LN 002

14 2 0
                                    

Napagod ako sa pagpunta namin sa libingan ni lolo siguro bibili muna ako.

Mula sa hagdan nakita ko si mommy na nanonood ng teleserye sa TV. Antanda na pero kilig na kilig.

"Mom alis muna ako,"sabi ko pero hindi niya ata narinig.

Bahala ka nga haha...

Nasa may harap na ako ng pintuan nang biglang...

"Lalayas ka na Myka, buti naman,"sarkastikong sabi ni Mommy Pinky.

"Bye mom,"OA nitong si mommy, makapaglakad na nga.

Mga 3 streets pa bago ako makarating sa 7 Eleven, ano kaya ang mabili, Chips kaya, Oh kaya Siomai, siguro noodles nalang, hmmm,

"Aha!" napalakas ko yung salita ko kaya nagsitinginan yung mga tao nako baka mabighani sila haha. Kunwari wala nalang nangyari kaya tumingin ako sa other side. Kakahiya tuloy.

Nasa kalagitnaan na ako ng may nakita akong isang lalaki na nakaporma tapos may dalawang babae na kasama. Yung isa nakasandal tapos yung isa nakayakap, ang laswa talaga tignan, kay bata-bata pa ala two wives na ang ginagawa.

Maya-maya, hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa mga haliparot na to tapos sinungitan ba raw ako. Aba! Inirapan ko nga ang mga akala mo ay kayganda.

Hayaan niyo isang araw yang mga lalaking yan eh mapapasailalim ko rin at mababaliw sila sakin yung tipong pagsisilbihan nila ako na ala-prinsesa.

"Hahahahahahaha,"

Ayan agaw pansin na naman ako siguro akala nila baliw na ako, baka nga, o kaya siguro, ayys ewan.

...................

Papasok na sana ako ng 7 Eleven ng biglang,

"tulong!!!!!!!" parang pamilyar sakin yung boses na yun.

Hay naku kung hindi lang ako mabait eh hindi ko hahanapin yung sumisigaw na malanding yun ayy ewan pero may kahinaan ang boses niya baka nasa malayo.

Nasaan na kaya yun. Kasabay ng paghahanap ko ay ang patuloy na sigaw ng babae.

Napunta ako sa isang sulok o parang dulo ng daan. Madilim at maliit lamang ang sulok na iyon. Sa kaliwa ay ang dagat at sa harap naman ay isang lalaking may hawak na baril. Nakatutok ang baril sa isang babaeng nakatali sa parang bakod. Yung parang screen na inilalagay sa mga 'No Trespassing Areas'.

"Pakawalan mo ako" sabi ng babaeng nakatali.

"Isasama kita sa impyerno, hahahaha," sabi ng lalaking balot na balot, nakakatakot yung boses niya.

"Kung gusto mong magpakamatay huwag mo akong isama sa kabaliwan mo tanda, mamatay ka mag-isa,"

Narinig ko ang mga salitang yun habang nasa likod ako ng pader, siguro oras na para ipakita ang tunay na Myka. Isa kaya akong martial artist player sa school namin. Tignan natin kung anong mangyayari sayo tanda.

"Wahhhhhhh,"

Boom tumba si tanda, galing ko talaga.

Agad-agad kong tinulungan yung babae na nakatakip ang mukha, pagtanggal ko ng tali ayy,

"G-Gab"

"M-Myka"

Niyakap ko kaagad si Gab na bestfriend ko. Yung family nya kasama naming pumunta sa Pilipinas. She is half Koreana and Filipina rin. Halos lahat ng favorites niya eh gusto ko rin kaya super close talaga kami.

She is Gaebriel Chua nga pala, I pronounce it Gab for short.

"Buti nalang dumating ka Myka kundi wala ng papantay sa ganda mo,"

"GAGA!! Ito na nga ang nangyari yan pa yung iniisip mo hay naku tara na nga pero may point ka Gab"

Tawa kami ng tawa pero hindi namin napansin na nawala na yung lalaki

"Nasaan na yun Myka"

"Baka natakot, tara na nga"

Buti nalang talaga at sinundan ko yung sigaw ng babae kundi wala na itong baliw kong bestfriend.

Pumunta kami ng 7 Eleven at nakapagdesisyon na ako ng gusto kong pagkain, Ice cream. Doon lang napunta yung pagiisip ko kanina. After halos isang oras ay nagpaalam na kami ni Gab sa isat-isa medyo malayo pa yung bahay niya.

Hobby talaga namin yung pagpunta sa 7 Eleven kaso this time nasa trouble siya. Na-hipnotize raw siya ng kidnapper, baliw na raw yun.

Nasa may gitna na ako kung saan madilim nang makita ko yung lalaki kanina na nasa harap ko.

"Gusto mo pa huh" matapang na sabi ko pero bigla siyang natumba, hindi ko alam pero wala namang dugo.

After ko siyang titigan eh tumawag ako sa hospital para kunin yung lalaki na patay na. Tapos umalis narin ako nang biglang may nahulog na parang notebook sa harap ko ilang steps away bago ako umalis sa lugar na natumba yung lalaki.

Parang malapad siya na notebook na color red with yarn pero may kanipisan. Nagtaka ako kung paano nahulog yun kahit wala namang buliding sa malapit. The only thing I know ehh galing yun sa langit.

Hindi ko nalang pinansin ang notebook at naglakad ako papauwi. Nang makarating ako sa bahay ehh tulog na ang lahat so tumaas na ako ng hagdan.

Medyo hindi pa ako inaantok kaya pumunta ako sa study table at umupo. Binuksan ko yung drawer para magbasa ng nagulat ako nang makita ang notebook na nakita ko kanina.

Hindi ako puwedeng magkamali ito yung nakita ko kanina. Binuksan ko yung notebook at ang lalong ikinagulat ko ay ang mga nakasulat dito.

A Personal Property of: Mykaela Park.

Lahat ng info ko ay nakasulat at walang mali na ikinakaba ko. And ang masnakakatakot ay parang ako ang nagsulat kahit na hindi ko naman ginawa.

Isinawalang bahala ko yun and turn to next page.

"The Love Note"

Yun yung nakasulat doon na ikina-curious ko.

..................................

Next Page

............................

Rules

Number One: Sinuman ang isulat mo sa sulatang ito ay mai-inlove sa iyo kaya swerte at nasa iyo ito.

Number Two: Maaari silang ma-inlove sayo depende sa gusto mo, kaya enjoy Ms. NBSB :D.

.......................

The Love Note

by:TwiceTheBeat


M (Love Note)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon