Control 17: Car Racing + Hickeys [REVISED]

6K 181 198
                                    


JUNGKOOK~



Kanina pa ako dito nakatayo sa parking lot. Hinahintay ko si Vee. Sabi niya kasi hintayin ko siya dito since hindi pa natapos yung huling subject niya. Hindi kasi kami magkakalse sa panghuling subject niya, kaya ganun.


Naalala ko naman yung sinabi ni Jimin sa akin kanina. Luh -_- ! Baliw yata yun sabihan ba naman akong hiwalayan si Vee tapos sa kanya na lang ako. Ano ako tanga ? Pandak talaga.



Hindi naman sa nagmamayabang ako. Pero iba pala talaga ang feeling na may dalawang lalaking nagkakagusto sayo.


Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko, kahit wala ako nun ! Tsk ! >,<


" Jungkook right ? "  



Napatalon naman ako bigla ng may nagsalita sa likod. Baka nuno, nakakatakot pa naman.


" Ayy kalabaw ! "  



"Okay na sana kung sinabi mong kabayo, keysa kalabaw eh ! " Reklamo niya. Sino naman 'to ? Tbh mukha siyang kabayo. May dala dala pa siyang matulis na bagay. Yung chin niya ang tulis kasi !


" Sino ka naman? Kailangan mo sa akin ? " Tanong ko sa kanya. Nakacross arm naman siya " Manglilimus sana ako ! Pang jolibee nagugutom ako eh ! " Soysyal !


" Wala akong pera ! Hindi pa siniswelduhan ng amo ko " Sabi ko sa kaya, saka tinalikoran siya.


" 'to naman di mabiro ! " Sabi niya.



Malay ko bang nagbibiro siya. Di naman kasi nakakatawa.

" Sino ka ng kasi ? " Sabi ko.


Tumawa naman siya.


ABNORMAL ! >,<


" Ako yung libag ! " Sabi niya sabay tawa ulit ! Masasapak ko na to promise ! Arghhh


" Libag ?"  



" Oo libag ni Jaehee hahaha kilala mo ? " Siya.



Jaehee ?

Ah~ yung abno na EX girlfriend ng boyfriend ko !


" Umayos ka ! Baka libagin kita ! Letshe sino ka nga. Baka mamaya holdaper ka ! Wala akong pera kaya lumayas kana " Sabi ko.



Tumawa ulit siya !

Gaguhan mga beh ! Sarap ibalibag ng gagu na to. Tinatawanan niya lang ako.

Control V [VKOOK FF]Where stories live. Discover now