Prologue

70 1 0
                                    

I'm scared.

I have to face my fears and move on with my life despite my fear of everything.

Siguro kung ang babae sa isang istorya ay magiging madali itong nangyayari sa akin para sa kaniya. Kaya niyang resolbahin lahat sa isang pitik lang. Magiging kaniya lang ang spotlight at lahat ay tutulong sa kaniya. Kapag bida, matik iyan hahaba ang buhay niyan. Magiging deserving siya sa mundong ginagalawan niya.

Sana isa na lang ako sa mga babae sa kwento.

"Tabi, kalansay."

Tinapunan ko ng masamang tingin ang babaeng bumunggo sa akin. Ang kapal niya para sabihin iyon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kasama ang kaniyang dalawang kaibigan na pinagtatawanan ako.

Akala mo magaganda. Kapit makeup at filter lang naman.

Napairap ako sa kawalan.

Kalma, Jhercy. Hindi sila worth it.

"Ayoko. Hindi ko type," sabi ko sa kaibigan kong kumukuha ng sarili niyang litrato. Inayos niya ang kaniyang bagong gupit na bangs na medyo nasagad sa pagkakagupit. Pilit niyang binababa iyon at iritang-irita na.

Nandito kami ngayon sa benches ng school at nagpapalipas ng oras. Sa tapat ng garden na kami madalas tumatambay at pamilyar na pamilyar na ang mga estudyante sa amin kaya walang nangangahas na umagaw ng pwesto namin.

"Kaya hindi ka nilalapitan ng ibang boys, e! Choosy ka masiyado, grasya na ang lumalapit sa 'yo." Hinampas ako ni Francy sa braso. Hindi ako lumaban pabalik, hinimas ko lang ang parte ng kaniyang hinampas at tumingin sa malayo.

"Disgrasya kamo," I said.

"Nakakatakot 'yan, e. Nakatakas sa zoo!" Humalakhak si Natanael.

Ngumiwi ako. "Hindi nakakatawa."

"Sino ba nagsabing matawa ka?"

Inilingin ko na lang sila. Totoo iyong sinabi ni Francy na hindi ako nilalapitan ng mga lalaki. Siguro alam na nilang study first ako, hindi ready, at higit sa lahat ay hindi ko sila tipo. Wala lang. Sa dami-dami ng mga lumalapit, iba-ibang tao, wala akong type sa kanila. Nakakatakot nga lang din sumugal.

Napatingin ako sa gawi ng garden at nakitang puno iyon ng iba-t ibang bulaklak. May nakikita akong mga taong nagpi-picture doon para i-MyDay o anumang gawin nila. I don't care. They're nothing.

Pumapak ako ng chips na kinakain nila ngayon. Pinanood ko ang dalawa kong kaibigan na nagtutulungan. Hina-hard launch ni Francy itong si Natanael sa online at si Francy iyong tipo ng babae na sumasabay sa trend at oo, sige, aaminin ko na, papansin din siya sa socials.

"Ayusin mo naman 'yong pagkaka-picture! Baka mamaya ay mamukhaan ako!" ani Natanael at napikon na. Umayaw siya sa gusto ni Francy.

"Ito naman! Ang KJ!" Sumimangot si Francy sabay abot kay Natanael. "Libre kita sa comshop mamaya!" alok niya na talaga namang hindi na natanggihan ng isang adik sa computer. Meet Natanael.

Natigil ako sa pagtawa sa kanila nang mapatingala ako sa isang lalaking matangkad at makisig na tumayo sa gilid ko. Kumpara kay Natanael, halos mabali ang leeg ko sa sobrang tingala para lang pagtamain ang tingin namin.

Suot niya ang kumpletong uniporme ng school namin. Sa manggas ng kaniyang coat sa bandang braso ay may nakapaikot na tela roon na nagsasabi ng posisyon niya sa student council. Sakto lang ang kapal ng kaniyang kilay sa malambing niyang mga mata. Iyong manipis niyang labi na natural ang pagka-pinkish.

"Oh, Pres! Nandito ka pala!"

Ako ang unang pumutol sa pagtitigan namin. Bumaling ako sa mga kaibigan.

Something That Feels Safe (Almost #1) | EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon