Chapter 1 "Candy"

24 2 0
                                    

Zzzzzz... ako to tulug tulugan kasi ayaw ko pa magising sa katotohanan na mataba ako... Hala ayan na si mama paakyat na ng kwarto ko

"Bell, gumising ka na ang school bus
mo darating na", sigaw ng mama ko

"Opo ma patayo na po", sagot ko

Diretso puntang banyo dala dala ang twalya... Pagtapos maligo diretso sa salamin at nagblower, sabay suot ng headband.

Bumaba agad ako ng kusina para magbreakfast nang biglang Beep Beep...

"Mama, baon ko po?" Nagmamadaling tanong ko

"Eto oh" biglang bigay ng pera ni mama

"Thank you ma, mwah" sagot ko

Syempre kahit nagmamadali na ay nakuha ko pang kumuha ng isang hotdog at isubo ng buo... Sabay takbo papasok ng school bus

"Good morning manong" bati ko sa driver

As always nginingitian lang ako..

"Si BeLL BeLL nandito na" sigaw ng kaklase ko

Umpisa na naman ang pang aasar nila.. sanay na ako dyan kaya ang palagi kong ginagawa naglalagay ako ng ear phone pero wala namang lumalabas na kahit na anong tunog, ang ginagawa ko lang ay nagkukunwaring bingi.

Nung dumating na sa school nakita ko agad ang best friend ko si Hannah ang pinakamaganda at pinakamatalinong babae sa buong school.. Nagtataka siguro kayo noh kung paano ko sya naging bestfriend? Kasi ganito yun...

(Flash back)

Mga kinder pa lang kami magkaklase na kami, nung kinder kami unang nagkakilala. Nagkakilala kami dahil sa candy.

Simula pa lang ng kinder ako mataba na ako kaya palagi akong inaasar ng BeLL BeLL

Syempre hindi pa ako sanay sa pang aasar nila kaya medyo nahuhurt pa ako nun.

Isang beses sa sobrang pang aasar sa akin natulak ko yung kaklase ko kaya nabali ang braso ng kaklase ko dahil don napagalitan ako ng teacher ko, so iyak ng iyak ako sa cr, doon habang umiiyak ako lumapit sa akin si Hannah ang bestfriend ko inabutan nya ako ng candy at sabi nya "Wag ka ng umiyak, wag ka magpaapekto sa sinasabi nila, wag mong pansinin yun dapat ang iniisip mo na hindi ka mataba malusog ka lang" ayun tumigil ako ng pag iyak, kinabukasan nun hindi na ako inaaway ng nangaasar sa akin kasi natakot na sya sa akin...

(End 0f Flashback)

"Best, mwah mwah" tawag ko sa kanya

" Namamayat ka na ah" sagot ni Hannah

"Talaga best namamayat na ako? Kasing payat na ba kita?" Tanong ko

"Oo best, sa totoo lang mas mapayat ka pa sa akin" biro nya

"Ewan ko sayo Hannah, tara na nga malate pa tayo" yaya ko

Pumasok agad kami ni Hannah sa room namin, buti na lang wala pa si sir nung dumating kami.

Secret Love Of My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon