#01

6 2 0
                                    

I grunted when I was slammed against the deteriorating wall at the unnoticed area in our campus. The crutch supporting my left leg slipped from my hand and dropped. Isa sa kanila ang sumipa dito palayo. I was hitted in the stomach. Twice. Then another punch on the face. Napaupo ako sa pagkawala ng aking balanse. Ilang beses pa nila akong sinipa. Ginawa kong kalasag ang mga braso't kamay ko. Namanhid ang bawat pasa na ibinigay nila sa akin─ na kahit anong tanggap ko ay halos wala na akong maramdaman. Nasanay na nga ata ako.

"Hanggang bukas," sabi niya, hinahabol ang hininga sa pagod kasusuntok sa akin. Habang ako ay nanghihinang nakabagsak lang sa sahig habang nasa sapatos niya ang tingin. Bahagya siyang umupo upang magkaroon ng mas magandang sipat sa mukha ko.

Tinusok-tusok at kinukutya naman ako ng tatlo pa niyang kasama; sina Jun, Rino at Parj. Dalawang beses niya akong tinapik sa balikat ng malakas, " 'Wag kang mag-alala," aniya. "Sunod naman no'n titigilan na kita. Hm?" Binigyan niya ako ng mapanlinlang na ngiti.

Nanindig ang balahibo ko ng duraan ako ni Jun─ isa sa tatlo pa niyang mga kaibigan─ bago nila ako tuluyang iwan. Nanigas ang panga ko at sa sandaling iyon, doon ko naramdaman ang sakit ng bawat pasa sa mukha at katawan ko. Namimintig ang mga ito na para bang may mga sariling sintido.

Sinubukan kong balansehin ang sarili at itinuon ang kamay sa pader upang makatayo. Ika-ikang pinulot ko ang saklay ko at saka ang bag. Napahigit na lamang ako ng malalim na hininga at saka ito ibinuga sa hangin.

Hanggang bukas. Kaya ko ba? Gagawin ko ba?

Tiningala ko ang langit. Pero totoo kaya na kapag ginawa ko iyon ay titigilan na nila ako?

Duda ako.

Payapa ang kahel na langit. Nakakainggit din pagmasdan ang mga ibon na malayang sumasayaw sa himpapawid. Kailan kaya ako magiging ganoon kapayapa?

Isinakbit ko ang bag ko sa balikat. Ininda ko ang sakit hanggang sa makauwi. Pinili kong maglakad kahit paika-ika sa saklay. Sa totoo lang, hindi naman ako nagmamadaling umuwi. Gusto ko muna ihanda ang sarili sa mga maaaring mangyari sa pag-uwi ko nang puro nanaman pasa at sugat. Dahil malapit na din dumilim, wala nang ibang istudyante sa school. Walang nakapansin o nakakita sa nangyari. Pero kung sakaling meron man, wala din namang magbabago. Takot ang lahat ng mga istudyante kay Yale. Walang magtatangkang ilubog siya. Maliban na lang kung gusto niyang masaktan.

Parang wala ring nakapansin sa pagdating ko sa bahay. Mabuti na iyon kaysa mabugbog naman ako ng mga salita. Wala rin silang pakialam kung late na ako umuwi. Habang busy ang tatay ko sa panonood ng basketball sa TV at ang nanay ko naman sa kusina, diretso lang akong nagtungo sa kuwarto ko. Wala na akong pasabi na umuwi na ako o balak na ipaalam sa kanila ang nangyari sa mag-hapon ko sa eskwela. Hindi rin naman sila interesado pang malaman kung anu-anong kaduwagan at hamak ang ginawa ko.

Lagi namang ganoon ang nangyayari e'. Wala na akong ibang dinala sa pamilya ko kundi kahihiyan. Pabigat lang at walang silbi.

"Para kang puno na walang lilim," tanda kong sabi sa akin ng yumao kong lolo. "Walang silbi."

I sat on my bed, gasping and exhaling out of exhaustion. My eyes were drooping close when I felt the heaviness of my body and head. So I collapsed against the mattress. I stared at the ceiling, making eye contact with nothingness and figuring out some patterns I never noticed before.

Once again, I breathed out. It was heavier. As if I have carried a burdensome when in fact, I only did what we had to do in school; answering worksheets, checking, and listening to the lecturers' disciplines.

The only thing that I found tiresome the most was the beating. Yale and his gang's another consequence kept bothering me.

Inutusan niya ako noong nakaraang araw na gawin ang isang delikadong gawain na maaaring magpatalsik sa akin sa eskwelahan. Puwede rin akong hindi makagraduate kung nagkataon. Lalo na't isang buwan na lang ay gagraduate na ako sa wakas ng junior high school. Hindi ko na kailangang magtiis pa sa pambubully.

Asked NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon