KABANATA FOUR

32 2 1
                                    

As I get down the car, the cold breezy air in La Estrella immediately made contact with my skin. The familiarity of this place struck me. Parang walang pinagbago ang mansion namin. The only difference are the men who constantly go in, and out of it. Nabanggit ni Kuya sa akin weeks bago kami lumuwas na pinaparenovate ang bahay.

Kuya went back here 4 days earlier than me. Mas nauna siya sa akin dahil kinailangan siya ni Daddy. Not a big deal for me, honestly. Baka 'pag nagkasabay kami, puro bangayan lang. So call me lucky, I guess.
         
We're fine after the chubby bunny thingy, but not for long. Nasundan pa rin yung away namin. Pati sa netflix account ay 'di kami nagpaawat. Gusto niya pa kasi akong agawan. Puwede naman siyang gumawa ng sarili niya, ah. He has the money for it.

He reasoned out na one movie lang naman ang panonoorin niya, which was 'The Notebook'. It was an old cliché film that portrays a super toxic relationship.

It is still a mystery for me kung bakit niya naisipang panoorin 'yon. Basta sinabi ko na lang na may cd kami no'n sa attic, and he stopped pestering me.

But to be completely honest, wala kaming cd no'n. Hindi ko alam kung hinanap niya talaga. Pambawi ko na lang 'yon sa mga pamimwisit niya.

Too-many-to-count points for kuya, and 1 point for me. 1 point is still a point! Maghintay lang siya.           

The other fights were too petty to even mention.
           
Kinuha ko na ang baggage ko sa trunk but the driver smoothly snatched it away from my hand,

"Ako na po, ma'am. Baka po matisod ulit kayo," he began pointing at my 3 inched sandals.
           
My face went pale as I recalled a memory from earlier.

Pababa na ako sa hagdan nang marinig ang ringtone ko. I fished my phone from my pocket to check the caller ID. It was Kuya. I clicked the answer button.
           
"What?" bungad ko.
           
"Nasaan ka na?" Kuya's voice from the line.
           
"Nasa bahay pa, sandali." Ang atat naman nito.
           
"Bilisan mo. Someone's looking for you," my eyes widened. Who could it be? Is it...?
           

As I was processing those questions in my head, my sandals slipped on the last block of the stairs, and I ended up dropping my phone! Bakit ko ba kasi naisipang magtakong e hindi naman ako sanay. Tumama ang upper part ng paa ko sa metal railing ng hagdan, which made me groan in pain.

Malas pang natapakan ko si manong driver gamit ang takong ko. Napataas ang tingin ko kay manong at kita ko ang namumuong pawis sa noo niya. Deretso lang ang tingin pero nakatiim ang bagang nito na para bang ilang segundo na lang ay mamimilipit na siya sa sakit. Agad akong napatayo ng maayos at namula sa kahihiyan.

Paulit ulit akong humingi ng pasensya kay manong pero ang sabi niya ay ayos lang daw siya. Yumi, stop being so careless! 'Yan tuloy napapahamak mga tao sa paligid mo. I mentally scolded myself.
           
"Hey, what happened?"
           
Narinig ko ang boses ni Kuya. Hindi pala namatay ang phone. I grabbed it and started thanking the heavens when I didn't notice any crack on its screen.
           
"Nadulas ako," I said it with honesty.
           
Naramdaman kong tumahimik ang linya. Nilayo ko 'to sa tainga ko para tignan kung pinatayan niya na ba ako but the call was still on-going.

Nang muli ko 'tong idnikit sa tainga ko ay narinig ko ang mahina niyang bungisngis. Like he was trying to stifle his laughter.

Unti-unting lumakas 'yon hanggang sa puro halakhak niya na lang ang naririnig ko. Ang walang hiyang 'to! Pinatayan ko nga siya.

Escaping Yesterday's ShadowsWhere stories live. Discover now