2

45 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang panahon,marami na ang nangyari,marami ng nagbago pero hindi ang nararamdaman ko para kay Ram. Naaalala ko pa noong bigla na lang siya umalis ng walang paalam para sa scholarship niya,doon ko naranasan ang first heartbreak. Kahit masama ang loob ko noobg panahon na yon tumuloy ako at kumuha ng exam sa Asian University.

Naging maayos naman ang highschool life ko,wala akong naging balita sa kanya dahil di naman niya ako pinagkaabalahan na kamustahin man lang.

Nakakatampo kaya naman nag-enjoy na lang ako sa pagkakaroon ng bagong kaibigan at easy-go-lucky na buhay.At eto na nga graduation ko na ng highschool ngayong araw,
Nagkaroon ako ng kaibigan si Paola,lagi ko nga siya inaasar kay Paolo,dahil halos magkapareho sila ng pangalan.si Pao first year college name Dito sa Asian.at tulad ng daddy niya engineering din ang kinuha niyang course.

"Mamimiss Kita Ekang!"yakap sa akin ni Paola ng makalapit siya sa akin. Magsisimula pa lang ang graduation rites at medyo malayo siya sa akin dahil Rosales siya at De Vera ako.

"Ako din Pao,pero dito ka rin naman sa Asian mag college di ba? Please dito ka na lang!"pangungumbinsi ko sa kanya. HRM ang balak kong kunin na kurso kahit alam kong di ako papayagan ni mama gusto niya mag Business Management ako para daw mas lalo kaming yumaman. Ugh! Anong magagawa ko naman kung di keri ng brain ko ang Business Management,e mana lang naman ako sa kanya sa talino.

"Oo naman!Buti nalang din at di na natin kailangan pa mag take ng another entrance exam for College kadi Dito tayo nag highschool,ano nga pala kukunin mong course?"usisa niya sa akin.

"HRM.ikaw?"sasagot na sana siya ng biglang sumulpot si mama kung saan.

"Anong HRM ka diyan Erica!Business Management ang kukunin mo! Kailangan mapalago mo pa ang trilyobes natin aba! Anong mapapala mo sa luto-luto na yan?"naiiritang tanong sa akin ni mama. Humarap nalang ako kay Paola at humingi ng pasensya. Minsan talaga si mama may pagka palengkera.

"Yon Ang gusto KO mama,Sana di ko kaya ang Business Management. Alam mo naman na nagmana ako sayo,mahina ang brain." nakita kong nagpipigil sa tawa si Paola,at ako man ay di ko na mapigilan ang pagbungisngis.Nakaaktuwa kasi si mama kaya naiinis na.

"Aba't !Hoy Anong I big mong sabihin na bata ka ha?!Halika nga dito at ng maihampas ko sayo tong Prada ko!"iilag na sana ako ng natatawang lumapit sa amin si papa.

"Naku darling ,wag mo ng patulan ang anak mo iniinis ka lang niyan.Saka kung ano at saan gusto at masaya ang anak natin sa pipiliin niya suportahan nalang natin siya okey?"nakangiti ako kay papa ng ubod tamis kaya inirapan lang kami ni mama.

"Balik na ako sa pwesto ko Ekang,picture taking tayo mamaya after grad ha." Bumeso ako kay Paola at tumango.Sa bandang gilid sa gym nakita ko si Paolo kumaway siya at ngumiti.

"Congratulations anak" hinalikan ako ni papa sa pisngi at humarap kay mama para kunan kami ng picture,napatingin ako sa may malapit sa canteen,
"Anak smile!"napatingin ako ke mama,pagbalik ko ng tingin sa may canteen wala ng tao s gilid.Bakit ganon?Ganon ko ba siya kamiss para mamalikmata?Hindi siya yon,baka kamukha lang aano naman siya dito hindi niya nga ako kinakamusta kahit sa chat lang.Hmp!

"Anak!Si Paola pala yung anak ng pinsan makalawa ko,kaya naman pala pamilyar sa akin ang bata na yun.at heto pa nga ang chika,alam mo ba na anak yun ng ex-husband ng Auntie Preed---"bigbang natigilan c mama ng makitang katabi ko si Paolo ,napakadaldal naman kasi talaga!Napailing nalang ako habang pinagmamasdan ang madilim na mukha ni Paolo. Ewan ko ba bakit issue sa kanya ang past ng parents Nita patient tuloy si Paola napagdidiskitahan niya.

"AI Paolo hijo andyan ka pala,tara na nga sa mansyon at may salu-salo dun,tara...tara"hindi malaman kung matatae ang itsura ni mama sa pagkataranta,ayan kasi napaka chismosa!Ikinawit ko ang kamay ko sa braso ni Pao at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Pssstt!wag ka ng badtrip dyan ,sorry kay mama siguro na-excite lang siya masyado i-kwento kasi ngayon lang uli sila nagkita ng mommy ni Paola."alo ko sa kanya.Napangiti ako ng bumuntong hininga siya at inakbayan ako.

"Sige na nga para sayo" nagulat ako ng halikan niya ako sa ulo. Dati pa naman niya ako hinahalikan sa ulo maski sa cheeks pero iba ngayon.Akala mo hinahabol ng kabayo yung puso ko.Bakit naman ganito yung pagpintig ng puso ko?Parang sasabog.Ang alam ko ganito lang ito kapag nasa paligid si Ram..

"Let's go Erica!"aya sa kin ni Pao

*************************
"Congratulations Erika!"

Halos mapalundag ako sa dami ng bisita sa mansyon.Nandito ang mga kaibigan ni mama na parang pamilya na namin,kumpleto a!pagbaling ko s dulo malapit sa hagdan nakita ko si Ram!Di ko malaman ang nararamdaman ko iiyak ba ako,magtatalon sa tuwa o magtatampo.baka mag tumbling nalang ako sa kilig.

Hindi jo pa napagdidisyunan ang mararamdaman ko ng lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Gusto ko magmura pero di ko tinuloy!Gosh baka yung huli ang piliin ko ang mag-tumbling sa kilig!

"You've grown up a lot Erica" mas lalong naging husky ang boses ni Ram at napansin ko na lalo siyang tumangkad.Nahiyang ata siya sa Singapore lalo siya naging gwapo! Shit! Ang ganda ng kutis,hays puso traydor ka akala ko ba nagtatampo ka?

"Anyway,this is Jenny my girlfriend"hindi na ako makapagsalita at nalulon ko ata ang dila ko ng halikan niya sa harap ko yung babaeng chinita.Nanlamig ang pakiramdam ko,parang may tumusok sa dibdib ko!

"H-hi" yun lang ang nasabi ko at nilagpasan na sila.Agad akong tumakbo paakyat sa kwarto.Wala na akong pakialam sa iisipin nila,hindi ko na kaya pigilan ang luha ko.Ang sakit!

Ang tagal ko inalagaan sa puso ko ang nararamdaman ko kay Ram.infatuation pa ba to 6years?Hindi! Kahit anong gawin ko bata pa rin ako sa paningin ni Ram.hindi pwede noon,mas lalong hindi pwede ngayon. He's already 21years old and I'm only 16years old.Ano n naman laban ko?Wala na naman!

Kasalanan ko umasa at ngayon eto nasasaktan ang batang puso ko kay Ram.Para sa kanya "baby girl" lang ako hindi lalampas sa pagtinging kapatid ang nararamdaman niya para sa akin.Ang sakit naman!

Gusto ko talaga siya,gustong-gusto.Bakit ba ang hirap abutin ni Ram.





-fenkpusa🤎

Playboy's BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon