"Jonie, this is Tito Greg, he will be with us from now on." masayang sabi ng nanay niya sa kanya.
Tinitigan lang niya ito and then she walked out. Why would she respect him? Eh yung pagkamatay pa lang ng tatay niya hindi na nila nirespeto e.
Wala pang isang taong namamatay ang daddy niya, nag asawa na agad ang mommy niya. Sino ba naman ang hindi maiinis dun.
Gusto na nga lang niyang isipin na ginamit lang ng mommy niya ang kanyang daddy para sa pera nito. Kahit ganoon naman, mahal pa rin niya ang kanyang mommy since sya lang ang kaisa isa nitong anak.
She was a graduate of interior design. Kung pag aayos at pag ddisenyo sa bahay ang pag uusapan, may maipagmamalaki naman siya.
Yun lang, pagluluto lang ng lucky me ang alam niya. Hind siya marunong magluto, pagpprito pa lang ng itlog palpak na, iba pa kayang dish?
Sa ngayon, she manages her own businesses. She has a flower shop and a coffee shop. Sa mga kliyente nya na nais magpa renovate, mag ayos ng bahay, may maliit syang opisina doon mismo sa kanilang bahay. May kotse siya at may town house sa baguio.
Sa madaling salita isa siyang boss. Paminsan minsan lang siya dumalaw sa mga shops niya, nandun naman kasi ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang tao, si Bernard, her colleague and bestfriend.
Pagkatapos ng graduation, nagtayo kaagad sila ng negosyo, si Jonie ang sa finance and si bernard sa management. Pa minsan minsan lumalabas sila, para mag usap, minsan about business, minsan about lovelife, etc. Wala pa ring girlfriend si Bernard at hindi niya alam kung bakit. Gwapo naman ito., mayaman, medyo seryoso nga lang at tahimik.
One month nang nasa bahay nila si Greg, and Sobra siyang naiinis dahil asal my ari siya ng bahay. Narinig niyang sinigawan ang kasambahay nila for 30 years. Kinompronta nga niya.
"manang, nanghihingi ako ng kape na may gatas, kape lang binigay mo sakin. May pagka bingi ka rin no!" pasigaw niyang sabi kay Manang Linda.
Narinig iyon ni Jonie pagkapasok pa lang niya ng bahay galing grocerie.
"manang, may dala po akong grocerie para sa family niyo, uwi po muna kayo sa probinsya, para makapag pahinga.
kunin niyo na lang po muna sa kotse yung mga pinamili ko" mahinahong utos niya dito.
Pag alis nito, ibinaling niya ang tingin sa bagong asawa ng nanay niya. Sabay sabi..
"you dont have the right to shout at my yaya, hindi ka hari dito. Hindi mo rin pinapakain ang mga kasambahay namin dito, kung gusto mong magkape, pumunta ka sa kusina kumuha ka, hindo puro ka utos, daig mo pa kmi ni mommy e. May i remind you, palamunin ka lang namin ni mommy dito. Kaya, umayos ka." matapang niyang sabi dito.
Mas bata si Greg sa mommy niya, if she is not mistaken, nagkakilala lang sila sa isang bar ng mga panahong buhay pa ang daddy niya, yes, ang mommy niya ang unang nagloko. Kaya ganun na lang ang awa niya sa daddy niya, she promised to herself na hindi tutularan ang ginagawa na kanyang ina.
Katatapos lang ng sermon niya kay Greg ng biglang dumating ang mommy niya,
"Jonielyn, bakit mo ba laging inaaway si Greg!!! If ur always like this, you better leave. Tutal, napagtapos ka na namin ng daddy mo ng pag aaral, and nakuha mo na naman ang mana mo. Iwan mo na lang kmi ng tito greg mo dito." buong loob n Sabi sa knya ng kanyang mommy.
Nagulat siya sa sinabi ng sariling ina. Tama ba ang narinig niya, pinapalayas na siya sa sariling niyang bahay? Puwes, she has to say something.
"Mommy, excuse me. Si daddy lang ang nagpatapos sakin, wala kang ginastos sakin for your information. Dad gave everything for you tapos lolokohin mo lang siya, uunahin mo pa yang lalaki mo kaysa sa sarili mong anak??? Hahahaha.. Very good mom!!!! Thank you at maaga pa lang pinalayas mo na ko. Kaya ko ang sarili ko, ewan ko lang sayo, di nko magtataka kung wala ka nang pera next year or so. But if that happens, please let me know. For now, i 'll leave baka nahahanginan lang yang utak mo." she kissed her mom and she proceeded to her room.
Nag impake na siya, hindi niya mapigilang maiyak. For 25 years, naka tira sya sa bahay nila, ni overnight sa mga kaklase di niya naranasan dahil di siya makatulog sa ibang bahay at namimiss niya ang kanyang kwarto. From now on, hindi na niya makikita ang kwarto niya at ang npaka ganda nilang bahay. Hindi na niya makakakulitan ang mga kasama nila sa bahay. Wala ng magluluto para sa kanya.
Bago siya umalis, ngpaalam siya sa mga kasambahay nila. She told them to take care of her mom and wag nilang sundin palagi si Greg. Nagpaalam siya sa kanyang yaya at binigyan ito ng pera para sa bakasyon nito.
"manang, mamimiss ko po kayo. Ganito po talaga, hindi kmi magkasundo e. By the way, tanggapin niyo po ito." iniabot niya ang maliit na sobre.
Tinanggap naman ito ng kanyang yaya, sabay sabi...
"anak, mag iingat ka sa pupunthan mo. Maraming salamat sa mga naitulong mo sa akin. Mag asawa ka na para may mag aalaga sayo." bilin nito sa kanya.
"wala pa ho sa isip ko yan. Kunsuming kunsumi na nga ako sa buhay ko ngayon e, di lang po halata." sagot niya.
Naka tingin sa knya ang iba pa nilang kasambahay.
"sus.. O walang inggitan, meron din kayo. Pambili niyo ng mga damit." iniabot niya ang natitirang sobre sa bag niya. Tuwang tutwa siguro mga kasambahay nila kasi may buenas na naman galing sa kanya. Pero alam niyang nalulungkot ang mga ito, kasi hindi na sila magkikita pa.
Sumakay na siya sa kanyang kotse at for the last time tiningnan niya ang kanilang bahay.Ibinaba niya ang bintana ng kotse para makita ang bahay na pinaka mamahal niya, nakita niya ang ina sa terrace at nakatingin sa kanya. She waved her hand as she leave. Sabay patak ng luha sa kanyang pisngi.
"bye mom. Bye dad. From now on, mag isa na lang ako."
BINABASA MO ANG
The DOOR (Nagsimula sa isang katok) On Going
Teen FictionMeet Jonie, ang babaeng pinaglihi sa kunsume, kung hindi lang sana nag asawa ulit ang kanyang mommy, hindi sana sya magrerenta ng bahay at hindi rin sana niya makikilala ang napaka sa pinaka nakakaasar na lalaki sa mundong ibabaw. Magkakasundo pa k...