Control 7: Weird Feelings [REVISED]

6.6K 250 156
                                    


TAEHYUNG~



Nasa loob ako ng classroom namin habang nakaub-ob yung mukha ko sa desk. Eh sa antok na antok pa ako . !


Hating gabi na kasi kami nakauwi ni Jungkook galing sa province nila. Sana pala hindi na lang ako sumama pa. Ang layo pala talaga dun.


" Hey Vee, mukhang antok na antok ka yata ? " Sabay tapik ni Jhope sa balikad ko. " Saan ka naman nagsusuot kagabi at nagkaganyan ka ? Tinakasan mo naman bantay mo no ? Grabe ka talaga ! " Jhope.



" Tumahimik ka ngang kabayo ka ! Suntok gusto mo ? " Inis na sabi ko sa kanya.


" Hayaan muna yan Jhope ! Tara na sa next subject " Sabi ni Suga sa kanya.

Di ko naman sila pinansin at pumikit ulit. Mag absent na lang kaya ako sa next subject ? Ay hindi pwede kaklase ko yung jungkook na yun panigurado bubulyawan na naman ako nun pag di ako pumasok.


Kainis lang hindi naman kasi ako bata para magkaroon ng isang baby sitter or whatever ! Malaki na ako kaya ko naman sarili ko, Pero si daddy mukhang wala yatang tiwala sa kakayahan ko. Aba sarili niyang anak di niya pinagkakatiwalaan. How come ?


" HOY KIM TAEHYUNG ! TATAYO KABA DYAN O TATAYO KA ? "  



Napatayo naman ako bigla sa gulat.


" J-jungkook ! " Sabi ko.


Ang sama niya makatingin, parang kakainin ako sa galit.


" Wala kabang balak pumasok sa next subject natin ? May ipapasa pa tayong project dun. Tsaka di kapa tumulong sa paggawa nun ang kapal talaga ng mukha mo no ? " Jungkook.


I sighed at tsaka naglakad palabas at papunta sa next subject namin habang yung isa kung mata ay nakapikit pa. Nauna palang maglakad sa akin si Jungkook tapos bigla siyang humarap sa akin at tsaka may nilahad kung ano man yung ay hindi ko alam.


" Ano naman yan ? " Antok na tanong ko.


" Kunin mo, Energy booster yan. Para mawala yang antok mo "  


Tinanggap ko naman eto tsaka ininum. Nagsimula naman siyang naglakad paakyat papuntang 4th floor dahil nandun yung room namin for physics subject.


Napangiti naman ako sa likoran niya. Umiling ako why I'am like this ? Simula nung nakabalik kami dito sa seoul galing dun sa province nila nag.iba na yung tingin ko sa kanya.


More like, parang gusto ko siya na laging nasa tabi ko, at gusto ko nasa akin lang yung atensyon niya.

I slapped myself ! This cant be. Nababaliw na yata ako. Nakita ko siyang mabilis na umakyat, napakacareless talaga ng ilong na to.


Control V [VKOOK FF]Where stories live. Discover now