1

8 0 0
                                    

June 29, 2022
10:53pm

Kanina lang natapos ang Graduation Ceremony ni Ej at masaya ako kase nakapagtapos na sya ng Elementarya. Wala na man akong ibang hiling kung hindi ang magandang kinabukasan niya. Marahil dahil na rin sa sobrang kahirapan kaya ko iyon gusto para sa kanya. Hindi ko rin mabigay ang buhay na dapat meron sya kase isa lang naman akong hamak na inang may sakit at kumakayod upang may pangbili ng gamot.

Ako nga pala si Eimel, 29 years old at na diagnosed ako nong 2018 na may Lupus or SLE. Ito ay isang sakit na mismo ang mga active cells ko ay kumakalaban sa ibang cells ng aking mismong katawan. Autoimmune Disease for short. Na kung may pagkakataon inaatake nito sa mga organs sa katawan. Kung pababayaan ay maging malala at maaaring matuluyan.

Kahit papano, na survived ako sa kapahamakan dahil malamang buhay pa ako sa ngayon, 2022 na. Pero mukhang hindi ito magiging madali sa akin.

-----

"Mi, bukas sasama ako gig."

"Saan?"

"Hindi ko pa alam."

"Pano yun? Sasama ka pero hindi mo alam?"

"Ay, basta ichachat ko si John bukas."

Eto na naman, sure ako mag-aaway na man kame neto. Pero ok na man sa akin, hindi ko alam bakit biglang nagbago ang desisyon ko. Marahil alam ko at tanggap ko na, na hindi ko talaga sya mapipigilan.

Ok na man sa akin basta magbalik kame sa dati, yung dati hindi kame nagtatalo, yung dati sweet pa sya sa akin. Hindi ko alam bakit ko ba to sinasabi sa aking sarili kahit alam ko na, na ayaw na nya. Alam ko nagpepretend na lamang sya dahil yun ang sinabi ko sa kanya. Hanggang end of July pero pinaextend niya hanggang sa maging end of contract ko sa trabaho ko dito sa barangay nila.

Nagtatrabaho ako bilang isang STL Teller. May sarili akong booth na nilagay sa lupa ng Auntie nya na Ninang na nya rin. Ngunit ako ang pinatrabaho doon. Kase Female Teller ang hinahanap ng Companya. Halos 4 na taon na rin ako nakatambay sa bahay dahil bago pa nagpandemic ay nawalan na ako ng trabaho at nagtrigger ang sakit ko. Kaya hindi ako nakapagtrabaho.

Wala akong ibang iniisip sa mga panahong yon dahil sobra akong nahihirapan sa sarili ko. Kahit ganon pa man pinipilit kong bumangon at gawin ang mga bagay na kaya ko. Lagi rin akong umiiyak dahil sa palagay ko hindi ko yun makakaya. Hindi ako makapag-upo ng maayos dahil sa naging swell up talaga ang buo kong katawan.

-----

"Hindi ba sinabi ko na sayo kung pupunta ka hwag mo na ipa alam pa sa akin?"

"O cge, hindi ko sinabi."

"Tarantado ka pala eh."

"Inaantok na ako."

"Edi, matulog kana."

"Humarap kana sa kanan kase hahawakan ko yung dede mo para makatulog na ako."

"Hay nako."

Gaga talaga ako, pero alam ko gusto ko rin. Alam ko na gusto ko rin ang ginagawa nya dahil kahit papano nagiging masaya ako.

"Da," sabi ko habang nakatalikod akong nakahiga sa foam.

"Umm." sagot nya na kung baga ending na agad kahit hindi pa naman ako nakapagbitaw ng isang salita.

"Mahal mo pa ba ako?" such a nonsense question, kase alam ko na man kung ano ang isasagot nya.

"Ayan na naman, paulit ulit na lang tayo eh, nagsasawa na talaga ako." Tinanggal nya ang kamay nya mula sa paghawak ng nipple ko. Hindi kase siya makatulong kapag hindi mahawakan ang nipple ko unless kung galit ako or galit sya.

"Tinatanong ko lang naman." Humarap ako sa kanya pero umiba ang posisyon nya. Tinakpan niya ang kaliwang braso sa mata at alam ko na ayaw na niyang pag-usapan pa. "Pumapayag naman ako sa gusto mo, hindi ba? Ok na man tayo ganito."

"Ayoko na. Hindi na ako masaya."

"Eh, si Lynn na ba ang nagpapasaya or si Liane?"

Ang dalawang babaeng ito ay naging kagrupo nila sa banda. Vocalist, at siya naman ay Guitarist. Hindi ko talaga alam na may karelasyon na siya sa loob nag 2 months. At nalaman ko na si Lynn kaya kinausap ko ang babae pero nagdeny sya, hindi niya inamin sa akin na may gusto sya kay Jay ang asawa ko. Kaya hindi ako masyado nag alala dahil sinabi nya sa akin na yung asawa ko daw ang nag poporma sa kanya. Sa mga oras na yung walang iba na dapat sisihin kundi si Jay.

Hindi nagtagal mejo naiinis na rin ako dahil sa mga balita na dumadating sa akin kahit ayawam ko naman malaman. Kahit na anong ayaw ko, malalaman at malalaman ko parin talaga. So ayun nalaman ko rin na eto pala si Lynn ay pumapayag na maghatid sundo sa kanya ang asawa ko. So means pumayag syang manligaw sa kanya. Mejo napakagaling din ng aking pagiisip at nagawa kong ikonek lahat2x kaya naiirita ako sa babaeng yon.

Sinabi ko kay Jay na nais kong mag usap tayong tatlo para maliwanagan. Kinabukasan pag time out ko sinundo ako ni Jay para pumunta kina Boss Ross ang manager nila sa banda dahil timing na rin may practice sila. Humarap kameng tatlo at may kasama rin isa na nasama na rin sa problema na min si Jing. Dati kase dahil hindi ko pa talaga alam ang buong kwento ni Lynn at Jay, si Jing ang pinagdududahan ko. Beside kase si Lynn alam ko laging pumupunta si Jay sa bahay ni Boss Ross para doon magML at alam ko nandoon din si Jing.

Nong una kase kahit alam kona na lagi siyang pumupunta doon ay pinapabayaan ko lang. Hanggang sa isang araw nagpaalam si Jay na magpunta sya sa town dahil gusto nyang bumili ng sapatos nong kinita nya sa mga gig nila. Pumayag ako ay sabi ko sa kanya kung may extra sya bilhin nya ako ng gamot dahil paubos na yung iniinom ko.

-----

"Wala sa kanila."

"Eh, wala naman pala. Bat hindi mo masagot tanong ko?"

"Hindi ba sinabi ko na sayo? Hindi na ako masaya."

"Ano ba ang magpapasaya sayo?"

Hindi sya sumagot dahil alam nya na alam ko masasaktan ako. Bakit may pakealam ba pa sya? Akala ko wala na. Sa mga oras na to alam ko gusto nya lang ang tumugtog sa banda at makasama ang mga kaibigan nya. Na intindihan ko naman yon.

"Hindi na kita pakekealaman pa. Hindi ako aalis dito. Kasal tayo."

"Bakit mo pa pipilitin kahi alam ko na hihirapan kana din? Hwag kanang aasa na magbago pa ako! Hindi ba nag-usap na tayo?"

-----
June 30, 2022
12:00am

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ok, Fine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon