***
Charlotte PoV *
Hindi ko alam kung bakit parang pinag iinitan ni ian si Aya!, Hindi ko maiwasang kabahan ng hindi ko rin alam kung bakit, Tumingin ako kay Aya na masama ang tingin kay ian.
" like what I said . . . Ako ang may kasalan dito Kaya nga nanghihingi ako sayo ng pasensya" Mahinahun ko ng sabi.
"Yeah! . . .kasalanan mo talaga at kahit na anong sorry mo hindi muna mababalik ang nawala sa akin" sagot sa akin ni ian na matiim akong tinitigan kaya naman napayuko ako.
"Pero hindi naman mangyayari yun kung hindi dyan sa boyfriend mo!, sa totoo lang hindi ko gustong kasama sya hindi ko sya feel! Alam mo sa katitingin mo sa akin hindi mo alam inaahas kana!" Nakangising dagdag pa nito saka bumaling kay Stephen "Hindi kita gusto at wala akong pakialam kung gusto mo ako o hindi wala akong balak mag karuon ng ugnayan sa isang manluluko!" Sabi nito na kinagulat ni Stephen.
Sa Dalawang taon na relasyun namin ni Stephen hindi ito nag luko kahit kailan, hindi ko sya nakitang nagka interes sa isang babae ngayun lang at kay Ian yun.
"Hindi manluluko ang boyfriend ko!. . .sa iyo lang sya nakuhang mag ka interes kasi malandi ka!" Mahinang sigaw dito.
"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo!" Galit na sigaw ni Tyler na matalim ang pagkakatingin sa akin. Agad naman kaming sinaway ni Dean at tinanong si ian kung ano ibig sabihin nito, hindi pa nakakapag Salita si ian humagulhul na ng iyak si Aya at yumakap sa Mommy nito.
"Malandi?! Ako ang malandi? . . .Hindi ako ang na buntis ng boyfriend mo!" Sabi ni ian na nakangisi saka binaling ang tingin kay Stephen at Aya, "At higit sa lahat wag mo akong tawagin malandi dahil hindi ako ang Best friend mo!" Anito na kinagimbal ko kaya naman gusto ko syang sampalin dahil balak pa nitong pag away awayin kami ni Aya.
"Ian!. . . Hindi naman tama na idamay mo si Aya sa gulo nyu ni Charlotte " saway ni Louise dito Kaya tumingin si ian kay Louise at sumagot.
"No! . . .Ako dapat ang hindi dinadamay dito!" Sabi nito at tumayo, saka tumingin sa akin ng masama. "Dean okay na po lahat sa akin, ayus na po matapos lang po ang lahat ng ito. " Dagdag na sabi pa nito.
"Well!. . . .Inamin na rin naman ni Miss Ong, na sya ang may gawa ng mga nangyari." Seryusong sagot ni Dean kay ian saka bumaling ito sa akin.
"And Miss Ong, Dahil sa ginawa mo pag uusapan natin ang magiging parusa mo," Seryusong sabi pa rin nito na kinayuko ko tanggap ko naman kasi mali talaga ako, pero diko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni ian.
"Wala syang kasalanan kay Charlotte pero sa anak ko merun! Hindi ako papayag na sasabihan ng kung ano-anong Salita ang aking anak ng isang Hampaslupa!"Galit na sigaw ng Mommy ni Aya na masama ang tingin kay ian, nginisian lang naman ito ni ian.
"Wow! Parang teleserye! Wala po akong sinasabi tungkol sa anak nyu . . .Malandi yun po ay nag sasabi lang po ako ng totoo!" Malumanay pero may diin nitong sagot, matapos marinig ng Mommy ni Aya yung sinabi ni ian, akmang susugurin nito si ian pero mabilis na nag tayuan ang mga kaibigan ni ian para ma-protektahan ito.
"Kung ayaw nyu maniwala . . .ipahubad nyu ang hodie nya!" Sabi pa ni ian at nginuso pa si Aya, Kaya hindi ko na matiis at nag Salita na ako.
"Ano ba ang pinag sasabi nya Aya!?. . .Stephen!?" Aniko na napaiyak naman lalo si Aya si Stephen naman yumuko lang.
"How dare you!!!!!" Sigaw ni Aya kay Ian na napatayo pa.
"No! . . .How dare you!!. . .Alam mong nanahimik ako! Dahil sa selos mo sinunog mo ang uniform ko! Pero nanahimik pa rin ako! Ang kapal mong mag selos eh hindi ka naman ang girlfriend nyan!!" Galit na dinuro nito si Stephen, " Nakakagago lang eh!. . .ni wala akong interes dyan sa lalaking yan pero ako ang pinag bubuntunan nang selos nyu! Kung di lang kailangan hindi ako sasali sa contest na yan kasama ang lalaking yan!" Galit na galit na sigaw ni ian, at sa mga narinig ko Lalo lang akong naguluhan.
"Nakakainis! . . .Nanahimik ako eh!. . .Yung Isa wala sa lugar mag selos manhid!. . .yung Isa kung tutuusin ang kapal ng mukha para mag selos! This is bullshit! Nawala ang pinaka importanteng bagay sa buhay ko ng dahil lang dito! "Lumuhang usal ni ian kaya naman nakaramdam muli ako ng pag ka-guilty.
"Magtapat ka nga Stephen!" Mahina kung tanong kay Stephen, malungkot akong tiningnan nito kaya parang nahuhulaan ko parang may kirut akong naramdaman.
"Babe! I'm sorry!. . . .trust me I don't love her lasing ako nun!" Sa sinabi nya na nag umpisa na naman tumulo ang luha ko.
"Ang kapal mo Stephen!. . .nung una Oo! Pero yung Paulit-ulit hindi na!" Sigaw ni Aya dito, pero bago makasagot si Stephen nag Salita si ian.
" Dean, mawalang galang na po. . . .wala po talaga kaming kinalaman sa gulo ng mga to baka pwede umuwi na kami?" Malumanay na wika ni ian saka pumayag naman si Dean kaya lumabas na ang mga ito.
Naiwan kami ng mga kaibigan ko pati na parents namin saka ni Stephen nang makaalis ng tuluyan saka nag Salita si Dean.
" Miss Hu. . . tama ba ang sinabi ni Miss Corteza na Buntis ka? At ikaw Mr, Tan ang ama?" Seryusong tanong ni Dean sa dalawa kaya naman halos sumabog ang dibdib ko ng pareho tumango ang dalawa. Nang tuluyan ko ng di makaya tumakbo ako palabas ng Dean office.
Tumakbo ng tumakbo habang umiiyak ako naririnig ko sila Mommy na tinatawag ako pero hindi ko na sila nilingun dumeretso na ako ng parking lot at sumakay sa sasakyan namin nandun lang naman ang driver ko kaya agad kaming umalis.
Iyak parin ako ng iyak ang sakit sakit kasi, Bakit ano ba ang nagawa ko para lukuhin ako ng ganito ng mga taong pinagkakatiwalaan ko?. Bakit Best friend ko pa!?.
Nang makarating ako sa bahay namin agad akong tumakbo sa kwarto ko, pabagsak akong humiga at pinabayaan kung bumagsak na lang ang mga luha ko. halo-halong imusyon ang aking nararamdaman pero alam kung mas lamang ang galit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...