Chapter 03: First Post

470 65 57
                                    

15 minutes later.

Watdafaj. 984 friend requests and 3 notifications. Ganun ba ko katagal nawala at halos isang libo na ang friend request? Napatingin ako sa orasan, 15 minutes lang ang lumipas, ganto na agad kadami. And still counting. Shemay. Paano ba to? Wala bang confirm all? Hayaan ko na nga muna.

Notifications

Carlos Miguel and 890 commented on your post.

Ana Lira and 400 mentioned you in a comment.

Stephanie Ann and 1307 like your post.

Wow. In just a few minutes ganto na agad karami yung likes and comments. Hindi ko lubos maisip na ganto pala kalaki yung gagampanan ko.

*Reading comment*

•Lui, why?

•Inaway ka na naman ba ni Johan?

•Tampo?

•Be happy Lui!

•Wag kang mag-alala naglalambing lang sayo yun.

•TeamLuHan!

•Sakin ka na lang Lui!

•Lambingan moment na naman. #TeamLuHan

Patay. Anong idadahilan ko sa kanila? Kelangan ko ba sagutin yung mga tanong nila? Kelangan ko ba magpaliwanag? Whaaaah. Ano ba to. Bat ba naman kasi nagpost pa ko. T_T

Lesson One: Wag padadala sa emosyon.

Haaaay. Paano ba to? Deadma na lang? Di naman suplada si Luisa. Huhubels. Patay ako kay Prof neto. Kung sagutin ko na lang kaya sila? Tama tama, ganun na lang. Parami ng parami yung comments. Huhubels talaga. Ano bang idadahilan ko? Isip Hana, isip.

Johan Paolo Duran posted on your wall.

Aba! Makikigulo pa tong lalaki na to. Hirap na hirap na ko mag-isip. Ano baaa? Mabasa na nga lang muna.

Johan Paolo Duran post: Sorry na. Please don't be upset because of me.

Wow. May modo din naman pala tong lalaki na to. Marunong din makiramdam.

Pop up Message: Johan Paolo Duran

Johan Paolo: Ano? Tutulala ka na lang ba jan? Baka gusto mo ng sumagot sa post ko?

Karen Luisa: (so hindi sincere ang paghingi niya ng sorry?) Maghintay ka.

Johan Paolo: Hoy, ikaw na nga tong tinutulungan sa problemang pinasok mo.

Karen Luisa: Hiningi ko ba tulong mo?

Johan Paolo: Hoy, sa harap nila in love ako sayo kaya pwede ba makicooperate ka at wag mo kong bigyan ng sakit ng ulo.

Karen Luisa: Wow! Nagsalita ang hindi sakit sa ulo.

Johan Paolo: Wala ka bang ibang alam gawin, kundi gumawa ng problema? Alam mo ba yung ginagawa mo? Uso ang salitang back out. Kung di mo kaya, quit then.

Karen Luisa: (ako pa ang sinabihan na mag-quit? Eh siya nga tong nag-umpisa ng ikaiinis ko) seen

Lesson Two: Don't take everything seriously.

Naghahanap siya ng magaling, then bibigyan ko siya ng magandang performance. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaki na yun. Bakit hindi siya ang mag-quit? Duh. Ilang oras pa lang kaming FC, makaasta akala mo ang tagal tagal na. Uso ang salitang quit? Uso din ang salitang adjust. Tao ba siya? Kung hindi, pwes ako tao na kailangan mag-adjust.

Tsinek ko ulit yung post niya and what the heck, daan daang comments na naman yung nandun. Saying how sweet he is. Kung alam lang nila na sa likod ng mga salitang yun eh nagtatago ang evil spirit. Some people mentioned me, patawarin ko na daw. Err, correction nga pala, some people mentioned Luisa, patawarin na daw niya si Johan. Kung reader lang ako, paniguradong kanina pa ko kinilig. Pero kabaligtaran ang nangyayari, akala ko masaya to o siguro nga masaya talaga sadyang kalabaw lang yung kapartner ko.

I comment in behalf of Luisa "Next time, don't do it Moks." Kala niya siya lang marunong umarte? Now, let's see kung sino ang mauunang umayaw.

"I will. So pwede ko na ulit hingin yung ngiti mo?" Buladas! Plastik! Anak ng tinapa. Isang malaking bolero! Naiimagine ko na kung anong klaseng tao yung OP ni Johan, isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang magpacute.


"Hay, ano pa bang magagawa ko Moks? :) Pasalamat ka hindi kita kayang tiisin eh," ano ka ngayon? Sweet pala gusto mo ha? Hmp! Kelangan naming maging sweet. At hindi ako magpapatalo sa gunggong na yun. Kelangan namin mapaniwala yung mga tao na in love sila Luisa at Johan sa isa't-isa, eh pano namin magagawa yun kung inis yung nararamdaman namin para sa isa't-isa nung co-op ko. Mukha na ba kaming sweet sa paningin nila?

Hays! Mukhang kailangan kong kumuha ng teknik kung pano magbitaw ng feelings yung mga artista. At kung paano ko maiisantabi yung inis na nararamdaman ko sa kapareha ko. San ba napulot ni Prof to? Hindi kaya isa yun sa mga pasaway na student ni Prof at ang tanging paraan na lang para pumasa siya eh ang mag-operate? Base sa salita niya, mukha siyang hindi nakikinig sa klase at hindi pumapasok. Aist. Bat ba yung hinayupak na yun na yung iniisip ko? Makapag concentrate na nga lang sa pag-ooperate kay Luisa.


"Moks, mahal mo ko?" Naknang! Bigla bigla naman kung magcomment to! Jusko kung normal na tao lang ako, kanina pa ko naglupasay sa kilig kagaya ng mga fans na sumusubaybay sa sagutan namin ngayon. Libo-libong tao ang nakatutok samin sa mga oras na to, at kailangan ko silang maentertain. In fairness magaling yung co-op ko, in character siya. Kelangan ko siyang sabayan. Hindi ako magpapatalo sa kutong lupa na yun.


"Oo naman Moks! Lam mo namang lab na lab kita," ganto si Luisa sa twing magpapahaging si Johan ng feelings niya. So dapat patay malisya ako este si Luisa. Hays. Para akong nagkaron ng dual personality. Nak nang tinapa. Kelangan ko ng workshop!


"Moks, matulog ka na :) Gisingin na lang kita bukas. Lam mo namang ayaw kitang napupuyat," ayun! Buti naman he ended the convo dahil kanina ko pa gustong magbasa ng mga comments na hindi ko magawa dahil kailangan kong mag-isip ng matinding isasagot sa kaniya.


Pop up Message: Johan Paolo Duran

Johan Paolo: Hoy

Karen Luisa: Oh?

Johan Paolo: Ayusin mo yung account mo. Yung nga info, update mo.

Karen Luisa: Cge

Johan Paolo: Gawin mo na ngayon.

Karen Luisa: (makautos siya ha) Maya maya pwede? May bukas pa. -_- Lagi kang atat.

Johan Paolo: Bahala ka nga. Bwisit.

Karen Luisa: Bwisit ka din!

Johan Paolo: seen


Grabe! Daig pa may PMS kung magsungit. Pinaglihi siguro sa problema yung taong yun. Akala mo kung sino. Pag siya nakilala ko sa personal, sasapakin ko siya. Hmp

First Post, we made people believe that Lui and Johan is in love with each other though hindi sila magkaaminan. So far so good. :) Based kasi sa mga nabasa kong comment, satisfied naman yung mga fans sa takbo ng convo namin. At mas nakarelate sila sa story. Some other says that nawala yung stressed nila dahil naentertain sila ng husto. Sana magtuloy tuloy.

Nagbrowse pa ko ng other 30 minutes then napagpasiyahan ko na rin matulog. Pagod na yung utak ko sa mga ginawa ko. Madami pa naman akong oras bukas para bigyan ng time yung account ni Luisa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[On-Going] Move AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon