Gusto kong umiyak sa'yo ma, pero paano? Kung ang lagi mong sinasabi na kaya ko naman ito. Alam kong kaya ko, gusto ko lang magpahinga sa yakap mo. Kung bumubwelo pa lang ako ng sabi, nakikita ko ng namomoroblema ka sa pera, dadagdag pa ba ko? Kung lagi mong sinasabi na tinotopak na naman ako?
Gusto kong umiyak sa'yo Pa pero nagsisimula pa lang akong magsabi sayo, binubulyawan mo na ako. Kung lagi mong sinasabi na masama ang ugali ko. Na wala akong pakinabang.
Gusto kong magsabi sa mga kapatid ko, pero paano? Kung hindi naman nila ako naiintindihan. Kung ang tingin nila sa akin ay napakatatag. Kung ako lang din ang kinakapitan nila. Kung ang isa sa mga pinagkukunan nila ng lakas, ay unti unti ng nanghihina.
Paano ako maglalakas ng loob na magsabi ng mga problema at hinaing ko sa buhay kung sa tuwing lilingon ako sa paligid ko, walang handang makinig at pakinggan ako. Kung sa tuwing lilingon ako sa paligid ko, puro mapanghusgang mga mata ang nakikita ko. Na hindi pa man nila ako natatanong pero nakabuo na sila ng mga kwentong malayo sa katotohanan. Gustuhin ko man na tumakbo sa magulang ko, pero maging sila, parang nakakapagod ng lapitan. Dati sila ang pahinga ko, ngayon sila na ang dahilan ng kapaguran ko. Dati sila ang kalakasan ko, ngayon isa na sila sa mga dahilan kung bakit ako nanghihina at nalulungkot ngayon.
Hindi ko namamalayan na sa bawat nakakaranas ako ng kalungkutan at wala akong matakbuhan, ako lang din pala ang kakampi ko. Ako lang din pala ang magpapatahan sa sarili ko. Ako lang din pala ang magcocomfort sa sarili ko.
AKO LANG DIN PALA ANG MAYROON AKO.
YOU ARE READING
Words inside my head
RandomIt is all about the author's suffering, silent battles and many more. I don't want to trigger anybody. I am just here to share what's inside my head. and maybe you can relate too.