May2015.
HOROSCOPE (One shot)
By: Raven_Skyler
HAPPY READING! :)~*~
Dahil break time namin ngayon, nagkayayaan kasi ang mga kaibigan ko na pumunta dito sa library, hindi para magbasa kundi para tumambay. Trip kasi nila dito kasi daw malamig dahil aircon at pinili naming umupo sa pinakasulok para hindi kami mapansin nung masungit naming librarian na kamukha ni Miss minchin.
Sa pwesto namin puro kwentuhan lang ginagawa namin, pigil ang tawanan ng isa't isa, sa kabilang pwesto naman yung mga studyanteng akala mo'y nagbabasa pero tulog pala.
May nalalaman pang patakip-takip nang libro ang mga ugok!Sa isang pwesto naman, mga babaeng todo pigil sa hagikgikan, kinikilig-kilig pa sa mga pinagkukwentuhan nila. Okay lang sana kung ako ang pinag-uusapan nila, eh putspa! puro ang mga pinuputak lang naman ng mga bunganga nila ay mga kwento dun sa wattpad na binabasa nila, tss.
Hayst! Mga babae talaga ang bababaw ng kaligayahan. . .
"Pre, sandali lang ihi muna ako," paalam ko sa kanila, kanina pa kasi ako naiihi.tumango naman sila at tinahak ang daan papuntang cr.
Nang makaraos na ako ay naghugas muna ako ng kamay at pumunta agad ako ng cafeteria kasi nakaramdam na ako ng gutom. kaya bumili ako ng isang pepsi at ang paborito kong piattos yung barbecue flavor.
Kahit mga gwapong tulad ko ay nakakaramdam din ng gutom!Naghanap kaagad ako ng mauupuan at sakto sa isang banda may isang bakante pa at sa katapat nun nakaupo si Mang Juan na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng softdrinks.
Hep! Hep! hindi po siya chichirya ah!
Isa siyang kilalang janitor dito sa school dahil likas na mabait tsaka palakaibigan kaya kasundo niya lahat ng studyante dito.
Sikat at hearthrob yan. Kaya wag niyo siyang minamaliit.
Balita ko crush nga yan ng mga teachers naming mga senior citizen. Panigurado kabilang at nangunguna diyan sa listahan si miss minchin. Eh kasi naman, minsan ko ng nakita at napapansin ang mga nakaw na sandaling nakatitig ito kay mang juan at bahagyang namumula pa ito kapag dumadaan sa kanyang harapan.
Tss.
Dahil sing liwanag ng kalbo niyang ulo ang bombilya, pwede na siyang maging real life saitama ng one-punch man, ang paborito kong palabas na anime. At dahil na rin sa sikat si Daniel Padilla dito sa'min, kaya binansagan siya bilang si Daniel Bombilya ng school namin. Hearthrob daw kasi, Sa katunayan, mahilig siyang mag ayos ng mga pundidong mga ilaw sa school."Pwede po bang makiupo?" Tumango naman siya kaya umupo na ako.
Ilang minuto ang lumipas, nakailang-ikot na rin ang orasan ay wala pa ring nagsasalita sa'min.Nang hindi ko na talaga kaya ang katahimikang taglay niya ay nagsalita na ako, "Ano po 'yang binabasa niyo?" Pag-uusisa ko. Gusto ko lang may mapag-usapan kami kahit paano, masyado kasing tahimik eh. Hindi ako sanay at para akong mabibingi sa sobrang katahimikan niya.
Napaangat ang tingin niya sa'kin, "Dyaryo malamang." prangkang sagot niya.
"Ahh.. hehe alam ko naman pong dyaryo po yan pero ang ibig ko pong sabihin ay tungkol saan po ang binabasa nyo ho?" napakamot nalang tuloy ako sa batok ko.
Tumawa siya mahina, "Ayusin mo kasi ang pagtatanong hijo at nang magkalinawan tayo."
"hehe sige po."
"Ah yung binabasa ko ba?" uminom muna siya ng coke bago magsalita ulit "Horoscope."
Hindi ko ineexpect na yun ang isasagot niya. Ang inaasahan ko kasi na sasabihin niya ay nagbabasa siya ng balita gaya ng kadalasang ginagawa ng mga matatandang katulad niya, pero horoscope?
Never sumagi sa gwapong utak ko yun.
BINABASA MO ANG
Horoscope (One Shot)
ComédieHoroscope? Isang bagay na hindi mo alam kung totoo ba o hindi, kung paninniwalaan mo ba ng buong-buo o tatawanan mo na lang. Pero nang dahil sa horoscope ay natagpuan ko ang tamang babaeng itinadhana para sakin... All Rights Reserved. 2015