Chapter 1

2 0 0
                                    

Celeste Elise's POV

"Cee sunduin daw tayo ni Dylan para sabay-sabay na tayo pumunta ng Lerzine Academy, you know first day of class." Patuloy parin ako sa pagsuklay sa buhok ko habang nakatingin sa reflection ko sa mirror at hindi pinapansin si Alyssa, bestfriend ko.

I don't want that idea, mangungulit lang 'yan si Dylan, kairita. Ilang beses ko na sinabing wala siyang pag-asa. WALA. Susuko rin 'yan, bahala siya sa buhay niya.

Kinuha ko na 'yung bag ko sa kama ng biglang may bumisina.

"I think he's already there." Napatingin si Aly sa pinto.

"Sabay ka na sa kanya. Bye!" Tinalikuran ko na siya at nagmadaling lumabas ng bahay. Rinig ko pa 'yung pagtawag niya sa'kin pero di ako huminto.
Nakita ko pa si Dylan na nakasandal sa pinto ng kotse niya at pinaglalaruan susi ng kotse niya, tsk.

"Ready to go Madam?" Nakangiti niyang sabi ng mapansin niya ako. Inirapan ko lang siya at naglakad na. Wth, I shouldn't be late first day ngayon e. Good thing walking distance lang ang school galing bahay namin ni Alyssa.

"Elise!" Tinitigan ko ng masama si Alyssa. She knows I hate being called by my second name, and I know that she did it to catch my attention, tsk. Great.

"Sumabay na kasi tayo kay Dylan, sayang effort niya oh?" Tinaasan ko ng kilay si Dylan na nakasunod kay Alyssa, pouty lips pa, parang bakla.

"For your information wala akong snabi na sunduin niya tayo. Maglalakad ako papuntang school, wala akong pake kung ilang kilometro nilagpasan niya." Tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"12 months. It's been a year simula nung nakilala kita sa coffee shop. I give all my efforts when it comes to you kahit laging irap natatanggap ko galing sa'yo." Yung ngiti niya at pout kanina napalitan ng lungkot sa mga mata niya. "I just want you to know that I won't give up. No matter how blunt you are, I'll still wait til the day you realize that I'm not like the other guys. I love you, and I won't leave you. Di ako susuko sa'yo gaya ng ginawa sa'yo ni Zach. Sana lang magbago tingin mo sa mga lalaki." Ngumiti siya sakin ng tipid.

"I don't love you, you're aware of that. Masasaktan ka lang, marami pa na babae diyan na may gusto sa'yo, sila nalang. Ayoko masaktan ka ng dahil lang sa pag-ibig na 'yan." Sorry, I need to say those words.

"There's a million of girls, but there's only one girl who can make me smile, and it's you. Celeste, umaasa parin ako na darating 'yung araw na mamahalin mo rin ako."

"Well, goodluck."

"Guys, 20 minutes nalang start na ng klase." Biglang pagi-iba ng topic ni Alyssa na kanina pa papalit-palit ng tingin samin. Nauna na ako maglakad, ramdam ko naman na sumunod na rin sila sa paglalakad ko. Baka babalikan nalang ni Dylan kotse niya mamaya pag uwian.

Minsan, naaawa rin ako kay Dylan kasi sa 1 year na nagkakilala kami, napaka-effortful niya, bibisita sa bahay tuwing weekends para lang magbigay ng flowers na nalalanta rin naman may kasama pa na chocolates or ice cream. Alam kasi niyang mahilig ako sa sweets. Tapos 'pag natripan namin ni Aly na mag-mall pero gabi na, agad siya pupunta isang text lang sa kanya ni Aly para may kasama kaming lalaki. And this, nung nalaman niya na sa Lerzine Academy kami maga-aral nag-test rin siya dun. Buti nga nakapasa kami pare-pareho e, same courses kami. Ewan ko kung yun ba talaga gusto ni Dylan, pero kami ni Aly Fine Arts talaga gusto namin.

Hndi ko na napansin na nasa tapat na pala kami ng campus. Simula kasi ng sagutan namin ni Dylan, wala na nagsalita diretso lang kami sa room.

-

First day of classes always boring. Gutom na ako, natunaw na ata lahatng kinain ko nung breakfast. Diretso kami sa cafeteria, wala na ako nagawa ng sumama si Dylan, what else do I expect? Freshmen kami pare-parehas siyempre wala rin 'yan kakilala dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heal the pain under the rainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon