Third Person P.O.V.
Hindi mapigilan ng apat na magkakaibigan ang magtaka sa luhar na kanilang dinaraanan. Mga sira-sirang mga bahay ang sumalubong sa kanila ng marating nila ang isang maliit na village."Hindi ko akalaing may ganitong village na mas mahirap pa sa hell cry village." Agad silang sumang-ayon sa sinabi ni frank. Nasa kalagitnaan sila ng kanilang paglalakad ng sila ay mapahinto sa isang eksenang bumungad sa kanila.
"The heck, bakit ganito ang mga tao dito?." Hindi naman nila alam ang isasagot dahil maging sila ay hindi nila alam kung ano ang sagot sa tanong ni sam.
Nasa kanilang harapan ngayon ang isang taong kumakain ng kapwa nitong tao na para bang gutom na gutom ito.
"Dispell." Agad na nawala sa oanilang harapan zng eksenang kanilang nakita ng bigkasin iyon ni reyvern na ngayon ay seryosong nakatingin sa lugar.
"Shit,illusion lang pala." Gulat na sabi ni ella. Kita nila ang totoong itsura ng village hindi ito tulad ng una nikang kita, ngunit ang amoy ay hindi nawawala dahil natural na ang amoy na ito sa bayan.
"Lets go." Agad silang tumango at sumunod kay reyvern na ngayon ay naglalakad na palapit sa isang maliit na bahay. Hindi naman ito ganoong kaganda, ngunit mapapansin pa din na mas matino pa ito sa ibang mga kabahayanan na naririto.
Ilang beses kumatok si reyvern sa isang pintuang hindi katibayan. Maya-maya lang ay bumungad sa kanikang harapan ang isang babaeng maganda. Mukha itong artista sa mundong kanilang pinagmulan.
Pansin din nila ang pamumutla ng kulay nito.
"Ano ang maitutulong ko sa inyo?." Nakangiting tanong nito. Agad naman silang umayos ng tayo bago muling bumalik ang tingin sa taong nasa kanilang harapan.
"Maaari ba kameng makituloy?." Agad naman na napakunit ang noo ng babae dahil sa tanong ni reyvern.
"Pwede naman, ngunit hindi ito kalakihan kaya pasensya na." Agad niyang binuksan ng buo ang pintuan doon nila nakita ang isang maliit na pwesto, ngunit oansin din ang pagiging malinis ng bahay.
Dahan dahan silang pumasok sa loob nito. Agad silang naupo sa isang maliit na upuan habang ang dalawang lalaki ay na upo sa sahig dahil sa hindi sila kasyang lahat sa isang uouan na iyon.
"Ngayon ko lang nakita ang mga mukha niyo mga bata, saan kayo galing mundo?." Agad naman silang napaseryoso ng marinig ang sinabi nito.
"Huwag kayong mag-alala dahil sanay na ang village namin na sa tuwing magbubukas ang portal rito ay alam na namin na may mga dumadating na galing ibang mundo." Agad naman silang nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi nito.
"Paradise world." Agad naman na ngumiti ito matapos marinig ang ibinigay na sagot ni hazel sa kanya.
"Naalala ko sampung libong taon ng may dumating rin na mga nilalang na galing sa mundo n'yo ang tumuloy sa aming village." Nakuha naman ng interest ng mga bata ang sinabi nito.
"Kung ganoon po nasaan na po sila?." Takang tanong ni reyvern. Agad na nawala ang ngiti sa mga labi nito at napalitan ng malungkot na mukha.
"Pinatay sila ng hari at reyna dahil delikado daw ang mga nilalang na galing sa ibang mundo." Hindi naman makapaniwala ang apat dahil sa narinig nilang sinabi nito.
"Ilang taon din silang nagtago, ngunit gaya ng nakikita n'yo sa aming bayan ganito ang nangyari dahil sa pagtulong namin sa kanila." Sabi nito. Hindi naman mapihilang hindi makaramdam ng mga ito ng galit dahil sa ginawa ng mga hari at reyna na ng mundong ito.
"Bakit n'yo po sila tinulungan?." Ngumiti ito kay frank bago sumagot.
"Dahil alam namin na wala naman silang masamang ginawa para patayin." Nakamgiting sabi nito. "Kahit ilang beses ko pang ulit-ulitin na gawin iyin ay hindi ko pinagsisihan na tinukungan namin sila." Dagdag nito.

YOU ARE READING
Ancient Duchy World [Book 2]
FantasyBook 2 of The chosen hero's: The New World Panibagong munding papasukan ng grupo ni reyvern ay isang Panibagong hamon muli ng tatag at lakas amg kanilang kailanagan gawin. Hindi isang simpleng mundo ito tulad ng mundong kanilang unang pinanggalinga...