***
Lincoln PoV*
Gustong gusto kung sapakin ang babaeng yun, like what the hell! Sino ba sya sa akala nya para ganunin ang aking kaibigan. Iyak pa rin ng iyak si ian gusto nitong ayusin ang sirang cellphone nito pero wala nang pag asa talagang maayus yun.
Inalalayan namin sya papunta sa Dean office, nakikiiyak na rin si Zoe at Tyree, kaya pala sabi ni ian hindi pwedeng palitan ang kanyang cellphone dahil nandun pala ang mga record ng boses ng ina nya kaya naman nagpupuyos ang galit ko kay Charlotte.
Nang makarating kami sa office inalalayan ko makaupo si ian saka kami naupo din sa tabi nito, sa may tapat naman namin naupo ang grupo ni Charlotte kasama ang boyfriend nito.
Masama ang tingin na pinukaw namin kay Charlotte na hindi ko alam kung bakit umiiyak ito. "Tama na ian," Sabi ko habang hinahaplos ko ang likod ni ian.
"Pinatawag ko na ang mga parents nyu!" Galit na simula no Dean
"Pati po kami?" Tanong ni Wyatt na pinangdilatan naman sya ni Dean ng mata.
"Yes! . . .all of you! . . .except you Miss Corteza hindi makuntak ang guardians mo?" Sagot ni Dean habang nakatingin kay Ian, sisinghut-singhut naman sumagot si ian yung mata ni ian Maga na sa kaiiyak mapula na rin sya pero maganda pa rin.
"Nag palit na po siguro ang tita ng number!" Anito
"Hindi mo alam ang number nya? Akin na at patatawagan ko?" Ani Dean pa Mahinahun naman ito makipagusap kay Ian kahit na mukhang galit ito.
"Hindi na po ako naka tira sa tita ko" si ian
"Then, . . . Akin na ang number ng guardians mo ngayun?" Singit ni Miss Patty na mukhang nahahabag kay Ian.
Matagal bago sumagot si ian, yumuko ito saka muling tumulo ang mga luha nito kita ko yun dahil magkatabi kami. Agad naman hinaplos-haplos ni Zoe ang likod ng kaibigan namin.
"I-I. . . D-dont have O-one. . . ."mahina pero sapat na para marinig namin.
"What' you mean?" Tanong ni Tyler na nilapitan pa si ian, ngunit bago sumagot si ian nag si datingan na ang mga pinatawag ni Dean. Ang Mommy ni Axel ang dumating para sa amin dalawa, kay Wyatt naman ay yung kuya nya, si Zoe yung kapatid nyang babae wala naman dumating para kala Tyler kasi nga kapatid naman nila si Dean.
Sa grupo naman ni Charlotte mga parents nito ang dumating tulad ng inaasahan walang dumating na guardians si ian. Maya-maya pa nag Salita na si Dean kung bakit nya pinatawag ang mga ito.
"Bago ko kayo tanungin gusto kung ipaalam sa inyu alam ko na ang nangyari! Pero gusto kung sa inyu mismo marinig ang mga nangyari" Seryusong sabi ni Dean.
" Miss Corteza. . .bakit wala ka nga palang contact number ng guardians mo? Kailangan yun paano kung may emergency na nangyari paano namin makukuntak ang guardians mo?" Pagpapatuloy ni Dean.
" I'm sorry Dean, pero wala po talaga akong guardians, first day of school po ng umalis ako sa bahay ng tita ko, naninirahan po ako mag isa," Sagot ni ian na kinalaki ng mata namin.
"What?! Eh paano ka nabubuhay? Saan ka nakatira?" Sabat bigla ni Axel na sinaway agad ito ni tita.
"Sino nag simula nang lahat ng ito?" Seryusong tanong ni Dean.
"A-ko po " Nakayukong amin ni Charlotte mabuti umamin to! Kung hindi naku!.
"Why? . . .what happened?" Tanong pang muli ni Dean, hindi nakasagot si Charlotte bagkus umiiyak lang ito inalalayan naman sya ng Mommy nito.
"Miss Corteza?" Baling ni Dean kay Ian umiling lang naman si ian dito.
"Hindi ko alam kung bakit kayo nag kakaganyan? Sa lahat ng studyante dito hindi ko inaasahang kayo pa ang mauunang gumawa ng ganito!" Galit na sabi ng Dean. "Miss Corteza bakit hanggang ngayun hindi ka pa naka uniform?" Dagdag pa nito.
"Aah, Dean. . .yung uniform ni Miss Corteza ne-report nyang nawawala yung araw din mismo ng pag bigay natin sa kanya" sagot ni Miss, Patty
"Saan mo nilagay Miss Corteza?" Si Dean na nakatingin kay Ian ng mabuti, umangat naman ang ulo ni ian saka tumingin sa grupo ni Charlotte nangunot ang noo ni Charlotte na animo'y wala itong kinalaman sa pinag-uusapan, tumitig si ian kay Aya na naging malikut ang mga mata nito.
"Dahil po kay Stephen lahat ng ito," wika ni ian na nakatitig kay Aya pa rin.
"What you mean?" Mommy ni Stephen na naka taas kilay pa.
"Itanong nyu na lang po sa kanila"tugon naman ni ian dito na hindi inaalis ang tingin kay Aya.
"Miss, yung uniform ko po hindi na po yun mahahanap, nasunog na po yun. .. .Diba Aya?" Sabi pa ni ian na nakatitig na matiim kay Aya.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan! Si Charlotte ang kaaway mo pero bakit ako ang tinuturo mo!" Sigaw ni Aya saka umiiyak kaya naman yung Mommy nito inalo sya at galit na tumingin kay Ian.
"Wag mong idadamay ang kaibigan ko dito?. . .labas din dito mga kaibigan mo sa atin lang dalawa ito!" Galit ng wika ni Charlotte na kinangisi ni ian.
"Sige nga! Ano bang ginawa ko sayo?" Mahina pero may diin na tanong ni ian dito.
"Oo na!. . . Naiinggit ako sayo!. . . . Masyado kang pabibo! Ikaw na ang magaling! Ikaw na lahat! Nag seselos din ako dahil gusto ka ng boyfriend ko!" Umiiyak na sigaw ni Charlotte.
"Babe" Malungkot na usal ni Stephen, kainis sya.
Malugkot na tumitig si ian kay Charlotte at nag wika " Bakit ka maiinggit sa akin? . . .Mayaman ka, samantalang ako kailangan ko pang galingan para mapanatiling nag aaral ako, anytime na gusto mong kumain makakain ka, ako lugaw lang na nabibili sa Kanto ang pag kain ko sa gabi, kailangan ko pang mag panggap na nag da-diet ako sa mga kaibigan ko para di nila ako kaawaan." Umiiyak na wika ni ian.
"Napapansin mo ba? Iilan lang ang damit na papalit-palit kung suot kasi ito lang merun ako, kinuha pa yung uniform ko na provide nitong school kailangan kung bumili ng bago pero wala akong pera pambili, ikaw may malaking bahay, may maayus na tinutulugan ako! Nakatira sa isang walang laman na condo nag titiis matulog sapin ang kakapiranggut na damit! Bakit ka maiinggit sa akin?" Pag papatuloy pa ni ian na hindi namin maiiwasang maluha sa mga sinabi nito.
" yung nag iisang kamag-anak ko pinalayas ako, Ikaw may Daddy ka, may Mommy ka! A-ko wala na kahit isa . . .Yung nag iisang bagay na nag papalakas ng loob ko nawala pa, sinira mo?" Hagulhol ni ian niyakap naman ito ni Jin habang umiiyak din.
"Paano na Charlotte? . . .kailangan ko tong cellphone ko!. . .gusto ko pang marinig boses ng Nanay ko!" Basag ang boses na tanong ni ian kay Charlotte.
"I'm so sorry! I-i didn't know "
" kahit kailan iniwasan kung mag ka problema kahit isa sa mga studyante dito, kasi nga gusto ko makapag tapos, hindi ko alam kung bakit ako ang pinag seselosan mo, bakit dika tumingin sa tabi mo!" Malakas na bigkas ni ian sa huling sinabi nito saka ito tumitig kay Aya.
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
RomanceIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...