang telepono. It was probably the receptionist.
"Hmm?"
"Sir, someone wants to go to your room."
"Who is it?"
"Miss Clarise Campshirre, Sir."
"I told you bitch, I'm his girlfriend!"
BINABASA MO ANG
He Found Love With A Capital L (Soon To Be Published)
RomanceTitle: He Found Love With A Capital L Author: Cynthia G.