"Ms. Escaño, follow me in the office. I have to tell you something important," saad ni Prof. Valdez bago tuluyang lumabas ng klase.
Awtomatikong napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hala. May nagawa ba kong masama? May project ba akong di naipasa? Wala naman ah. Palagi lang naman akong late pero matataas pa rin naman yung quizzes and recitations ko.
"Uy Dale, tutulala ka na lang ba jan? Halika na. Puntahan mo na si Prof.," napukaw ang atensyon ko sa sinabi ni Kasey, matalik kong kaibigan.
"Kaze, may nagawa ba ko? Sobra na ba yung pagiging late ko?" Tanong ko sa kaniya habang patuloy na nag-iisip kung ano yung posibleng dahilan kung bakit ako pinatawag ni Prof.
"Hindi kasi ginagawang bisyo ang pagiging late Dale. Haha. Di bale hindi naman nagagalit si Prof. sa mga late. Puntahan mo na ng malaman mo. Mauuna na ko sa cafeteria," bat ang saklap magkaroon ng totoong kabigan? Napakasupporting.
"Hindi mo ko sasamahan?" Tanong ko sa kaniya kahit na alam kong hindi na to magpapapigil pa sa pagpunta sa cafeteria.
"Dale, alam mo namang ito lang yung time na nakikita ko si Andrew My Loves! Oh, paano mauuna na ko. Sa cafeteria sa HRM Department ha! Dalian mo," yun lang at tumalikod na siya. Grabe, ang sakit magkaron ng totoong kaibigan. Ipagpalit daw ba ako sa crush niya.
Wala na kong inaksayang panahon, agad na rin akong nagtungo sa office ni Prof. Valdez. Kumatok ako at pumasok.
"Good afternoon po, Prof." Bati ko sa kaniya habang papalapit sa table niya.
"Take a seat, Ms. Escaño. You seem nervous," hutek. Halata ba? Eh kasi naman wala naman akong maisip na dahilan kung bakit ako ipinatawag dito.
"Hindi naman po. Medyo malamig lang po dito sa office niyo kaya mejo naninigas po ako," palusot.com, lumusot sana.
"Ganun ba? Anyway gaya nga ng sabi ko kanina may mahalaga akong sasabihin sayo, medyo confidential kaya hangga't maaari, sa ating dalawa lang yung pag-uusapan natin," omaygad. Ano ito? Bagsak ba ko? Dahil ba palagi akong late? Pero confidential, bagsak kaya si Kasey at sasabihin ni Prof. na itutor ko siya? Kawawang kasey.
"O-okay po," ano kaya yun?
"Ano kasi, hmm alam mo ba yung story na A Day In Our Life sa wattpad?" Megaaad. Eto lang pala. Pakaba masyado to si Prof. Manghihingi siguro to ng soft copies.
"Oo naman Prof! #1 sa wattpad yung ngayon. Sinusubaybayan ko talaga," buong pagmamalaki kong sabi. Sino ba naman kasi ang hindi nakakaalam ng story na yun? Duh. Hindi pa tapos pero nababalita ng gagawing movie. Ang galing kasi ng author. Grabe. Ang galing ng plot and twists. Sino kaya yung author? Sana makilala ko siya.
"A-ako kasi yung author nun," wow. Ang galing naman ni Prof. Siya yung au- whaaaaaaat? Siya ang author?
"Po?" Hindi ko naiwasang tumitig kay Prof. Base sa postura at itsura niya at sa pananalita niya, hindi siya makakaisip ng mga kabaliwang nasa story na yun. Hindi ako makapaniwala.
"Hontou ni? Ikaw po si GrumpyJ? Wow. Hindi ko akalain na matinong tao yung author nun (ay shocks, mali) I mean, sobrang kwela po ng story at the same time, yung kilig," grabe. Hindi ko talaga maimagine na si Prof si GrumpyJ. Nagtatago lang pala sa katauhan ni Prof. si GrumpyJ! Ang swerte ko naman!
"Ayos lang. Maski naman ako hindi ko alam kung san ko nahuhugot yung mga sinusulat ko. Basta na lang nahuhulog sa isip ko," *u* kaharap ko ngayon ang pinakasikat na author. Akalain mo yun, siya lang pala si GrumpyJ.
"Ang galing mo po talaga!" Syeeet! Wala akong dalang notebook at ballpen. Pagkakataon ko nang magpa-autograph.
"Anyway, let's get to the point. Aware ka naman siguro na people are demanding for my characters' social media account. I want you to be the operator of Karen Luisa Zapanta's account, gusto mo ba?" OMG! *u* Kahit hindi ko alam kung ano yung operator na yan, go lang ako basta para sa story. Syeeet buti na lang full name ko lang ang ginamit kong username. Madali akong nahanap ni Prof. May silbi rin ang pagiging old school.
"Oo naman po! Pero Prof. pwedeng paki-explain yung operator thing?" Wala na dapat akong aksayahing oras at kailangan kong kapalan ang mukha ko. This is it pansit.
"Just like what I said, my characters will be having their own account and the persons behind their accounts are called operators. In short, operators are the handlers of the Fictional Character accounts," okay. So ibig sabihin nito, ako ang gaganap bilang Luisa? OMG. Anong ginawa kong kabutihan nitong mga nakaraang araw? *u*
"Naiindihan ko na po. Payag na payag po akong maging operator ni Luisa!" Hindi ko maitago ang saya. Biruin mo yun? Parang kailan lang pinapangarap ko na sana ako na lang si Luisa tapos ngayon eto na, may pagkakataon na.
"Good to hear. I saw your comments. Ikaw na yata ang #1 fan ng story ko But that's not the reason why I chose you to handle Luisa, I believe that you can maintain your grades while doing this kaya naman ikaw ang first choice ko," hindi lang po ako ng #1 fan, ako po ang #0 fan nang story niyo. Megaaad. I'm so overwhelmed.
"Thank you po Prof. Masayang masaya po talaga ako," once in a lifetime lang to! Magiging part ako ng pinakasikat na story.
"Welcome. And thank you also for supporting my story. Oo nga pala, this will be a part of your final requirement in your Psychology subject. Before graduation, you have to submit a reflection paper about your experience being an operator. You also have to analyze the behaviour of the different persons that you'll gonna encounter. Make a statistics about the readers. Ikaw na ang bahala. And lastly enumerate the advantages and dis-advantages of wattpad stories to the lives of people and even to you," Wow, ang henyo talaga ni Prof. Wala talaga siyang sinasayang na mga topics. Sabagay sa panahon nga naman ngayon, malaki na ang nagiging impact ng mga stories na nababasa sa wattpad. Lalo na walang age limit ang pwedeng magbasa. Mabuti nang mamulat ang lahat.
"I will do my best Prof. Makakaasa kayong gagawin ko ang lahat," mygaaad. Naeexcite ako! *u*
"Mukha namang wala ka pang maiitanong sa ngayon, so you can go na. Have your lunch. Just PM me at my dummy account. Will give you the details on Saturday, at yung usapan natin ha. Sa atin lang to," ang lakas niya talaga makiramdam. Masyado pa kong masaya sa mga nangyayari sakin para makapag-isip ng tama.
"Thank you po Prof. Makakaasa po kayo" Lumabas ako ng office niya ng hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Parang kanina lang, isa lang akong readee tapos ngayon, isa na ako sa mga gaganap sa mga characters ni GrumpyJ
Simula ngayon, ako si Hana Dale Escaño, ang operator ni Karen Luisa Zapanta.
BINABASA MO ANG
[On-Going] Move Along
ChickLitThe line between the role play world and the real life.