LN: 001

24 2 0
                                    

"Mahal na yata kita,"

"Hmm. Ako dati pa,"

Akmang hahalikan na ako ng crush ko ehh bigla akong nagising.

"Hoy! Hoy gising alas syete na ano ka ba may pasok ka po hoy Myka,' Grabe naman tong si Mommy Pinky abalahin banaman ako sa panaginip ko hayyys sana totoo na yun kasi naman sa talaan ng nilalaman ng mga taong nagka-boyfriend na ehh wala ako. NBSB banaman ahhh...

"Oo na maliligo na po," sagot ko.

Binilisan ko ang paliligo pero I maintain proper hygiene parin alam mo na kailangang kaaya-aya ako, blooming dapat.

Maganda naman ako, sa tingin ko pero FYI lahing Koreana at Filipina. Mga dugong may makukulay na budhi ang nanalantay sa akin. Katamtaman ang tangkad, matangos na ilong, matang may kasingkitan, maputi at makinis na balat. Pero ewan ko naiinis na talaga ako kung bakit ba ganito nalang kasaklap ang buhay ko ayy ewan.

Pababa na ako ng hagdan nang nakita ko agad ang aking masayang pamilya

Simula kasi ng lumipat kami dito sa Manila mula Seoul ehh parang nawala na ang swerte ko sa buhay. Ayun mahirap na kami kakainis nga ala empress panaman ako dun. Utos dito, utos doon, pakamot dito, papulot nuon lahat na naiutos ko sa mga katulong namin sa Seoul pati nga boyfriend pinahanap ko pero hindi ko alam takot na takot banaman sila sakin, masungit siguro ako haha.

Eto I'm just a simple girl named Mykaela Park, Myka for short, (mika ang pronunciation) with a family na hindi naman ganoon kasimple. Well masaya na ako NBSB man may pamilya naman akong nagmamahal sakin. Si Daddy Boom, astig ng pangalan no, isa siyang NBI agent well atapang atao yata ang lahi ko. Si mommy Pinky sus isang housewife lang pero mabait yan kahit na kung iisipin eh parang strict.

May kapatid nga pala ako si Paul Wu, ewan ko ba parang ansaya lang na may second name, "Wu!!!", parang sa party lang, "Wu", ambaliw ko no pero sana ako rin meron.

Todo ngiti ako ng pa-upo na sana ako ng upuan ng biglang.

"Boooogsshhh,"

"WHAT THE!!!"

Inalis banaman ni Paul yung upuan ansakit tuloy ng alam na this kakainis talaga!!!

Sasampalin ko na siya nang biglang.

"Sige ka, papalayasin kita," seryosong sabi ni Daddy Boom. Akala mo strict siya pero masmakulit pa yan kay Paul kakainis grabe banaman makapanakot si Dad oh.

Kaysa sampalin ko eh kunwari yayakapin ko.

"Ako sasapalin si Paul. Tssss. Mahal na mahal ko yan no," pero yung mata ko ehh parang mamatay tao na kakainis talaga maging ate Grrrr.

Kakain na nga lang ako. Ansarap ng ulam kasi ehh Bacon at Fried Egg, hindi na uso hotdog no haha.

Napatingin ako sa pamilya ko at napangiti ako, answerte ko pala talaga pero ewan ko ba sa mga ito kanina pa tawa ng tawa.

Nang matapos na kami kumain at magliligpit na kami ni Mommy ng hugasin,

"Anak bat ka naka-uniform,"

"Malamang papasok,"

"Oh sige pumasok ka bahala ka,"

"Anong klaseng magulang ka mommy grrr.... anong araw ba ngayon,"

grabe naman kasi si Mommy bahala raw wag na ngang pumasok, joke.

What the F*ck bakasyon pala ngayon.

"MMMMMOOOOOMMMYYYYY PPPPPPIIIIINNNKKKKKYYYYY!!!!"

Sobrang lakas ng sigaw ko noon na parang dumagundong yung bahay hanggang sa kanto at may echo pa. Diba sa echo yung huli ang nauulit kayo na bahala dyan. :D

Naiinis na talaga ako ng sobra pero nagulat ako ng may kumanta sa likuran ko and biglang may sumabog.

Si Daddy BOOM!!! at Paul lang naman na kinakantahan ako ng Happy Birthday with Party Poppers pa.

"Happy Birthday Myka (Clap clap clap) Happy birthday Myka (Clap Clap Clap) Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday Ganda," ayy ganun masmasaya ulit-ulitin yung nasa huli haha. Wag kang bitter kapagka nakita mo ako baka mapanganga ka, just saying peace :).

Ansaya tignan ng pamilya ko na kumakanta parang video na nasa slow-motion, alam mo yun parang things are slowly falling apart, hugot na to.

With Candles around, ahh napaiyak na lamang ako and it is my 17th birthday pala. Simple man lang tong surprise na to this doesn't mean na hindi ko na-appreciate.

"Wuyyy Myka wag kanang umiyak," pinupunasan na pala ni mommy yung luha ko na hindi ko man lamang alam kung paano tumulo.

"Salamat mommy...Daddy and Paul"na naiiyak narin ewan ko kung sakin ohh sa kanina pa nilang pagtawa.

"Lets go to your Lolo Myka," sabi ni Daddy.

"Huh!Lolo dito sa Pilipinas," gulat na sabi ko kahit nangawa pa.

"his name isRizal Park,"

"Daddy Boom naman ehh," ngayon tumigil na yung iyak ko sa corny na joke ni Daddy..

"I'm not joking child tatay ko siya and nakalibing siya sa Heritage Park, its time na para makilala nyo siya,"

WAIT. So hindi joke yun, Oh my G. Wait oo nga pala hindi ko kilala ang Grandparents ko dahil ayaw pa raw nila pumayag na magsama si Daddy and Mommy way back 20 years ago.

..............

"Manong Heritage Park po," sabi ni Daddy sa taxi driver.

Ansarap lang talagang pakinggan ng Park, ganda talaga ng apelyido ko balita ko nga pinsan ko raw si Dara. Grabe ang popular naman pala talaga ng Family namin.

..............

Nakauwi na kami mula sa libingan ni Lolo, finally nakilala na namin ni Paul siya. Pero actually, tawa nga lang ng tawa sila doon eh, pero ako tahimik nalang.

Nagpaalam ako kay Mommy na lalabas muna ako para pumunta sa 7 Eleven. Ngunit habang nasa daan ako ay may biglang nahulog mula sa langit.

..............

The Love Note

by: TwiceTheBeat

M (Love Note)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon