4

34 2 0
                                    

"Ekang nood tayo ng sine" yaya sa akin ni Paolo,habang tahimik lang ako nagbabasa ng libro.Napabuntong hininga nlng ako at napatingin kay Pao kanina pa niya ako kinukulit.Sabado ngayon at nandito na naman siya sa amin, "At ano naman papanoorin natin?" Biored kong tanong sa kanya.nababagot na rin naman ako sa bahay.Hinihintay ko lang mag weekend para naman makasama ko si Pao tapos sa weekdays sumasama ako kay papa sa bar na pagaari niya mula pa noong binata siya.

Mahilig din ako sa liquors at ang pag-mimix nito pero di pa ako pwede uminom o tumikhim man lang. Bilib ako kay papa sa pag iimbento ng kung ano-anong drinks na binabalik-balikan kahit mga foreigners kaya sumasama ako sa kanya para matuto rin mag mix .

"Ikaw Ang bahala Ekang. Date tayo?" Luh?!napanganga kasi kasi may kasama pa siyang pag kindat,daming alam!

"Nabaliw ka na naman,wala bang maganda sa ECE?Wala ka pang nagiging girlfriend Pao since highshool .Bading ka ba?"napa-aray ako ng malakas niya akong batukan.Tumawa nalang ako habang pinagmamasdan siyang nakasimangot.

"Hindi ako bading baliw ka tlga!"natawa na naman ako kasi naiinis ang itsura niya. Natawa ako sa sarili ko bat ba ganito ako natutuwa ako kapag may naiinis akong tao.

"E bakit nga hindi ka nagkaka-girlfriend?gwapo ka naman at saka andami kayang nagkakagusto sayo!Nakakatakot nga minsan,ang sama nila makatingin kapag magkasama tayo lalo na nung highschool" tawa ko sabay sandal sa balikat niya.

Siguro yung iba napagkakamalan kaming mag jowa ni Paolo.Parang kuya na ang tingin ko kay Pao lagi siyang andyan kahit na may topak ako minsan.

"May gusto kasi akong babae kaso May gusto na siyang iba."sinandal din niya ang ulo niya sa ulo ko sabay buntong hininga

"Hala!Bakit di ko alam yan,bakit di mo kinukwento sa akin yan ha? Hmp! Porke College ka na naglilihim ka na. Sino ba yon Pao?Sabihin mo na,tanga nito!"napailing nlang siya.

"Madaya ka naman Pao!Sabihin mo na Sino yon?"narindi yata si Pao sakin nakasimangot siyang nagkakamot ng ulo

"Hindi mo yon kilala Ekang wag ka ng makulit dyan." malamig niyang sagot sa akin at pumikit ng muli.Napasimangot ako at sumandal sa headboard ng kama ko.

"Sige na nga! Tara na nood na tayo ng sine,kawawa ka naman i-date mo na nga ako!" Yaya ko sa kanya. Nagulat ako mabilis siyang napabangon .

"Talaga Ekang! Tara na!"hinila niya ako patayo at tunakbo kami pababa ng sala. Nang makababa kami sa may sala nakasalubong namin si mama na mukhang katatapos lang magpa facial.

"Aalis kayo?"usisa ni mama

"Yes po tita,mag-date po kami ni Ekang" halos sabay kami napanganga ni mama sa sinabi ni Pao. Napangiti naman si mama sabay tango.

"Sige nga Pao ligaw-ligawan mo na yan pero bawal pa ang boyfriend sa Erika namin ha Pao magagalit papa niya"kinikilig na paalala p ni mama kaya naman napairap ako.

"Yes po tita,una na po kami" magalang na paalam ni Pao

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya sa akin
"MOA?" Suhestiyon KO.
"Wala kabang balak magbaskyon?talagang tatambay ka alng sa inyo buobg bakasyon?" Tanong ni Pao

Balak ko naman talaga sumama kay papa sa Puerto Verde,gusto ko matutunan lahat ng ginagawa niya sa bar na kinontra naman ni mama apat na taon daw ako magaaral para magibg bartender. Ang gusto ko talaga ay winery pero ayoko naman magaral pa sa Europe kaya nagaral nalang ako ng HRM.

Wala naman ako makitang masama sa pagiging barista,nasa pagmimix ng cocktail ang passion ko.Palibhasa kasi si mama pagpapayaman ang gusto niya hindi ko naman masisi si mama laking hirap kasi siya ayaw niya lang daw maranasan namin ang naranasan niya which is malabo mangyari because of papa na kaisa-isang tagapagmana ng angkan nila.Paranoid Lang talaga si mama,buti nalang talaga si papa sobrang bait at mahal si mama at sobrang supportive sa aming magkapatid.

"Baka pumunta ako sa Puerto Verde next week hanggang matapos na ang bakasyon doon ako,uuwe nalang ako 2weeks bago ang enrollment.Grabe kinakabahan ako na naeexcite!" Ngayon lang nag sisink in sa akin na College na ako,sabi ni papakailangan ko na magseryoso sa pagaaral ko kasi future ko na ang nakasalalay dito.Balak ko mag ojt sa bar ni papa o kay sa Hotel nila Ronna.

"Sayang naman di kita masasamahan hanggang May pa summer class KO" ngumiti lang ako at sumandal sa kanya.

"Okey lang yun para naman hindi tayo magkakasama saka schoolmates pa rin tayo no! Ay!Pao naalala ko nga pala Civil Engineering din ang course ni Paola.Ayos talaga Paolo at Paola ang kambal ng tadhana" panunukso ko sa kanya na agad naman na ikinasimangot ng mukha niya.

"Wag KO nga ako matukso-tukso dyan sa kaibigan mo Ekang!"mas lalo ako napangisi sa nakikita kong pagkapikon niya. Hindi ko alam kung bakit inis siya kay Paola.Dahil ba magkapangalan sila? Dahil parehas ng birthday?? O dahil ex-lovers ang parents nila? Gulo!

"Wag mo akong tuksuhin sa kanya 'Kang,may iba akong gusto  at kung tutuksuhin man ako gusto ko sa kanya." Seryoso niyang sabi natigilan ako sa sinabi niya.

"Sungit naman!"

Hindi na siya muli nagsalita hanggang makarating kami sa mall. Pagkarating ng mall diretso agad kami sa movie house at bumili ng popcorn chips at drinks. Nang makapamili kami ng movie ay pumasok na kami.

Sobra kong natuwa sa movie na pinanuod namin nagutom ata ako katatawa. Napagpasyahan namin kumain muna bago mamasyal,sa isang fastfood chain ko siya inaya.
"Anong gusto mo?" Tanong ni Pao

"Supermeal A,additional 2large fries at chocolate sundae  saka isang cheese burger" nakangiti kong wika. Nangiti siya alam niya na malakas ako kumain .
"Okey na?"nakangisi niyang tanong
"Oo nakakahiya naman sayo" wika ko sabay irap at alis para maghanap ng mauupuan namin habang umoorder siya. Sa may window glass Ang nakuha kong pwesto,kita ko ang mga taong nagshopping mga namamasyal..kinuha ko ang cellphone ko para maglaro.

At paglingon ko na sana di ko nalang ginawa,para di na ako nasaktan. Sana di ko na lang siya nakita,pakiramdam ko kasi nung di ko siya nakikita ay okey na ko pero ngayon nakita ko na siya ang sakit pa rin pala.

Si Ram may kasamang babae. Wait iba sa kasama niya noong graduation ko.

Hindi KO mapigilan ang mapaluha at hindi ko na sila hinintay na makalayo pa agad akong lumabas sa fast food chain at hinabol sila.

Bahala na si Batman!

-fenkpusa🤎



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playboy's BedmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon